Home / YA/TEEN / Binata na si Iris / Kabanata III: Hanna

Share

Kabanata III: Hanna

Author: Kris Sendo
last update Last Updated: 2022-11-28 17:59:55

Maaga akong gumising katulad nang ipinangako ko kay Nanay kahapon. Dahil maaga pa ay walang sawa sa pag-uutos ng kung ano-ano si Nanay sa akin. Pagflo-floorwax ng sahig, mag-igib ng tubig mula do'n kina Aling Thelma, at ang mamalengke para sa tanghalian namin mamaya.

Hindi nakabisita si Nanay kina Ninang Carmen kahapon dahil abala sila nina Aling Thelma sa kapilya. Aktibo si Nanay sa mga gawain sa simbahan kaya paminsan-minsan ay wala ito sa bahay. Matagal ng deboto si Nanay ni Senior Sto. Niño. Nang magkasakit noon si Tatay ay doon si Nanay nananalangin kay Sto. Niño na sana'y mas humaba pa ang buhay ni Tatay. Ngunit, kahit anong panalangin pa ang gawin ni Nanay ay kinuha pa rin ito ng Maykapal. Hindi naman siya nagkaroon ng sama ng loob sa Diyos. Sabi pa nga niya eh, wala na kaming magagawa kung oras na talaga kaya mas mainam na tanggapin na lang namin ang kapalaran ni Tatay.

"Bibisita tayo mamaya kina Ninang Carmen mo, ha?" paalala sa akin ni Nanay habang nagluluto ng i-uulam namin mamaya.

Bigla naman akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Nanay.

"Talaga, Nay?" hindi makapaniwalang saad ko. "Wala ulit kayong lakad ni Aling Thelma?"

Umiling-iling si Nanay. "Kahapon lang 'yon. Malapit na kasi ang Santa Cruzan kaya gano'n. Gusto ko sanang magsagala ka, anak."

"Ha? Bakit ako?" gulat kong pahayag. "Nay, huwag namang gano'n. Alam mo namang wala akong hilig diyan. Eh, hindi nga ako nagsusuot ng mga gano'ng damit."

"Iris, gusto ko lang namang maranasan mo ang magsagala." Sabi nito sa akin. "Alam mo, noong kabataan ko, pinagsagala ako ng Lola mo. Hindi nga lang ako ang Reyna Elena."

Napabusangot ako. "Hindi ako magsasagala."

"Iris," mariing banggit ni Nanay sa pangalan ko.

"Ayaw ko nga, Nay. Ayaw kong magsagala. Ayaw kong magsuot ng gano'ng damit maski ang magsuot ng takong at saka ang malagyan ng kolorete sa mukha." Pagdidiin ko. "Magaganda lang ang nagsasagala, Nay. Hindi ako bagay do'n. Mas mabuti pa kung sina Rhea at Mary Anne na lang ang kunin niyo."

Nilapitan ako ni Nanay at tinabihan sa may upuan. "Anong hindi bagay sa sagala? Ang ganda-ganda mo nga, eh. Tignan mo, para kang beauty queen."

"Nay naman, eh..."

Niyapos ako ng yakap ni Nanay. "Ang ganda-ganda talaga ng unica hija ko."

Sa isipan ko, muntikan na akong masuka.

"Ayaw ko talaga, Nay."

"Bahala ka. Hindi ka lalabas ng bahay. Dito ka lang buong maghapon."

Nataranta ako bigla.

"Paano ang pagpunta natin kina Ninang Carmen?"

"Tutuloy ako mamaya. Sasabihin ko kay Ninang Carmen mo na kaya kita hindi sinama dahil makulit ka."

"Naaay..."

Paano ko makikilala ang anak ni Ninang Carmen?

"Magsasagala na nga lang ako," bulong ko.

"Kailangan lang pa lang takutin ka."

xxx

Good mood si Nanay habang naglalakad kami papunta kina Ninang Carmen. Bakit ba hindi siya magiging good mood eh, pumayag na akong magsagala ngayong darating na Santa Cruzan. 'Yong pagiging beauty queen na sinasabi ni Nanay? Naku, isang malaking kasinungalingan 'yon. Ni ayaw ko ngang magsuot ng mga magagarang damit, ang maglagay ng kolorete sa mukha dahil magmumukha akong clown, at ang magsuot ng sapatos na may takong.

