Paggising niya wala na si Thunder, nag-iwan lang ito ng message sa instagram na 'thanks' pero kahit na maiksi binuo naman nito ang araw niya. Masaya siyang pumunta ng school. Magana niyang ginawa ang mga kailangan niyang gawin sa school."Ngiting ngiti?" siniko pa siya ni Olivia, tiningnan naman siya ni Ivy."Ano 'yan? inspired? kanina ka pa masaya ha," natatawang pansin ni Ivy sa kaniya, umiling lang siya rito at nilabas ang phone. Chinat niya si Thunder dahil hindi naman niya na reply-an kanina.Yessh_a: Hi! busy ka?Sakto naman na pag chat niya rito ay tumawag ang ate Bella niya kaya mabilis niyang sinagot."Hello ate?"'Ay ang bilis sagutin, wala ka bang klase?'"Breaktime lang namin, why?"'Sama ka sa wednesday? gabi naman 'yon'"Saan?"'Shoot with Thunder, wala si Janella, 'yong iba kong teams busy naman dahil may mga sched na. Wala akong assistant.'"Go ako riyan ate Bella, malakas ka kaya sa akin!" tumawa pa siya, bigla tuloy siyang na-excite.'Malakas raw! kuung hindi ko lang
Last Updated : 2022-11-27 Read more