BUNNY PAGPASOK pa lang nila ng condo, hindi pa siya nakakaupo ay may nag-doorbell na sa pinto. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Diego. "W-Wala akong order," mabilis na sabi nito. Sumenyas na lang siya rito na ito na ang magbukas ng pinto. Napagod siya, hindi sa biyahe kun'di sa init ng panahon. Napaka init, idagdag pa na wala man lang aircon ang building kung nasaan ang columbarium. Well, ano bang asahan niya? Wala naman siya sa Australia, nasa Pilipinas siya. Mayamaya pagkabukas ni Diego ng pinto, bumungad kaagad ang matinis na boses ni Mommy Angela at boses ni Lola Anastacia. Oh what? andito rin si Lola? Damn! "Oh my! My handsome baby boy, I miss you, darling---" malakas at malambing na wika ni Mommy Angela sabay yakap nang mahigpit kay Diego. Halatang natigalgal si Diego, para itong natuklaw ng ahas sa gulat. Mabil
Last Updated : 2024-07-13 Read more