Ayaw ko talagang pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko. Ngunit, wala akong magagawa kung makikipagtigasan pa ako kay Nanay. Hindi ko makikilala ang anak ni Ninang Carmen.

Hindi na talaga ako makapaghintay pa nang matanaw ko na ang bahay nina Ninang Carmen. Kahit medyo malayo pa ay nakikita ko na sa labas si Ninang na nagwawalis sa kanyang may bakuran.

"Carmen!" tawag ni Nanay. Maririnig mo sa tono ng kanyang boses ang pagkasabik na makita si Ninang.

Huminto naman si Ninang Carmen sa kanyang ginagawa at laking gulat nito nang makita niya kami ni Nanay.

Hindi naman siguro masyadong halata kay Nanay na hindi siya excited na makita ang matalik niyang kaibigan. Mabilis niyang pinuntahan si Ninang at nakalimutan niya ng may kasama siya.

"Carmen, naku, ang tagal na nating hindi nagkita." Maligayang sambit ni Nanay at niyakap-yakap niya si Ninang.

Gano'n din si Ninang. Mukha rin siyang excited na makita si Nanay.

"Gina! Natutuwa talaga ako na pumunta ka rito," wika rin ni Ninang Carmen.

"Kumusta ka na, Carmen? Ilang taon din no'ng huli tayong magkita."

"Heto, ayos lang naman. Hindi naman masyadong pinapahirapan ng buhay." Humahagikhik na tugon ni Ninang. "Oh, sino ba ang batang babae na nasa likod mo?"

Ako ang tinutukoy niya.

"Ahh, si Iris nga pala," sabi ni Nanay at marahan akong tinulak sa harapan ni Ninang. "Magmano ka."

Agad naman akong nagmano kay Ninang. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ako.

"Ang laki na naman pala ng inaanak ko," sabi nito habang nakangiti. "Ilang taon ka na?"

"Eleven po," mahinang sagot ko.

"Magha-hayskul na?"

"Opo, Ninang."

"Valedictorian 'yan," pagmamalaki ni Nanay kay mas lalo akong nahiya.

"Talaga ba? Ang talino naman pala ng inaanak ko," manghang sambit nito. "Teka, nandito pala ang anak ko. Ipapakilala ko naman sa iyo ang Ate Hanna mo."

xxx

Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan ng husto. Pagkarinig ko pa lang ng pangalang Hanna ay hindi na ako mapakali pa. Ngunit, bakit dinagdagan pa ni Ninang ng "ate" ang pangalan ni Hanna? Mukhang totoo yata ang sinabi nina Mary Anne at Rhea kahapon na hindi kami magkasing-edad ng anak ni Ninang Carmen.

Pumanhik kami sa loob ng bahay nila. Medyo may kalumaan na rin at mahahalata mong hindi pa rin sila nakakapag-ayos ng mga gamit simula pa kahapon. Marami rin naman kasi silang mga dala.

"Hanna! Nandito sina Tita Gina mo," tawag ni Ninang kay Hanna, este, Ate Hanna.

Bakit ba kasi Ate Hanna? Parang mas komportable ako kung Hanna lang.

"Papunta na, Ma!"

Pasimple kong kinapa ang dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa kaba. Tinig pa lang ng boses niya ang naririnig ko. Pakiramdam ko nasa langit na ako.

Hindi nagtagal ay nakaharap ko na ang sinasabing dyosa ni Jimboy. Panigurado, laglag ang panga nila kapag nakita nila si Hanna nang malapitan.

"Hello po, Tita Gina." Malumanay na bati nito kay Nanay at saka nagmano.

Tumingin naman si Nanay kay Ninang Carmen. "Dalaga na pala ang anak mo, Carmen. Paniguradong marami ang manliligaw nito."

"Naku, Tita. Hindi naman po." Humahagikhik na wika nito.

"Bawal pang mag-boyfriend 'yan kahit twenty-two na 'yan," giit ni Ninang.

Natawa naman si Nanay. "Kahit kailan talaga mahigpit ka pa rin, Carmen."

"Nag-iingat lang ako, Gina. Alam mo naman ang panahon ngayon. Ang mga kabataan, mapupusok. Parang mauubusan ng lalaki. Parang naipapakain ang pag-ibig." Litanya ni Ninang. "Kaya ikaw, Iris, huwag ka munang magpapaligaw."

