All Chapters of IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME: Chapter 61 - Chapter 70

90 Chapters

CHAPTER 61

Maaga pa lang ay maraming reporter ang nag-aabang kay Xander sa labas ng Skyscraper Tower. Maging si Xander ay nagulat at hindi niya alam na siya pala ang pakay ng mga ito. Nakakasilaw ang lente ng kamera kasabay nang liwanag ng umaga. “Huh, anong kinalaman ko rito? Ano ito?” Maraming guwardiya ang nakaabang na upang eskortan si Xander papasok ng business center. Hindi puwede sa loob ang mga ito dahil nakakaabala sila sa iba pang mga empleyado rito. Hindi niya alam na kanina pang naghihintay sa kanya si Carlo. “Ikaw na naman? Ilang beses ko bang makikita ang mukha mo rito, Carlo?” “Gusto ko lang kumpirmahin ang kumakalat na balita.” Pinadala siya ng Ocampo Broadcasting Network para sana sa isang Exclusive interview. “What news is that?” “Sangkot sa illegal na pag-aangkat ng tela ang kompanya mo.” Hindi naintindihan ni Xander ang sinasabi ni Carlo. Hati ang kanyang isipan ng matanggap ang mensahe mula sa Textile Division. “Yes, Mr. Yu speaking.” Napakunot ang noo niya. Tinawagan
last updateLast Updated : 2023-02-14
Read more

CHAPTER 62

Kinabukasan, hindi maganda ang pakiramdam ni Xander ng umagang iyon ngunit sinikap niyang ipakita ang sigla dahil excited siyang isama sina Calyx at Icelle sa opisina. Proud siya dahil at last masasabi niyang hindi siya baog. Maaga niyang pinuntahan si Victoria sa Chocohills. Nagulat kami ni Ella sa pagdating ni Xander. Nag-aalmusal na sila ng dumating siya. Masaya siyang binati ng mga bata. Hinalikan niya sa ulo ang mga ito. Saka lang nila napansin na maayos ang pagkakabihis ng kanilang mga apo habang kumakain sila. Nagbigay galang siya kay Ella at nagmano kay Val kahit alam niyang hindi siya papansinin ng matanda. Si Ella lang ang pumansin sa kanila. “Papa, isasama po pala ni Xander ang kambal sa Mondragon.” “Daddy! Daddy!” Tumabi si Calix kay Xander. “Excuse me…” Tumayo si Val. “Papa, hindi pa po kayo tapos kumain?” sabi ni Victoria. “Val, tapos ka na ba?” “Nawalan na ako ng gana,” Saka tumalikod na siya. “Kain na kayong dalawa. Saan ang punta ninyo, Victoria?” “Mama, isa
last updateLast Updated : 2023-02-14
Read more

CHAPTER 63

Ipinahatid ni Ella ang nilutong pagkain sa condo unit ni Xander. Maysakit siya nang araw na iyon kaya ipinakiusap na lang niya na manatili muna doon si Victoria dahil walang mag-aasikaso sa kanya. Nakonsensiya rin si Victoria na iwan ang lalaki sa kanyang kalagayan. Masyado niyang pinangangatawanan ang pagiging ama niya. Alam ni Victoria na sabik ang lalaki na makasama si Calix lalo pa’t hindi lang isa ang kanyang anak. Tiyak na naaliw siya kay Icelle na first time niyang makita at makasama. Inikot ni Victoria ang tingin sa loob ng buong unit. Saglit lang ang tatlong taon at walang masyadong ipinagbago sa loob. Hindi niya akalaing makakapasok siyang muli rito kung kailan maysakit ulit si Xander. Naaalala tuloy niya ang mga gabing tumatakas siya upang puntahan ang boss. Hindi niya alam kung sino ang mas nasilo sa bitag ng isa’t isa. Naupo muna si Victoria sa sala upang maipahinga rin ang sarili. Hindi niya naramdaman ang pagod habang inaasikaso ang binata. Ngunit pagkaupo niya at p
last updateLast Updated : 2023-02-15
Read more

