She woke up with a different feeling. Masama ang pakiramdam niya at para siyang binugbog. Gusto niya sanang tumagilid at gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil masakit ang hita niya lalo na ang gitnang parte niya.Naramdaman niya ang brasong nakayakap sa bewang niya. Nilingon niya ang ulo niya at kita niyang tulog na tulog si Thunder sa tabi niya. Madilim pa rin dahil wala namang bintana ang kwarto. Hindi niya alam kung anong oras na ba."Thunder..." paggising niya rito, hindi siya makatayo kaya ito ang gigisingin niya. Gumalaw ito ng bahagya pero nakapikit pa rin ang mata."Thunder... gumising ka! wala ka bang work ngayon?" hinawakan niya ang kamay nito para alugin. Unti-unti namang minulat nito ang mata at medyo nag unat pa."Good morning" his husky voice filled the room. Gusto niya sanang sabihin na ang sexy nito tingnan dahil naaninag niya sa dim lights ang mukha nito pero kumirot nanaman ang gitna niya. Gusto niyang maiyak at suntukin itong katabi niya at sisihin kung bakit na
Days passed, madalang lang sila mag-usap ni Thunder dahil naging busy ito, pero nakasama naman niya ito noong pasko. Naghahanda na siya para sa new year, siyempre mag-isa nanaman siya. Minsan naman nakikisama siya sa party nila Oliva, Vixxie or Ivy pero kasi may mga kaniya kaniyang gala ang mga iyon kasama ang mga pamilya, para salubungin ang bagong taon.Malungkot lang talaga ngayon dahil siya lang mag-isa, may family gathering din kasi si Thunder. Nagluto lang siya ng kahit anong kaya niya, nilagay niya sa mga tupperwear ang mga iba at pinadala sa guard niya. Pinauwi niya ang mga ito dahil okay lang naman siya na mag isa sa bahay.She eat quietly, wala siyang gana pero pinipilit niyang maging magana at maging positive ngayong araw. She tried her best to be happy on this day. Umupo siya sa sofa at sa sala at uminom ng wine, nagpatugtog siya ng masasayang tugtog at nilakasan pa niya iyon.Napatingin siya ng makita ang oras sa kaniyang cellphone.12:00 amNgumiti siya ng malawak at sin
Their on-the-job training is almost finished. Masaya naman pero nakakapagod talaga, ilang buwan na rin ang nakalipas. Busy sila lagi ni Olivia at Ivy. Marami naman silang natututunan, katulad na lang sa mga biglaang paiba-iba or last-minute ng customer nila. Talagang natuto sila kung paano i-handle ang mga ganoong bagay at mga hindi maiiwasan na problema.Napapansin niya rin si Ivy na parang may problema pero hindi naman ito nag k-kwento sa kanila. Hinayaan niya na lang at hindi na nag tanong. Madalang na lang din sila nagkikita ni Thunder pero sinisigurado nila na pag may extra time mag kikita sila.Though, hindi naman niya pinipilit ang binata kung pagod ito, pero ito na rin ang kumukusa minsan at doon na lang makikitulog sa bahay niya. Nasanay na nga siya na bigla-bigla na lang ito sumusulpot doon sa bahay niya.Dalawang araw na lang tapos na sila sa pag o-ojt, tapos ga-graduate na sila. Pagkatapos no'n hindi niya pa alam kung saan mag ta-trabaho. Siguro pag kinuha siya ng FLC dito
Nagising siya ng alas tres ng hapon, umunat siya bago buksan ang kaniyang mata. Nakita niya si Thunder na tulog na tulog pa rin sa tabi niya. Umabot sila ng ala sais ng umaga, hindi niya alam kung anong meron dito at bigla siyang pinahirapan.Nababadtrip pa rin siya sa ginawa nito sa kaniya, makahanap lang siya ng tiyempo papahirapan niya rin ang binata at bibitinin ng husto. Nakaplano na sa isip niya ang gagawin niya, once na bumalik ito galing sa France.Tumayo siya at paika-ikang naglakad patungong banyo, nilibot nila itong buong kwarto niya pati sa shower. Pakiramdam niya nag split siya, masakit talaga at ngawit ang gitna niya.Naligo siya ng mabilisan dahil nakaramdam na siya ng gutom. Nagsuot lang siya ng bathrobe ng matapos siya maligo. Um-order siya ng pagkain at niramihan niya dahil parang gutom na gutom siya. Naubos na ata ang enehiya niya sa katawan."Good morning.""Afternoon na!" galit na sambit niya rito pero tinawanan lang siya. Bumangon ito at dumeretso sa banyo, narin
