Chapter: Kabanata XVIII: Back to SchoolBalik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa sect
Last Updated: 2023-01-07
Chapter: XVII: Text MessageYakap-yakap pa rin ako ni Nanay habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Panay pa rin ang pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o 'di kaya'y umiiyak ako dahil nagsisisi ako sapagkat wala man lang akong nasabing matino bago umalis si Hanna.Pagkarating namin ng bahay ay pinaupo ako ni Nanay sa may kawayang upuan, kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom niya sa akin. "Tahan na, Iris. Babalik naman ang Ate Hanna mo." Pagpapatahan nito sa akin saka umupo sa aking tabi.Humihikbi pa rin ako sa harapan ni Nanay, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa harapan niya --- na parang ang drama ko na sa buhay. Malungkot ang mga mata ni Nanay na nakatingin sa akin, parang nasasaktan din ito sa tuwing nakikita niya ako."N-Nay, noon ba n-nasaktan din kayo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Simpleng ngumiti si Nanay at saka marahang tumango."Lahat naman tayo nasasaktan, anak. Araw-araw, p
Last Updated: 2023-01-04
Chapter: XVI: Hanggang sa MuliPatakbo akong umuwi ng bahay pagkatapos kong gumawa ng kahihiyan sa harapan ni Hanna. Kahit anong gawing pag-aalo sa akin ay hindi niya ako magawang patahanin. Maiintindihan naman niya siguro kung bakit, hindi naman sigurong madaling magpatahan ng isang batang na-basted ng taong gusto niya."Oh, anak, anong nangyari sa'yo?" bungad kaagad ni Nanay sa akin pagkarating ko ng bahay at saka sinapo niya ang magkabila kong pisngi. "Ba't ka umiiyak?"Mas lalo akong umiyak ng tanungin ako ni Nanay. Naalala ko ang nangyari kanina sa burol, ang reaksyon ni Hanna sa pag-amin ko at ang mga sinabi niya patungkol sa nararamdaman ko. Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Ang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman gano'n kadali 'yon. Gusto ko si Hanna. Gustong-gusto ko siya."Iris?" untag ulit ni Nanay habang pinapahiran ang mga luha ko."M-Masakit po, N-Nay..." humihikbi kong sagot sa kanya. Rumehistro sa mukha niya ang kaba nang marinig niya ang sagot ko."Sa'n ang masakit? May sakit ka ba
Last Updated: 2023-01-04
Chapter: XV: Pag-aminHabang nagtatawanan sina Hanna at ng mga kaibigan ko ay siya namang paglipad sa kawalan ng isip ko. Parang hindi pa tinatanggap ng utak ko na aalis si Hanna rito sa probinsya. Pakiramdam ko, parang hindi na siya babalik. O, baka naman, mali lang talaga ang iniisip ko. Pero, hindi, nauunawaan ko naman ang sinabi niya, pupunta siya roon upang mag-aral... mag-review para sa licensure exam na sinasabi niya. Pangarap niya talaga ang makapasa, mukhang hindi naman niya bibiguin si Ninang Carmen ngunit paano naman ako? Mukhang matatagalan ang aming muling pagkikita 'pag nagkataon."Uy," sundot ni Mary Anne sa tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya na abala pa sa pagkain ng sandwhich. "Malalim yata ang iniisip mo, Iris."Umiling-iling ako at tumingin kay Hanna na nakikipag-kwentuhan kina Jolo at Jimboy. Tuwang-tuwa naman ang dalawa sapagkat nasa kanila ang atensyon ni Hanna."Selos ka?" asar ni Mary Anne sa akin sabay hagikhik."Hindi, 'no. Ba't naman ako magseselos?" pabulong kong tanong
Last Updated: 2022-12-29
Chapter: XIV: BalitaIlang linggo na lang ay magpapasukan na kaya't sinusulit na namin ng mga kaibigan ko ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Kahit na tirik na tirik pa ang araw ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalaro. Sayang din kasi dahil mami-miss namin ito kapag magsimula na ang klase. At saka, kwento nila sa akin kanina ay marami na raw ang magbabago kapag tumungtong na kami ng sekondarya kaya't nangako kaming lahat na magiging solid pa rin ang aming samahan kahit anong mangyari."Teka!" sigaw ni Jimboy sa akin ng huhulihin ko na siya para siya naman ang maging taya. "Break muna tayo. Pagod na ako."Tinapik ko siya sa may balikat. "Ang daya mo naman! Porke't ikaw na ang taya magpa-pass ka na." Hinihingal kong sambit. Napansin ko ang pagtulo ng aking pawis kaya't pinahiran ko ito gamit ang likod ng kamay ko."H-Hindi naman sa gano'n," hinihingal din na tugon ni Jimboy at kaagad itong nagpunta sa may lilim ng puno upang sumilong. "Pagod na ako tapos ang init-init pa!"Sumunod naman kami nina Rhea,
Last Updated: 2022-12-29
Chapter: Kabanata XIII: TsismisMiyerkules ng tanghali ay isinama ako ni Nanay sa bahay nina Aling Mylene dahil kukunin niya raw ang in-order niyang sapatos ko para sa darating na pasukan.Naiisip ko pa nga lang ang first day of class ko sa isang mataas na paaralan dito sa aming probinsya ay hindi ko na mapigilang ma-excite. Bagong paaralan, guro, ka-eskwela, at mga kaibigan --- lahat nakaka-excite, pwera na nga lang ang mga bagong lessons kasi sabi sa akin nina Rhea at Jimboy mahirap na raw ang mga lessons sa high school.Sabi raw kasi ng mga nakakatandang kapatid nila, parang nakamamatay na raw sa hirap ang mga lessons nila... parang pang-college! Pero, sabi ni Nanay, huwag daw ako maniniwala, palusot lang daw 'yon ng mga estudyanteng tamad mag-aral. Wala raw lessons na mahirap kapag nagpupursigi ka talagang matuto. Gusto ko nga sabihin 'yon kina Rhea at Jimboy pero napag-isip-isipan kong huwag na lang baka kasi magalit pa sila sa Nanay ko."Mareng Gina, nandito na pala 'yong in-order mo. Ipasukat mo nga kay Iris
Last Updated: 2022-12-24