"May crush na nga siguro 'yan," dagdag ni Nanay. "Kasi no'ng mga nakaraang araw nagtatanong tungkol sa crush."

Tumirik ang mga mata ni Ninang. "Iris, ha? Kahit crush bawal."

"Ma, naman. Payagan mo nang magkaroon ng crush si Iris." Singit ni Hanna at tumingin ito sa akin.

Nailang ako bigla kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Kahit na. Ikaw, Hanna. Huwag mong tuturuan ng kung ano-ano itong si Iris." Sabi ni Ninang. "Hanna, si Iris pala. Unica hija ng Tita Gina mo."

"Hello, Iris. Ako nga pala ang Ate Hanna mo," pakilala naman nito sa at inabot ang kamay nito sa akin.

Alinlangan ko namang hinawakan ang kamay nito. "I-Iris..." nauutal kong sambit sa pangalan ko.

Parang bulkang Mayon na sumabog ang utak ko. Ang lambot  ng kamay ni Hanna.

Related chapters

  • Binata na si Iris   Kabanata IV: Kakaibang Nadarama

    Para akong kinuryente nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang malambot na kamay ni Hanna. Pati na yata ang puso ko ay sumabay na sa pagsabog dahil sa kaba.Nakangiti pa rin si Hanna sa akin. Patuloy pa rin kaming nagkakamay. Hindi ko na kasi nabitiwan pa ang kamay nito dahil sa pagkatulala sa kanyang maamong mukha."Ahh, Iris?" untag sa akin ni Hanna kaya't nabalik ako sa realidad na hindi pala anghel ang nakikita ko kundi si Hanna.Agad kong binitiwan ang kamay niya. Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam ko hawak-hawak ko pa rin ngayon ang malambot na kamay ni Hanna."Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay kaya't idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa aking noo. "Bakit parang natulala ka? May sakit ka ba?"Nahiya ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman siguro halata na natulala ako kanina. Ngunit, bakit nasabi 'yon ni Nanay? Kung gano'n nga ay mukhang klaro talaga na natulala ako kanina. Nakakahiya naman."W-Wala, Nay." Kabadong sagot ko.Kung magtataga

    Last Updated : 2022-11-28
  • Binata na si Iris   Kabanata V: Puppy Love

    Maaga pa akong lumabas ng bahay at hindi rin ako nagpaalam kay Nanay kaya sigurado mamayang pag-uwi ko ay sermon ang aabutin ko. May usapan kasi kami nina Jolo kahapon na pupunta kami sa bahay nina Ninang Carmen at magmamatyag kami. Naisipan din naming puntahan si Jimboy sa bahay nila baka sakaling sumama ito at wala na rin itong tampo sa akin dahil sa nangyari kahapon."Ano ba kayo, puro na lang si Hanna. Ni hindi na nga tayo nakakapaglaro. Sayang ang bakasyon." Himutok ni Mary Anne na nakahalukipkip."Ang KJ mo na naman," inis na sambit ni Jolo. "Eh, titingin lang naman kami do'n. Kung ayaw mong sumama eh, maiwan ka na lang dito.""Kita mo na, ipinagpapalit ang pagiging magkaibigan dahil sa itinitibok ng puso," mataray na saad ni Mary Anne.Kumunot naman ang noo ni Jolo. "Palibhasa'y wala kang crush kaya hindi mo alam."Naningkit ang mga mata ni Mary Anne kasabay ng pamumula ng mukha. "Tse! May crush ako, 'no!""Wala kaming pakialam." Malamig na tugon ni Jolo at bigla itong humalakha

    Last Updated : 2022-12-01
  • Binata na si Iris   Kabanata VI: Pagkilala

    Medyo mabigat ang atmospera sa loob ng bahay dahil sa kabadong puso ko. Pakiramdam ko ay masyado akong nasasakal sa nararamdaman ko ngayon. Makita ko lamang si Hanna nang malapitan ay parang malalagutan na ako ng hininga. Eh, sino ba naman ang hindi mapra-praning at magkakanda-loko-loko ang nararamdaman kung kaharap mo ang taong hinahangaan mo?Maganda talaga si Hanna. Parang mga bituin sa kalangitan. Ngunit, hapon pa lamang ngayon at hindi pa madilim sa labas kaya maihahanlintulad ko lamang siya ngayon sa isang magandang musika. Palihim ko siyang sinisipat nang tingin sa tuwing sumusubo siya ng spaghetti. Panay ang sukbit niya sa likod ng kanyang tenga ng mga kumakalas na hibla ng buhok. Natatanaw ko nang maayos ang maamo niyang mukha at ang nangungusap niyang mga mata."Anong year mo na ngayong susunod na pasukan?" tanong nito sa akin at tuluyan nang natapos ang lumang kanta sa radyo."Magfi-first year na ako," ilang na sagot ko. Parang hindi pa ako komportable sa kanya ngayon. Hirap