Hinatak niya ang kamay na hawak-hawak ni Thunder nang makarating sila sa tapat ng kotse nito."Ano ba nasasaktan ako!" inikot-ikot niya ang wrist niya na hawak-hawak nito kanina. Napanguso siya kasi sumakit ang kamay niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at sinenyasan na pumasok. Galit pa rin ang mukha nito at hindi nagsasalita. Napatingin siya sa relo niya kung anong oras na kaso hindi niya makita dahil parang gumagalaw ang mundo niya.Pumasok siya dahil nahihilo na rin naman siya. Umupo siya at sinandal ang likod niya sa upuan."Anong oras na ba? 12 mo pa ako susunduin 'di ba? parang halos kaka-start lang namin ni Brix," inis na sambit niya rito habang nakatingin lang sa isang gilid. Pinaandar nito ang kotse pero hindi pa rin ito nagsasalita kaya nilingon niya na ito."Hoy! bingi ka ba! ano ba kasi, dapat bukas na lang tayo nagkita, nagsasaya pa kami ni Brix!" she crossed her arms, mas lalo siyang nainis ng hindi man lang ito kumibo, deretso lang itong nakatingin sa daan."Bumalik ka
She made a contract at pinrint niya iyon ng dalawang kopya. Nasa sofa siya ng kaniyang living room at kasalukuyang hinihintay si Thunder. They should talk and clear the rules in their deal. Ang tanga tanga niya kasi, hindi muna siya nag tanong at nag research kung ano ba ang mga rules pag may ka partner in bed ka.Nakarinig siya ng kotse na pumasok sa gate at nakita niya na si Thunder na iyon. Bumalik siya sa pagkakaupo at tiningnan lang ang papel na nakalapag sa glass table."I'm sorry, I'm a bit late, sobrang traffic." Ngumiti siya ng tipid dito, nakita niya pang nakaayos ang buhok nito pati ang porma, model na model ang datingan. Tatlong araw na rin ang lumipas simula noong nagka sagutan silang dalawa."Okay lang.""I want to say sorry again —""Okay lang, okay lang 'yon," mabilis na sambit niya. Nagtaka ito dahil ngumiti pa siya, naiintindihan niya rin naman dahil hindi maayos ang rules nila kaya umakto ito sa ayon ng pag-iisip nito."What is this?" umupo ito sa kabilang sofa at k
Kanina niya pa pinagmamasdan si Thunder na seryosong kumakain sa harapan niya.Hindi niya alam kung anong meron dito, dahil napakaseryoso ng mukha."So, anong point ng pagpunta mo rito kung hindi mo naman ako kakausapin?" Medyo napipikon na rin kasi siya rito. Pakiramdam niya mayroon silang cold war sa isa't isa.Kagabi dito ito natulog, akala niya paggising nila maayos na ito, pero hindi pa rin. Mukhang galit pa rin sa kaniya na hindi naman niya alam ang dahilan."Don't worry we'll have sex later." Napaikot ang mata niya dahil sa sinabi nito. Mukhang pinipilosopo siya nito, dahil ayon sa contract nila magkikita lang sila pag magtatalik sila."Wala ako sa mood. Ayoko!" she hissed and rolled her eyes again. She crossed her arms and stood up.Nilagay niya lang sa lababo ang ginamit niyang plato at dumeretso na siya ulit papunta sa kwarto niya.Umupo siya roon sa bean bag chair niya at nag scroll lang sa instagram.Napatigil siya nang makita ang ads ng picture ni Eleina at Thunder. Mas l
Ilang araw na niya iniiwasan si Thunder, ayaw niya muna itong kausapin. After ng duty niya dumeretso siya kila Brixton dahil ito lang ang matatakbuhan niya, may kanya-kaniyang problema kasi ang mga kaibigan niya at ayaw na niyang makadagdag pa."Oh, anong emote mo?" inabutan siya nito ng alak naglagay rin ito ng pagkain sa gitna ng lamesa."I think... Thunder has a feelings for me," she bite her lips and sighed."Tapos? ngayon mo lang ba nahalata? ako halata ko na nung inagaw ka niya sa akin do'n sa dancefloor. Kung nakakamatay lang ang titig no'n, siguro pianaglamayan na agad ako no'ng araw na 'yon! pero ang hot niya pa rin kaya kinalimutan ko na ang pagiging masungit niya sa akin." Sinamaan niya ito ng tingin, tumawa lang naman ito at naiiling sa kaniya."I'm serious! sumagot ka naman ng maayos," nakangusong ani niya rito bago uminom ng alak."Gaga! seryoso rin ako! medyo manhid ka rin eh. So, paano mo nga na realize na may nararamdaman siya para sayo?" pinatong nito ang baba sa kam
