Home / Werewolf / Slave By The Ruthless Alpha / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Slave By The Ruthless Alpha: Kabanata 41 - Kabanata 50

67 Kabanata

Chapter 41

Savina Pov"Itigil ninyo ang pananakit sa kanila. Lubayan niyo sila kung hindi ay magiging marahas din ako sa inyo," galit na banta ko sa mga taong-lobo nang makita ko na muli nilang hinataw ng latigo ang mga kawawang witches. At isa pa, kung totoo nga na mga witches din sila katulad ko ay dapat ko talaga silang ipagtanggol. Dahil mga kalahi ko sila at hindi pala ako nag-iisa na lamang sa mundong ito."Huwag kang makialam, Savina. Dati kang alipin ng aming alpha kaya palalampasin namin ang pangingialam mong ito ngunit kapag ipinagpilitan mong makialam ay mapipilitan kaming patayin ka rin," banta sa akin ng lalaki. Kahit paano ay nakikilala pa rin nila ako bilang dating alipin ng kanilang alpha.Sa halip na sagutin ko ang nagsalita ay muling kinausap ko ang mga babae. "Nagsasabi ba kayo ng totoo na kayo ay mga witches?""Oo, Savina. Kami ay mga witches mula sa canary clan ngunit matagal nang tumiwalag ang aming angkan sa clan at namuhay ng tahimik sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi nami
Magbasa pa

Chapter 42

Savina PovSa ibang bahay ko pinatira sila Adora at ang mga kasama niya dahil hindi ligtas para sa kanila ang bahay ko. Alam ng mga taong-lobo ang bahay ko kaya anumang oras ay maaari silang umatake ulit. Kaya mas makabubuti na sa ibang bahay sila tumira. Pagkatapos kong masigurado na ligtas na sila Adora ay pinuntahan ko sa bahay nila si Julie. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Allana at Desmon na aking nalaman mula sa mga babaeng witch na iniligtas ko. At kahit si Julie ay hindi rin makapaniwala nang malaman na mag-asawa na sila Desmon at Allana."Bago ka maniwala sa mga sabi-sabi ay dapat mong makaharap at makausap ng personal si Alpha Desmon, Savina. Parang hindi kasi kapani-paniwala na papayag siyang pakasalan ang babaeng iyon," ani Julie matapos makapag-isip-isip."Iyan din ang gusto kong gawin, Julie. Kailangan makausap ko si Desmon. Gusto kong sa bibig niya mismo manggaling ang kumpirmasyon na mag-asawa na nga sila ni Allana. Ngunit hangga't hindi ko naririnig mula sa mga lab
Magbasa pa

Chapter 43

Savina PovHindi ako makapaniwala na ganito na siya kung makatingin sa akin. Isang kaaway na dapat ay patayin. Ano ba ang ginawa sa kanya ni Allana at tila hindi niya ako nakikilala? "Siya ba ang babaeng tinutukoy mo, Allana? Ang babaeng malakas ang loob na kalabanin tayo? Ang babaeng witch na siyang nag-iisang survivor sa ginawang pagpatay ng aking ama sa mga natitirang lahi ng mga witches?" tanong ni Desmon kay Allana habang matalim ang tingin sa pagkakatitig sa akin. Kahit konting recognition sa kanyang mukha ay wala akong nakikita kaya natitiyak ko na nakalimutan na nga niya ako."Oo, mahal kong asawa. Siya nga ang babaeng iyon na aking tinutukoy," mabilis na sagot ni Allana. Talagang binigyang diin pa niya ang mga salitang "asawa ko" na tila ba nais niyang iparating sa akin na wala na akong magagawa para maagaw sa kanya si Desmon dahil asawa na siya nito ngayon.Tila pinipiga ang aking puso sa kaalamang hindi ako nakikilala ni Desmon at lalong-lalo nang may asawa na siya. At ang
Magbasa pa