    Last Updated : 2022-12-02
  • Binata na si Iris   Kabanata VII: Si Hanna at ang Barkada

    Magkasama kami ni Hanna sa pamamalengke. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito ngayon at tila ba na parang nananaginip pa rin ako. Nakahawak sa kaliwang balikat ko si Hanna habang sinusuri niya nang maigi ang mga isda kung presko pa ba ito o hindi. Sabi niya kasi kanina ay balak niya sanang magluto ng escabeche. Bahagyang nagningning ang mga mata ko kanina nang banggitin niya iyon kaya't tinanong niya ako kung paborito ko ba ito at tumango naman ako."Sigurado po ba kayong sariwa 'yan?" tanong ni Hanna sa tindera."Aba't oo naman, hija. Hindi kami nagtitinda ng hindi sariwa." Sabi ng tindera."Sigurado po kayo, ah?" bungisngis na tanong ni Hanna at tumango naman ang tindera.Binayaran na ni Hanna ang nabiling isda. Akmang kukunin niya na sana ito sa tindera ngunit inunahan ko na ito."Ako na," pagboboluntaryo ko at mahigpit na hinawakan ang plastic bag na may laman na isda."Sigurado ka, Iris? Dadalawa na ang dala mo." Alalang tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako."A

    Last Updated : 2022-12-06
  • Binata na si Iris   Kabanata VIII: Binata

    "Uy, may tsismis ako!" anunsyo ni Mary Anne nang makarating ito sa tambayan namin. Umarko naman ang kilay ni Jolo at umupo sa may ugat ng puno."Ang aga-aga may tsismis ka na naman," inis na sabat nito."Eh, huwag kang makinig." Pagtataray ni Mary Anne.Nagkamot ng ulo si Jolo. Wala siya sa mood. Nakabusangot ang mukha."Kung nando'n lang si Ate Hanna sa bahay nila eh, 'di sana nando'n tayo ngayon." Nanghihinayang na wika nito.Tinabihan ko naman siya sa pag-upo. "Uy, huwag naman nating araw-arawin. Nakakahiya," sabi ko."Sus, baka gusto mo lang siya masolo." Singit ni Jimboy.Napapalatak si Rhea. "Ang mahirap kasi sa inyo, magkakagusto na nga lang kayo sa iisang babae pa.""Gaya-gaya kasi," bulong ni Jimboy."Gaya-gaya mo ang mukha mo," si Jolo na ang nagsabi.Nakakabagot nga. Wala sina Hanna at Ninang Carmen nang magpunta kami sa bahay nila. Ang sabi sa amin ay mukhang nagpunta raw sila sa lungsod. Hindi nga lang nasabi kung anong oras sila uuwi."Siya nga pala, kasama ka ba sa saga

    Last Updated : 2022-12-08
  • Binata na si Iris   Kabanata IX: Santa Cruzan

    Halos mahimatay na ako sa nerbiyos kahapon nang malaman kong dinatnan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkaroon ka na ng dalaw sa unang pagkakataon... nakakatakot. Akala ko may malubhang sakit na ako at mamamatay na.Pinaalam ko kaagad 'yon kay Nanay pagkarating ko sa bahay. Tuwang-tuwa naman ito at sinabihan na ako raw ay isang dalaga na. Napakamot ako ng ulo no'n at medyo nakaramdam ng inis. Hindi pa naman kasi ako dalaga, bata pa ako.Ngayong dalaga na raw ako ay kailangan ko na raw mag-ingat at higit sa lahat ay alagaan ko na raw ang sarili ko. Hindi lang 'yon ang naging paalala ni Nanay. Bawas-bawasan ko na raw ang katigasan ng ulo ko dahil hindi na raw ako bata.Sa unang beses na paggamit ko ng napkin ay naiilang ako sa paglalakad. Kasi naman eh, pakiramdam ko may suot akong diaper. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Hindi ako komportable.Isa pa 'tong prino-problema ko ang pagsasagala ko mamaya. Napilitan na nga akong magsagala, maglalakad na naman akong naiilang dahil