He's staring blankly in the window. Wala siyang shoot ngayon o kahit anong trabaho dahil pahinga niya naman ngayon. He wants to have a date with Yessha but she declined it due to her promise date with Vixxie. Hindi niya sigurado kung lumalayo ito sa kaniya pero ilang araw niya na itong nakikitang parang may itinatago sa kaniya. Halos mabaliw na nga siya sa kakaisip kung ano iyon. He's not thinking if she's cheating because he trust her. At isa pa alam niyang hindi ito magloloko sa kaniya. Tumunog ang cellphone niya at agad naman niyang sinagot ang tawag dahil galing iyon kay Theo. "Hello?" "We have an important meeting. I know this is your day-off but this is so important." Nangunot ang noo niya dahil sa pagtataka dahil medyo problemado ang boses ni Theo. "What happened?" "I accidentally scheduled you today to Classy Apparel, it's actually supposed to be next week but they called me to remind me for the shoot later at 8 in the evening." Hindi siya kaagad nakapagsalita at napat
Since she met Ivy's friend named Yessha and met her again at his photoshoot he got curious big time about her. He doesn't know if she's just playing games with him because she acted like all she does is nothing.She has an overflowing confidence that some people can't do. He though that everything she does and say to him is just nothing because she always does it with others.Hindi niya matukoy ito noong una kung seryoso ito sa ino-offer sa kaniya. Sino nga bang tao ang maglalakas loob para banggitin at yayain ka para maging bed partner 'di ba? Ito lang ang nakagawa no'n sa kaniya at pinatulan niya naman.He can't deny the fact that he got curious about her because of her attitude and the way she acted to him.He never thought that he will like that woman, he didn't know that he will fell too hard. Nang makilala niya pa ng husto si Yessha ay doon na siya nahulog ng sobra. It's not because of what they are doing in bed but because of her purity and kindness in her heart.Sobrang nasakt
Months passed and Thunder and She are living like they want. She was so happy when Ivy and Krelton married for the second time. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging emosyon lalo na't nakita niya ang kaibigan na naglalakad papunta sa altar habang nakasuot ng magandang wedding dress.Bigla niyang naisip kung ganito rin ba kasaya ang mommy niya noong ikinasal sa daddy niya. She became curious how it feels to be married but still marriage is not on her mind.Remember? She's scared to marriage because of what happened to her parents.There's so many what if's was on her mind.Nasa reception na sila kanina pa at masayang kumakain habang patingin-tingin kay Ivy na masaya ngayon."How about you two? Kailan ang kasal?" Naiangat niya ang tingin kay Ivan nang magtanong ito kay Thunder. Napaubo pa siya saglit dahil sa gulat dahilan para mapatingin sa kaniya si Vixxie."Hey! You know that marriage is not existing in her vocabulary," Vixxie joked. It's a joke but a half truth. She frozed
She woke up when she felt a warm hand in her flat stomach. She slowly opened her eyes and she is facing the wall of Thunder's room. Napatingin siya sa ilalim ng kumot niya at nakitang yakap-yakap pa rin siya ng binata. She's now wearing a oversized shirt. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap nito at bumangon sa pagkakahiga.Nakahinga siya ng maluwag nang hindi niya ito nagising. Pinulot niya ang damit niya at marahan na lumabas sa kwarto nito. Bumalik siya sa kwarto niya at tiningnan kung anong oras na. Dali-dali siyang naligo at kumilos dahil 10 na ng umaga. Nang matapos siya maligo ay tulog pa rin si Thunder kaya napagdesisyonan niyang lumabas at pumunta sa restaurant ng hotel.Gusto niya i-check mismo ang buffet ng restaurant. Gusto niya kasi i-try na doon sila kumain ni Thunder para malaya silang makapili ng mga pagkain.Tanging key card lang ang dala niya dahil chinarge niya na lang ang cellphone at powerbank niya dahil may lakad pa sila mamaya ni Thunder. Mabuti na lang
Hindi niya na alam ang gagawin at kung ilang ikot pa ang gagawin niya sa kama. Ala-una na ng madaling araw pero hindi pa rin siya natutulog dahil wala pa si Thunder."Brix!" sambit niya agad nang sagutin nito ang tawag."Hey, bitch. What's the problem? Nasa south korea ka 'di ba? Why you're not still sleeping?" ani nito sa kabilang linya."I don't know anymore Brix... I think I'm going crazy!" ani niya at nagpakawala ng malakas ng buntong hininga."About Thunder?" Sumeryoso ang boses nito. Alam nito ang nangyayari sa kaniya at alam din nitong personal fashion designer na siya ni Thunder. Isa kasi ito sa nakakaalam ng nangyari sa kanila ni Thunder kaya ito lang din ang mahihingan niya ng opinion bukod pa sa tatlo."Sabi ko kaya ko... Sabi ko kakayanin ko pero, hindi ko na alam," mahinang sambit niya. "I'm really happy on what he achieve, Brix, I really do. I know he will be better if I'm not on his side —""Bitch, nasa tabi ka na niya —""That's not what I mean Brix!""It's same, Yessh
