Home / YA/TEEN / Binata na si Iris / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Binata na si Iris: Chapter 1 - Chapter 10

19 Chapters

Prologo: Crush? Ano 'yon?

Forty na si Nanay nang ipinanganak niya ako. Kwento niya sa akin, late na raw siyang nag-asawa dahil inuna niya raw muna sina Lolo at Lola bago ang kaligayahan niya. Kaya nang magpakasal na sila ni Tatay, labis-labis ang kasiyahan niya dahil sa wakas daw ay nakasama niya ng muli ang taong pinakamamahal niya.Gustong-gusto ko no'n magkaroon ng kapatid dahil nalulungkot ako kasi mag-isa lang ako. Wala akong kalaro, kakwentuhan, wala akong aawayin lalo na kung wala akong ginagawa, at hindi lang 'yon, wala rin akong kakampi kapag may nang-aaway sa akin. Ngunit, pinaintindi naman sa akin noon ni Tatay kung bakit nag-iisang anak lang ako. Sabi ni Tatay sa akin, hindi na raw magkakaanak si Nanay dahil may edad na ito. Syempre, nalungkot ako dahil hindi na ako magkakaroon pa ng kapatid. Pangarap ko pa naman 'yon. Nakakainggit naman kasi ang mga pinsan kong may mga kapatid."Iris!" tawag sa akin ni Nanay kaya't mabilis akong bumangon sa aking higaan.Hindi na ako nag-atubili pang magsuklay ng
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more

Kabanata I: Pagtuklas

Crush. Salitang hindi na bago sa aking pandinig. Ilang beses ko na itong narinig simula pa noong elementarya ako. Kaso, ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ito. Sabi ni Rhea, isang paghanga raw sa isang tao ang ibig sabihin ng crush. Medyo naiintindihan ko naman iyon ngunit hindi lang gaanong kalawak ang pagkaintindi ko no'n. Ibig ba nitong sabihin ay 'yong katulad sa paghanga ko kay Nanay dahil naitataguyod niya akong mag-isa? O, katulad sa pinag-uusapan nilang crush ni Mary Anne na hindi nito masabi-sabi dahil sa kahihiyan?Ngunit, kung tungkol sa paghanga ko kay Nanay ang sinasabi nilang crush eh, bakit ako makakaramdam ng hiya katulad ng kay Mary Anne?Dahil sa inuusig ako ng kuryusidad ay bigla na lamang ako napatanong kay Nanay tungkol sa bagay na 'yon. Kahit naman na minsan ay pinapagalitan ako ni Nanay dahil sa pagiging pasaway ko ay nagagawa ko pa ring makapagsabi sa kanya ng mga bagay-bagay na hindi ko pa maunawaan."Nay, mayroon ka bang crush?" inosenteng
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more

Kabanata II: Gusto

Lumawak ang ngiti ni Jolo nang marinig niya ang balita ni Jimboy. Parang nakalimutan niyang nagtatampo siya sa amin dahil hindi namin sinasabi sa kanya ang pinag-uusapan namin kani-kanina lang."Oh, talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Jolo kay Jimboy.Umupo sa may ugat ng puno si Jimboy at pilit na pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. "Oo nga! Kitang-kita ng dalawa kong mata. Sakay pa nga sila ng tricycle ni Mang Domeng, eh."Sumingit naman si Mary Anne sa usapan ng dalawang lalaki. "Sus, umiiral na naman ang pagka-chickboy niyo.""Bakit? Nagseselos ka?" pagbibiro ni Jolo. "Wala naman kasing masyadong maganda rito sa probinsya natin, eh.""Hala, makapagsalita akala mo naman gwapo." Pambabara naman ni Rhea.Lumapit naman sa akin si Jolo at kaagad akong inakbayan. "Kahit tanungin niyo pa si Iris. 'Di ba Iris, tama ako?"Sinimangutan ko naman siya. "Aba, ewan ko sa'yo. Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo.""Ang dami niyong satsat, kung puntahan na lang kaya natin ang b
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more