Chapter 44

Savina PovNapaungol ako habang unti-unting nagbabalik ang aking malay-tao. Hindi ko pa man nagagawang imulat ang aking mga mata ay naririnig ko nang kinakausap ako ng boses ng isang lalaki. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Faris. Natitiyak ko na siya ang nagligtas sa akin mula sa mga kamay ni Alpha Desmon."Savina? Okay ka lang ba?" muli niyang kausap sa akin pagkamulat ko ng mga mata. Napakunot ang noo ko nang makita ko sa likuran ni Faris ang sinasabi niyang kakambal niya na si Farin. Fraternal twins nga ang dalawa dahil hindi naman sila magkamukhang-magkamukha. Tila magkaiba rin sila ng personality. Parang tahimik, seryoso at mas nakakatakot si Farin kaysa kay Faris na friendly, approachable at madaling makapalagayan ng loob. "Faris," mahinang sambit ko sa pangalan niya pagkatapos ay bumangon ako sa pagkakahiga sa kama. "Maraming salamat sa pagliligtas ninyo sa akin," pasasalamat ko sa magkapatid. "Hindi ko siya tinulungan sa pagliligtas niya sa'yo dahil ang totoo ay
Magbasa pa

Chapter 45

Savina PovDinala ko ang bata sa mundo ng mga tao kung saan naroon ang kanyang lola pati na rin ang iba pang mga witches na iniligtas ko mula sa kamay ng mga tauhan ni Desmon. Nakaramdam ako ng saya at lungkot nang makita ko kung gaano kahigpit na nagyakapan ang mag-lola. Masaya ako dahil nagkita na sila at muling magkakasama and at the same time ay hindi ko maiwasang malungkot dahil naalala kong bigla ang mga magulang ko at kapatid. Kahit kaikan ay hindi ko na sila makakasama. Tanging sa isip at panaginip ko na lamang sila mayayakap. At ang mas nakakalungkot hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay. Akala ko noon kapag naging makapangyarihan na ako ay magiging madali na para sa akin ng makapaghiganti ngunit hindi pala. Dahil maliban sa hindi pa malinaw kung sino ba talaga ang pumatay sa kanila ay involve pa ang aking puso.Pagkatapos kong ma-isettled ang si Rina sa kasama ang kanyang lola ay nagtungo ako sa bahay nina Julie. Agad akong niyakap
Magbasa pa

Chapter 46

Savina Pov"Kailan gagawin ng ating alpha ang plano niyang pagpatay sa mga witches na bihag natin?""Sa pagkakaalam ko ay bukas ng gabi. Kabilugan ng buwan bukas ng gabi kaya siguro bukas nila isasagawa ang pagkuha ng dugo sa mga witches na iyon para maging sangkap sa ginagawang magic potion ng ating alpha at luna. Kapag nagtagumpay sila ay ang mga taong-lobo na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang nilalang sa buong mundo."Mula sa kinatatayuan ko ay dinig na dinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang omega na sundalo ni Desmon. Hindi ko mapigilang makaramdam ako ng galit kay Desmon dahil sa aking narinig. Napakawalang puso niyang nilalang. Magkatulad lamang sila ni Allana. Sa pagkakataong ito ay saglit na nakalimutan ko ang nararamdaman kong pag-ibig para kay Desmon. Galit ang namamayani sa aking puso. Ipinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari ay ililigtas ko ang mga bihag nilang witches. Ilang saglit na pinakinggan ko pa ang kanilang pag-uusapan hanggang sa naba
Magbasa pa

Chapter 47

Savina Pov Nakahiga ako sa loob ng isang kulungan nang pagbalikan ako ng aking malay. Agad na nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari. Pumasok ako sa patibong na ipinain nila sa akin. Mga taong-lobo pala ang nasa loob ng kulungan at hindi ang mga kagaya kong witch. Alam nila Desmon at Allana na ililigtas ko ang mga bihag nila sakaling makarating sa akin ang balita na papatayin na sila kaya ipinakalat nila ang maling impormasyon. At sa pagnanais ko naman na mailigtas ang mga kagaya kong witch ay hindi ako nag-alinlangan na puntahan sila. Hindi man lang pumasok sa aking isip na baka patibong lamang ang lahat. Hindi ako nag-ingat kaya nahuli tuloy nila ako. Ngunit mabuti na lamang may kapangyarihan akong mag-teleport kaya kahit na nakakulong ako ay makakatakas pa rin ako anumang oras ko gustuhin. Bigla akong tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig ngunit natumba at napabalik lamang ako sa pagkakahiga sa sahig ng kulungan. Tila wala akong lakas na tumayo. Nanghihina ang aking mg
Magbasa pa