    Last Updated : 2022-12-13
  • Binata na si Iris   Kabanata X: Ang Lalaki

    Isang malaking palaisipan sa akin kagabi kung bakit umiyak ng gano'n si Hanna. Kagabi ko lang siya nakitang umiyak nang gano'n dahil madalas ko siyang makitang nakangiti at nag-uumapaw sa kasiyahan. Parang piniga ang puso ko nang masaksihan ko ang pag-iyak niya mismo. Pakiramdam ko ayaw kong nasasaktan ng gano'n si Hanna dahil nasasaktan din ako.Lihim kong pinagmamasdan si Hanna na malungkot at matamlay na nakatambay sa kanilang may balkonahe ng bahay. Nakaupo lamang ito at hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakatingin sa kawalan na para bang may hinihintay na kung ano at makikita mo sa kanyang mga mata ang kakulangan ng tulog.Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga oras na ito. Naisin ko mang lapitan siya ngunit hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin na huwag ko siyang lalapitan.Gusto ko sanang yakapin siya nang mahigpit at pasiyahan kagaya ng dati. Gusto kong mapakinggan ulit ang mga tawa niya at masaksihan ang matatamis niyang ngiti.Ngunit hindi pwede. Malalim ang kany

    Last Updated : 2022-12-13
  • Binata na si Iris   Kabanata XI: Galit

    Nang makauwi ako ng bahay ay mayroong kakaibang emosyon akong naramdaman. Gusto kong magsisigaw hanggang sa kumawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Gusto ko ring magwala --- magwala nang magwala. Lumabas ako ng bahay nang walang pasabi kay Nanay. Nagpunta ako sa likod at kinuha ang dos por dos na nakapatong sa may sirang upuan. Naglakad ako hanggang sa makalayo ng bahay. Ramdam ko ang pag-init ng aking ulo at ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga ngiti ni Hanna para sa kanyang nobyo. Nararamdaman ko ngayon ang bigat ng aking nararamdaman. Sa may lilim ng puno ako pumwesto. Inihanda ko ang hawak kong dos por dos at sinimulang paghahatawin ang puno dahil sa galit. "Bakit, Hanna? Bakit mo ako ginaganito?!" sigaw ko habang pinapalo ko ng malakas ang puno gamit ang dos por dos na hawak ko. Nagsisigaw ako. Sinigaw ko nang paulit-ulit ang pangalan ni Hanna. Sinigaw ko kung gaano akong nasasaktan sa nasaksihan kanina. Patuloy pa rin

    Last Updated : 2022-12-24

Latest chapter

  • Binata na si Iris   Kabanata XVIII: Back to School

    Balik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa sect

  • Binata na si Iris   XVII: Text Message

    Yakap-yakap pa rin ako ni Nanay habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Panay pa rin ang pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o 'di kaya'y umiiyak ako dahil nagsisisi ako sapagkat wala man lang akong nasabing matino bago umalis si Hanna.Pagkarating namin ng bahay ay pinaupo ako ni Nanay sa may kawayang upuan, kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom niya sa akin. "Tahan na, Iris. Babalik naman ang Ate Hanna mo." Pagpapatahan nito sa akin saka umupo sa aking tabi.Humihikbi pa rin ako sa harapan ni Nanay, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa harapan niya --- na parang ang drama ko na sa buhay. Malungkot ang mga mata ni Nanay na nakatingin sa akin, parang nasasaktan din ito sa tuwing nakikita niya ako."N-Nay, noon ba n-nasaktan din kayo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Simpleng ngumiti si Nanay at saka marahang tumango."Lahat naman tayo nasasaktan, anak. Araw-araw, p

