"Tito, asan n'yo naman ho dinala si Johan? Baka mamaya ay pinaakyat niyo na naman ng puno 'yon? Naku, To, magagalit na talaga ako sa inyo n'yan."Kumusli ng ngiti ang Tito ko, kasabay non ang bungisngisisan nilang magkakapatid. Napakamot ako sa ulo ko."Hayaan mo't minsan lang naman 'yon. Atsaka, nasa probinsya kayo, hayaan mo siyang matutong mamuno, Arabella." si Tita Monet."Oo nga, mamaya nga ay pagsisibakin namin ng kahoy 'yon." dagdag pa ni Tito Galian na sinamaan ko ng tingin."Hindi ho laking hirap si Johan, mamaya ay baka magkasakit pa 'yon sa kung ano-anong pinapagawa niyo, kawawa naman ho 'yong tao." nguso ko."Aba'y, baka nagkakalimutan tayong ikaw lang ang kaisa-isang babae naming pamangkin? Hindi naman ata tama na basta-basta ka na'lang sumagot ng manliligaw na hindi dumadaan sa mga pagsubok?." nanlalaki ang matang sabi ni Tito Galian.Napalabi ako. May sinagot na nga ako 'e, pumalya lang."Tama ang Tito Galian mo, Arabella. Nong panahon nga namin ay halos ikamatay nila
Last Updated : 2022-12-18 Read more