Chapter 48

Savina Pov Tinapunan ko ng masamang tingin ang guard na nagdala sa akin ng pagkain sa loob ng kulungan at damit na para pamalit ko sa aking suot. Basta na lamang niyang itinapon sa mukha ko ang damit na para bang basurahan ang tingin niya sa akin at nagtatapon lamang siya ng basura. Pasalamat ang guard na ito na wala akong kapangyarihan ngayon dahil kung nagkataong hindi nawala ang kapangyarihan ko ay makikita niya kung ano ang hinahanap niya. "Pagkatapos mong kumain ay isuot mo ang damit na iyan at saka puntahan mo si Alpha Desmon sa bahay niya," kausap ng guard sa akin sa tonong nag-uutos. "Huwag kang magtangkang tumakas dahil maliban sa hindi ka makakatakas dahil maraming sundalo ang nagbabantay sa paligid ay binigyan din kami ng pahintulot ng aming alpha na patayin ka sa oras na magtangka kang tumakas," babala niya sa akin. Hindi ko pa nga naiisip ang tumakas ay inunahan na niya ako. "Ano ang binabalak nilang gawin sa akin?" tanong ko sa guwardiya. "Huwag mo akong tanungin dahi
Magbasa pa

Chapter 49

Savina Pov "Bakit nais mo akong maging alipin, Desmon? Hindi ka ba nag-aalala na baka matakasan ko ang mga sundalo mong nagbabantay sa paligid?" nananantiya kong tanong kay Desmon. Baka kasi kahit paano ay may naaalala siya tungkol sa akin o may familiarity siyang nararamdaman kaya inilabas niya ako sa kulungan at ginawa na lamang niyang alipin. "Huwag ka ngang masyadong mayabang, Savina. Noong may kapangyarihan ka pa ay nagawa ka naming hulihin ngayon pa kaya na wala ka nang kapangyarihan? Tangkain mo mang tumakas ay hindi ka magtatagumpay. Wala kang laban ngayon kahit pa isang ordinaryong taong-lobo ang makaharap mo," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi ni Allana. Tumayo siya sa kinauupuan at pinatamaan ng latigong hawak niya ang aking mga tuhod. Bigla akong napaluhod sa kanilang harapan ngunit hindi ako d*****g sa sakit kahit pa parang hiniwa ng matalim na bagay ang aking tuhod. "Tama si Allana, Savina. Tangkain mo mang tumakas ay hindi ka pa rin magtatagumpay kaya ano ang d
Magbasa pa

Chapter 50

Savina Pov Ang bilis ng tibok ng aking puso habang nakakapit ang ajing mga braso sa leeg ni Desmon. Nakaramdam din ako ng saya. Iniligtas niya ako dahil ayaw niya akong masaktan. Nakalimutan man niya ako ay naalala naman ako ng kanyang puso. Kaya gagamitin ko ang aking puso para muling mapaibig siya at tuluyang magbalik ang kanyang mga alaala. "Bakit mo ako iniligtas, Desmon? Natatakot ka ba na masaktan ako kapag nahulog ako sa lupa?" deretsang tanong ko sa kanya. Biglang kumunot ang noo ni Desmon sa pagkakatingin sa akin. "Huwag mong lagyan ng anumang kulay ang ginawa kong pagliligtas sa'yo, Savina. Ayoko lang mamatay ka bago pa man sumapit ang eclipse," madilim ang mukha na sagot niya sa akin. "Paano naman ako mamamatay sa ganyan kataas lamang? Hindi kaya ang OA naman ng reaksiyon mo?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi. Sa pagkagulat ko ay bigla na lamang niya akong binitiwan. Una ang puwitan na bumagsak ako sa lupa. "Ouch! Bak
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status