  • Binata na si Iris   XVI: Hanggang sa Muli

    Patakbo akong umuwi ng bahay pagkatapos kong gumawa ng kahihiyan sa harapan ni Hanna. Kahit anong gawing pag-aalo sa akin ay hindi niya ako magawang patahanin. Maiintindihan naman niya siguro kung bakit, hindi naman sigurong madaling magpatahan ng isang batang na-basted ng taong gusto niya."Oh, anak, anong nangyari sa'yo?" bungad kaagad ni Nanay sa akin pagkarating ko ng bahay at saka sinapo niya ang magkabila kong pisngi. "Ba't ka umiiyak?"Mas lalo akong umiyak ng tanungin ako ni Nanay. Naalala ko ang nangyari kanina sa burol, ang reaksyon ni Hanna sa pag-amin ko at ang mga sinabi niya patungkol sa nararamdaman ko. Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Ang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman gano'n kadali 'yon. Gusto ko si Hanna. Gustong-gusto ko siya."Iris?" untag ulit ni Nanay habang pinapahiran ang mga luha ko."M-Masakit po, N-Nay..." humihikbi kong sagot sa kanya. Rumehistro sa mukha niya ang kaba nang marinig niya ang sagot ko."Sa'n ang masakit? May sakit ka ba

  • Binata na si Iris   XV: Pag-amin

    Habang nagtatawanan sina Hanna at ng mga kaibigan ko ay siya namang paglipad sa kawalan ng isip ko. Parang hindi pa tinatanggap ng utak ko na aalis si Hanna rito sa probinsya. Pakiramdam ko, parang hindi na siya babalik. O, baka naman, mali lang talaga ang iniisip ko. Pero, hindi, nauunawaan ko naman ang sinabi niya, pupunta siya roon upang mag-aral... mag-review para sa licensure exam na sinasabi niya. Pangarap niya talaga ang makapasa, mukhang hindi naman niya bibiguin si Ninang Carmen ngunit paano naman ako? Mukhang matatagalan ang aming muling pagkikita 'pag nagkataon."Uy," sundot ni Mary Anne sa tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya na abala pa sa pagkain ng sandwhich. "Malalim yata ang iniisip mo, Iris."Umiling-iling ako at tumingin kay Hanna na nakikipag-kwentuhan kina Jolo at Jimboy. Tuwang-tuwa naman ang dalawa sapagkat nasa kanila ang atensyon ni Hanna."Selos ka?" asar ni Mary Anne sa akin sabay hagikhik."Hindi, 'no. Ba't naman ako magseselos?" pabulong kong tanong

  • Binata na si Iris   XIV: Balita

    Ilang linggo na lang ay magpapasukan na kaya't sinusulit na namin ng mga kaibigan ko ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Kahit na tirik na tirik pa ang araw ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalaro. Sayang din kasi dahil mami-miss namin ito kapag magsimula na ang klase. At saka, kwento nila sa akin kanina ay marami na raw ang magbabago kapag tumungtong na kami ng sekondarya kaya't nangako kaming lahat na magiging solid pa rin ang aming samahan kahit anong mangyari."Teka!" sigaw ni Jimboy sa akin ng huhulihin ko na siya para siya naman ang maging taya. "Break muna tayo. Pagod na ako."Tinapik ko siya sa may balikat. "Ang daya mo naman! Porke't ikaw na ang taya magpa-pass ka na." Hinihingal kong sambit. Napansin ko ang pagtulo ng aking pawis kaya't pinahiran ko ito gamit ang likod ng kamay ko."H-Hindi naman sa gano'n," hinihingal din na tugon ni Jimboy at kaagad itong nagpunta sa may lilim ng puno upang sumilong. "Pagod na ako tapos ang init-init pa!"Sumunod naman kami nina Rhea,

  • Binata na si Iris   Kabanata XIII: Tsismis

    Miyerkules ng tanghali ay isinama ako ni Nanay sa bahay nina Aling Mylene dahil kukunin niya raw ang in-order niyang sapatos ko para sa darating na pasukan.Naiisip ko pa nga lang ang first day of class ko sa isang mataas na paaralan dito sa aming probinsya ay hindi ko na mapigilang ma-excite. Bagong paaralan, guro, ka-eskwela, at mga kaibigan --- lahat nakaka-excite, pwera na nga lang ang mga bagong lessons kasi sabi sa akin nina Rhea at Jimboy mahirap na raw ang mga lessons sa high school.Sabi raw kasi ng mga nakakatandang kapatid nila, parang nakamamatay na raw sa hirap ang mga lessons nila... parang pang-college! Pero, sabi ni Nanay, huwag daw ako maniniwala, palusot lang daw 'yon ng mga estudyanteng tamad mag-aral. Wala raw lessons na mahirap kapag nagpupursigi ka talagang matuto. Gusto ko nga sabihin 'yon kina Rhea at Jimboy pero napag-isip-isipan kong huwag na lang baka kasi magalit pa sila sa Nanay ko."Mareng Gina, nandito na pala 'yong in-order mo. Ipasukat mo nga kay Iris