CHAPTER 64

Madaling araw na siyang nakauwi dahil sa nangyari sa kanila ni Xander. Basa pa ang kanyang buhok dahil nakiligo na rin siya sa unit nito. Hindi niya inaasahan ang kanyang Papa habang mahigpit na nakabantay sa pinto. “Bakit ngayon ka lang umuwi? Akala ko ba pinakain mo lang si Xander?” “OO nga po. Tapos kaming dalawa naman ang nagkainan, natanggalan pa at naghubaran pa po kami. Nagpasabog pa po si Xander ng alagad kaya mahirap awatin ang alagang nagwawala dahil matagal na di nakatikim.“ Pinunan nila ang mga panahong napalampas nila. Dinugtungan ang kanilang naudlot na kaligayahan. Hanggang sa halos ayaw na niyang umuwi dahil natatakot din siya. Hindi na nga nila namalayan ang oras dahil hanggang sa parking area ay hindi pinalampas ni Xander. Napansin niyang pumindot ang ama ng mga letter keys sa kanyang cellphone. Gigil na gigil na pumindot doon ng kung anong mensahe. Saka siya hinarap. Ang lagay sabihin niya ang totoong nag-sex sila ni Xander sa kanyang condo hanggang sa kotse. B
last updateLast Updated : 2023-02-15
Read more

CHAPTER 65

Naging malayo na ang loob ni Geneva kay Xander simula ng makatanggap ang MTC ang asunto dahil sa plagiarism. Umiiwas siya at halatang nagdadahilan lang upang hindi makaharap sa boss. Kung anu-anong alibi ang kanyang sinasabi upang makapagpaalam lang. Nakikisuyo na lang siya kay Loyalty. “Saka ako magpa-file ng absence form pagpasok ko. Nakakapagod din sa opisina. I had been busy working all day.” But her intention is to get Xander’s attention. She was just a damn fool for him. Ito ang totoo. Lalong nakakapagod kasi wala siyang panghugutan ng inspirasyon at sa tagal na panahon ay hindi man niya nakuha ang espesyal na atensyon mula rito. “Let him go, Geneva. Boss will never be yours,” sabi ni Farida. Kontrabida lang ang peg. Ganoon ba kadaling mag-let go? Sa matagal na panahon, umaasa siya na isang araw ay matatapunan siya kahit konting pagtingin mula sa mayamang CEO. Akala nga niya ay matatali na ang boss sa masungit na si Victorina ngunit dumating naman ang bagong sekretarya si Xand
last updateLast Updated : 2023-02-15
Read more

CHAPTER 66

Hindi halos nag-imikan ang dalawa matapos ang lahat ng narinig nila kay Geneva. Kanina pang umalis si Atty. Robles. Naging payapa naman ang lahat at natuwa si Macoy na makitang muli si Victoria. Nagpasalamat siya sa pag-urong ng demanda. “Hindi siya makapaniwala…” sabi ni Macoy. Saka lang sila casual na nag-usap dahil wala na ang abogado. “Ano ka ba?” May kasamang hampas pa iyon mula sa babae. “Bakit ka ba pumasok bilang sekretarya? Anak ka pala ni Sir Val.” Hindi na umimik si Victoria. “Ehem!” Parang si Xander pa ang nakakaistorbo sa kanilang dalawa. Paglabas ni Macoy, mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kanyang opisina. Napabuntung-hininga si Victoria. Tinitigan niya ang lalaki habang nakahalukipkip ito. “Ano bang mayroon sa inyo ni Geneva? May past ba kayong dalawa kaya hindi siya maka-moved on?” “Wala nga sabi!” “Huwag ka ngang painosente, ‘yung totoo lang?” “It was nothing. Matagal kong empleyado si Geneva. Halos magkaedad kami. Bagong graduate siya ng pumasok sa
last updateLast Updated : 2023-02-16
Read more

CHAPTER 67

Balewala ang mga narinig ni Victoria kay Xander sa opisina. Umalis siya at hindi nagpadala sa mga pagbabanta ng lalaki. She ended up in Club Roman. Marami ang nakakagulo sa kanyang isipan at gusto niyang uminom para makalimot. She found herself in Xander’s bed again. Hindi pala siya nakauwi. Seryoso silang nag-usap ni Xander. Hindi pumayag ang lalaki na hindi ma-settle ang mga issues nilang dalawa. “Hindi puwedeng ganito ang gagawin mo kapag mayroon tayong hindi pagkakaunawaan. Paano kung iba ang nakadampot sa iyo sa Club Roman? Paano kung saan ka dinala ng hindi ko alam?!” Hindi napigilan ni Xander ang sarili. Napataas na ang boses niya. “I just want to clear my mind.” “Kaya ka nagpunta para uminom sa Club Roman? Hindi mo alam kung gaano kadelikado sa iyo ang uminom mag-isa? Alam mo bang nandoon si Daniel kahapon and Victorina was pissed off because he is still after you?” “It’s not my problem anymore.” “Okay, it’s not your problem but you will have a big problem because of that
last updateLast Updated : 2023-02-17
Read more