Kabanata III: Hanna

Maaga akong gumising katulad nang ipinangako ko kay Nanay kahapon. Dahil maaga pa ay walang sawa sa pag-uutos ng kung ano-ano si Nanay sa akin. Pagflo-floorwax ng sahig, mag-igib ng tubig mula do'n kina Aling Thelma, at ang mamalengke para sa tanghalian namin mamaya.Hindi nakabisita si Nanay kina Ninang Carmen kahapon dahil abala sila nina Aling Thelma sa kapilya. Aktibo si Nanay sa mga gawain sa simbahan kaya paminsan-minsan ay wala ito sa bahay. Matagal ng deboto si Nanay ni Senior Sto. Niño. Nang magkasakit noon si Tatay ay doon si Nanay nananalangin kay Sto. Niño na sana'y mas humaba pa ang buhay ni Tatay. Ngunit, kahit anong panalangin pa ang gawin ni Nanay ay kinuha pa rin ito ng Maykapal. Hindi naman siya nagkaroon ng sama ng loob sa Diyos. Sabi pa nga niya eh, wala na kaming magagawa kung oras na talaga kaya mas mainam na tanggapin na lang namin ang kapalaran ni Tatay."Bibisita tayo mamaya kina Ninang Carmen mo, ha?" paalala sa akin ni Nanay habang nagluluto ng i-uulam namin
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more

Kabanata IV: Kakaibang Nadarama

Para akong kinuryente nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang malambot na kamay ni Hanna. Pati na yata ang puso ko ay sumabay na sa pagsabog dahil sa kaba.Nakangiti pa rin si Hanna sa akin. Patuloy pa rin kaming nagkakamay. Hindi ko na kasi nabitiwan pa ang kamay nito dahil sa pagkatulala sa kanyang maamong mukha."Ahh, Iris?" untag sa akin ni Hanna kaya't nabalik ako sa realidad na hindi pala anghel ang nakikita ko kundi si Hanna.Agad kong binitiwan ang kamay niya. Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam ko hawak-hawak ko pa rin ngayon ang malambot na kamay ni Hanna."Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay kaya't idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa aking noo. "Bakit parang natulala ka? May sakit ka ba?"Nahiya ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman siguro halata na natulala ako kanina. Ngunit, bakit nasabi 'yon ni Nanay? Kung gano'n nga ay mukhang klaro talaga na natulala ako kanina. Nakakahiya naman."W-Wala, Nay." Kabadong sagot ko.Kung magtataga
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more

Kabanata V: Puppy Love

Maaga pa akong lumabas ng bahay at hindi rin ako nagpaalam kay Nanay kaya sigurado mamayang pag-uwi ko ay sermon ang aabutin ko. May usapan kasi kami nina Jolo kahapon na pupunta kami sa bahay nina Ninang Carmen at magmamatyag kami. Naisipan din naming puntahan si Jimboy sa bahay nila baka sakaling sumama ito at wala na rin itong tampo sa akin dahil sa nangyari kahapon."Ano ba kayo, puro na lang si Hanna. Ni hindi na nga tayo nakakapaglaro. Sayang ang bakasyon." Himutok ni Mary Anne na nakahalukipkip."Ang KJ mo na naman," inis na sambit ni Jolo. "Eh, titingin lang naman kami do'n. Kung ayaw mong sumama eh, maiwan ka na lang dito.""Kita mo na, ipinagpapalit ang pagiging magkaibigan dahil sa itinitibok ng puso," mataray na saad ni Mary Anne.Kumunot naman ang noo ni Jolo. "Palibhasa'y wala kang crush kaya hindi mo alam."Naningkit ang mga mata ni Mary Anne kasabay ng pamumula ng mukha. "Tse! May crush ako, 'no!""Wala kaming pakialam." Malamig na tugon ni Jolo at bigla itong humalakha
last updateLast Updated : 2022-12-01
Read more

Kabanata VI: Pagkilala

Medyo mabigat ang atmospera sa loob ng bahay dahil sa kabadong puso ko. Pakiramdam ko ay masyado akong nasasakal sa nararamdaman ko ngayon. Makita ko lamang si Hanna nang malapitan ay parang malalagutan na ako ng hininga. Eh, sino ba naman ang hindi mapra-praning at magkakanda-loko-loko ang nararamdaman kung kaharap mo ang taong hinahangaan mo?Maganda talaga si Hanna. Parang mga bituin sa kalangitan. Ngunit, hapon pa lamang ngayon at hindi pa madilim sa labas kaya maihahanlintulad ko lamang siya ngayon sa isang magandang musika. Palihim ko siyang sinisipat nang tingin sa tuwing sumusubo siya ng spaghetti. Panay ang sukbit niya sa likod ng kanyang tenga ng mga kumakalas na hibla ng buhok. Natatanaw ko nang maayos ang maamo niyang mukha at ang nangungusap niyang mga mata."Anong year mo na ngayong susunod na pasukan?" tanong nito sa akin at tuluyan nang natapos ang lumang kanta sa radyo."Magfi-first year na ako," ilang na sagot ko. Parang hindi pa ako komportable sa kanya ngayon. Hirap
last updateLast Updated : 2022-12-02
Read more