  • Binata na si Iris   Kabanata XII: Kevin

    "Susmaryosep kang bata ka!" gulat na sambit ni Nanay nang makauwi ako ng bahay. "Ano nangyari sa buhok mo? Anong ginawa mo diyan?"Hindi ako nakaimik dahil sa sunod-sunod na tanong ni Nanay sa akin. Pakiramdam ko mas malala pa 'to kumpara sa tindi ng tensyon sa loob ng korte. Napako na lamang ako sa aking kinatatayuan habang sinasalubong ang mga matatalim na tingin ni Nanay."Magsalita ka, Iris! Anong ginawa mo?" pasigaw na tanong ulit nito sa akin. Napausal ako ng munting panalangin. Galit na talaga si Nanay. Galit na galit."P-Pinagupitan ko po..." sagot ko ng sa wakas ay mahanap ko na ang aking boses.Hindi na pinatagal pa ni Nanay ang kanyang balak. Pinalo niya kaagad ako gamit ang hawak niyang sinturon. Napasigaw na lamang ako sa sakit sa unang palo pa lamang. Sa ikalawang palo ay nakatakbo na ako at kaagad na pumasok sa loob ng kwarto saka nagtalukbong ng kumot."Kahit kailan talaga hindi ka nagtatanda! Matigas pa rin ang ulo mo!" sigaw ni Nanay sa labas. Buti na lang at hindi n

  • Binata na si Iris   Kabanata XI: Galit

    Nang makauwi ako ng bahay ay mayroong kakaibang emosyon akong naramdaman. Gusto kong magsisigaw hanggang sa kumawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Gusto ko ring magwala --- magwala nang magwala. Lumabas ako ng bahay nang walang pasabi kay Nanay. Nagpunta ako sa likod at kinuha ang dos por dos na nakapatong sa may sirang upuan. Naglakad ako hanggang sa makalayo ng bahay. Ramdam ko ang pag-init ng aking ulo at ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga ngiti ni Hanna para sa kanyang nobyo. Nararamdaman ko ngayon ang bigat ng aking nararamdaman. Sa may lilim ng puno ako pumwesto. Inihanda ko ang hawak kong dos por dos at sinimulang paghahatawin ang puno dahil sa galit. "Bakit, Hanna? Bakit mo ako ginaganito?!" sigaw ko habang pinapalo ko ng malakas ang puno gamit ang dos por dos na hawak ko. Nagsisigaw ako. Sinigaw ko nang paulit-ulit ang pangalan ni Hanna. Sinigaw ko kung gaano akong nasasaktan sa nasaksihan kanina. Patuloy pa rin

  • Binata na si Iris   Kabanata X: Ang Lalaki

    Isang malaking palaisipan sa akin kagabi kung bakit umiyak ng gano'n si Hanna. Kagabi ko lang siya nakitang umiyak nang gano'n dahil madalas ko siyang makitang nakangiti at nag-uumapaw sa kasiyahan. Parang piniga ang puso ko nang masaksihan ko ang pag-iyak niya mismo. Pakiramdam ko ayaw kong nasasaktan ng gano'n si Hanna dahil nasasaktan din ako.Lihim kong pinagmamasdan si Hanna na malungkot at matamlay na nakatambay sa kanilang may balkonahe ng bahay. Nakaupo lamang ito at hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakatingin sa kawalan na para bang may hinihintay na kung ano at makikita mo sa kanyang mga mata ang kakulangan ng tulog.Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga oras na ito. Naisin ko mang lapitan siya ngunit hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin na huwag ko siyang lalapitan.Gusto ko sanang yakapin siya nang mahigpit at pasiyahan kagaya ng dati. Gusto kong mapakinggan ulit ang mga tawa niya at masaksihan ang matatamis niyang ngiti.Ngunit hindi pwede. Malalim ang kany

DMCA.com Protection Status