Kinuha niya ang maleta niya at inilagay iyon sa cart na kinuha niya, tinulungan din siya ng mga bodyguards na naroroon para bantayan sila ni Thunder. Her jaw dropped when they both goes out to the airport. Halos mahilo siya sa dami ng tao sa labas. Naging masikip din ang daan at halos matulak na siya ng mga fans ni Thunder.Nauna ang binata, kahit gusto niyang tawagin ito para sabihing hintayin siya ay hindi niya iyon magagawa. Isa na siyang malaking kahihiyan kung gagawin niya pa 'yon, wala na talaga siyang mukhang ihaharap dito dahil sa mga nagawa niya sa binata."Ah!" daing niya nang maitulak siya ng isang fans na lumusot sa bodyguard para lang makatakbo at makalapit kay Thunder. Hindi siya nahawakan ng isang bodyguard dahil biglaan ang pangyayari kaya ang ending ay lumagapak lang naman siya sa sahig at naitukod niya ang palapulsuhan niya.Kinagat niya ang ibabang labi dahil ramdam niya ang gumuhit na sakit sa bandang iyon.Shit... I can't sprain my wrist... not now.Tinulungan siy
Pinatunog niya ang leeg niya at ang mga daliri niya dahil kakatapos lang niya mamili ng mga susuotin ni Thunder sa fashion week next week. Limang choices ang ginawa niya, incase of emergency."I'll order some food, what do you want?" tanong nito. Nakaupo ito sa mamahaling sofa nito sa loob ng malaking walk-in closet. Yes, nandito siya sa malaking bahay ni Thunder."Salamat naman nagtanong ka, dahil kanina pa ako gutom," pagpaparinig niya rito. Kumain naman sila nila Theo ng dinner pero talagang gutom lang siya ulit."Then why didn't you tell me?" She rolled her eyes, mukhang ito pa ang galit."Kakahiya sa'yo eh," sarkastikong sambit niya. "Baka sabihin mo na naman hindi ko ginagawa ang trabaho ko ng maayos," dagdag niya pa."Tss. Just tell me what food you want.""One tub of magnum ice cream, dream cake, tiramisu, cheese balls, tempura, French fries with chili barbeque flavor and Korean fried chicken!" Marami talaga siyang sinabi dahil nag-crave siya kanina sa napanood niya sa tiktok
It's been a week since her cousin's birthday. Ngayon ay kasalukuyan siyang naghahanda ng mga gamit ni Thunder. 'Yong mga importanteng gamit lang nito dahil may mga outfits naman na ito na susuotin sa photoshoot nito ngayong araw."Okay na 'tong maleta?" tanong ni Theo sa kaniya nang maisara niya ang maleta. Tumango siya rito at luminga pa sa kwarto para tingnan kung may nakalimutan pa siya. Halos puro accessories lang naman ang dinala niya, incase na makulangan siya sa ayos ng binata mamaya.Lumabas na sila ng agency at dumeretso sa parking lot. Nakaandar na ang makina ng executive van kaya sigurado siyang naroon na si Thunder at nakaupo.Sumakay siya sa harapan dahil iniiwasan niya ang binata at alam niyang tuluyan na itong galit sa kaniya. She didn't give him an answer that night. She just shut her mouth and left him there alone.Ramdam niya ang sulyap ni Theo sa kaniya, marahil na nagtataka ito kung bakit dito siya umupo sa harapan. Lagi kasi siyang nasa likod ng upuan ni Thunder.
Uminom siya ng mainit na tsaa nang matapos siyang mag-sketch ng mga outfits. Nasa bahay lang siya dahil walang schedule ngayon si Thunder. Mabuti na lang din dahil ayaw niya muna itong makita.Ang nangyari noong isang araw ay hindi niya kinaya, parang nagkabuhol-buhol ang utak niya at ang nararamdaman niya. Ayaw niya munang isipin iyon dahil bumabalik na naman ang sakit.Binaba niya ang lapis niya at tiningnan nag message ni Gino. Pinaalalahanan lang siya nito para sa surprise birthday party ng ate Bella niya. Ang mga kaibigan na nito ang gagawa ng scene para mapapunta nila ito sa resort na nirentahan ni Gino.Hindi na kasi nakakapag-party ang pinsan niya dahil busy sa trabaho kaya hinanda iyon ni Gino para makapagsaya naman ito kasama ang mga malalapit na kaibigan.Napagdesisyunan niyang maghanda na ng damit na susuotin niya mamaya. Pagkatapos ay nagpahinga muna siya at natulog saglit para hindi siya mabilis antukin mamayang gabi, sigurado kasi siyang madaling araw na siya makakatulo