CHAPTER 68

Hindi nakaligtas si Victoria sa kanyang mga college friends. Lahat sila ay may hinuha sa kung ano ang future ng dalawa sa kabila ng pagiging mailap kuno ni Victoria. “Meant to be talaga kayo ni Xander, Victoria. Alam mo, suwerte mo sa kanya.” Kumbinsido si Veronica. “Really?” “Huwag mo na siyang pakakawalan. Hindi na masama,” sabi pa ni Billie. Si Julia lang ang walang matinong masasabi. Palagi siyang may negative comment. But Victoria turned him down at hindi niya tinanggap ang kasal na inalok nito sa kanya. Naghihiganti pa siya sa kanya at pahihirapan pa niya ito tulad ng ginawa niya noong sekretarya pa lang siya ng lalaki. At ngayon, siya lang din ang muling susuko sa kanya dahil sa nangyari. Pinahid niya ang kanyang luha. “Salamat naman at ligtas na siya. Ligtas na silang pareho ni Calix.” Pakiramdam ni Victoria at pinagkaisahan siya ng pagkakataon upang maipit sa isang sitwasyon para sa isang desisyon. Xander’s life will never be the same again without Victoria and their
last updateLast Updated : 2023-02-17
Read more

CHAPTER 69

Ipinaakyat na sa staff ng resort ang kanilang mga gamit. Inakbayan ni Xander si Victoria upang maging alalay ang babae. “May usapan kayo ni Papa?” tanong niya habang paakyat kami sa second floor. “Huh, wala iyon. Huwag mo siyang pansinin.” Nasa tapat na sila ng kuwarto at nagulat si Victoria ng pangkuin siya ni Xander na para kaming bagong kasal. Napasigaw siyang bigla. “Ano ba, Xander? Put me down. Baka may makakita sa atin. Baka magdugo ang sugat mo,“ pagdadahilan ng babae. “Never mind! Maghihilom din iyan basta’t huwag mo lang ulit sugatan ang puso, Victoria.” “Oh gosh, what’s happening to you? Epekto ba iyan ng paglalaslas mo ng pulso. Ang sweet mo ha!” sabi ni Victoria habang ipinapasok siya sa loob ng kuwarto. Alam na niya kung anong balak gawin ni Xander. Inihiga na siya sa kama. “Victoria, let’s make love.” “Huh, mataas pa ang araw. Parang alas tres pa lang ng hapon. Maliwanag pa.” “Sino bang may sabing ang SEX ay ginagawa lang tuwing gabi? May iba nga na kung kailan k
last updateLast Updated : 2023-02-18
Read more

CHAPTER 70

Kasalukuyang nakatayo si Victoria sa harap ng sliding glass door, tanaw ang papalubog na araw. Isinampay ni Xander ang kanyang mga braso sa balikat ng babae at isinayaw-sayaw habang yakap siya ng mahigpit. Hindi na sila lumabas. Minabuti ni Xander na magkaroon sila ng face-off upang magkaalaman na. “Victoria…” “Uhm, bakit?” Malumanay ang boses ng babae. Bahagyang kumiling ito ng leeg at tiningnan ang kausap. “I have one question.” “What’s the question?” “Kailan mo ako unang minahal?” Napabuntunghininga ang babae. “Mahalaga pa ba iyon?” “I think so, besides gusto ko ring malaman ang totoo mula sa bibig mo.” Pinaharap ni Xander ang babae. Umiwas si Victoria sa eye contact ng lalaki ngunit pinisil siya sa baba nito at pinakatitigan. Victoria slowly opens up her feelings for Xander. Nakipagtitigan na rin siya sa lalaki at ngumiti. Sinalat niya ang pisngi ng asawa. Mahahalata ang malaking agwat nila dahil sa kanilang hitsura bagamat’ mukhang matured tingnan si Victoria. Batang bata
last updateLast Updated : 2023-02-20
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status