Kabanata VII: Si Hanna at ang Barkada

Magkasama kami ni Hanna sa pamamalengke. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito ngayon at tila ba na parang nananaginip pa rin ako. Nakahawak sa kaliwang balikat ko si Hanna habang sinusuri niya nang maigi ang mga isda kung presko pa ba ito o hindi. Sabi niya kasi kanina ay balak niya sanang magluto ng escabeche. Bahagyang nagningning ang mga mata ko kanina nang banggitin niya iyon kaya't tinanong niya ako kung paborito ko ba ito at tumango naman ako."Sigurado po ba kayong sariwa 'yan?" tanong ni Hanna sa tindera."Aba't oo naman, hija. Hindi kami nagtitinda ng hindi sariwa." Sabi ng tindera."Sigurado po kayo, ah?" bungisngis na tanong ni Hanna at tumango naman ang tindera.Binayaran na ni Hanna ang nabiling isda. Akmang kukunin niya na sana ito sa tindera ngunit inunahan ko na ito."Ako na," pagboboluntaryo ko at mahigpit na hinawakan ang plastic bag na may laman na isda."Sigurado ka, Iris? Dadalawa na ang dala mo." Alalang tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako."A
last updateLast Updated : 2022-12-06
Read more

Kabanata VIII: Binata

"Uy, may tsismis ako!" anunsyo ni Mary Anne nang makarating ito sa tambayan namin. Umarko naman ang kilay ni Jolo at umupo sa may ugat ng puno."Ang aga-aga may tsismis ka na naman," inis na sabat nito."Eh, huwag kang makinig." Pagtataray ni Mary Anne.Nagkamot ng ulo si Jolo. Wala siya sa mood. Nakabusangot ang mukha."Kung nando'n lang si Ate Hanna sa bahay nila eh, 'di sana nando'n tayo ngayon." Nanghihinayang na wika nito.Tinabihan ko naman siya sa pag-upo. "Uy, huwag naman nating araw-arawin. Nakakahiya," sabi ko."Sus, baka gusto mo lang siya masolo." Singit ni Jimboy.Napapalatak si Rhea. "Ang mahirap kasi sa inyo, magkakagusto na nga lang kayo sa iisang babae pa.""Gaya-gaya kasi," bulong ni Jimboy."Gaya-gaya mo ang mukha mo," si Jolo na ang nagsabi.Nakakabagot nga. Wala sina Hanna at Ninang Carmen nang magpunta kami sa bahay nila. Ang sabi sa amin ay mukhang nagpunta raw sila sa lungsod. Hindi nga lang nasabi kung anong oras sila uuwi."Siya nga pala, kasama ka ba sa saga
last updateLast Updated : 2022-12-08
Read more

Kabanata IX: Santa Cruzan

Halos mahimatay na ako sa nerbiyos kahapon nang malaman kong dinatnan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkaroon ka na ng dalaw sa unang pagkakataon... nakakatakot. Akala ko may malubhang sakit na ako at mamamatay na.Pinaalam ko kaagad 'yon kay Nanay pagkarating ko sa bahay. Tuwang-tuwa naman ito at sinabihan na ako raw ay isang dalaga na. Napakamot ako ng ulo no'n at medyo nakaramdam ng inis. Hindi pa naman kasi ako dalaga, bata pa ako.Ngayong dalaga na raw ako ay kailangan ko na raw mag-ingat at higit sa lahat ay alagaan ko na raw ang sarili ko. Hindi lang 'yon ang naging paalala ni Nanay. Bawas-bawasan ko na raw ang katigasan ng ulo ko dahil hindi na raw ako bata.Sa unang beses na paggamit ko ng napkin ay naiilang ako sa paglalakad. Kasi naman eh, pakiramdam ko may suot akong diaper. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Hindi ako komportable.Isa pa 'tong prino-problema ko ang pagsasagala ko mamaya. Napilitan na nga akong magsagala, maglalakad na naman akong naiilang dahil
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status