La Maison NoireMaverick has arrived at the hotel where he was going to meet the person from Sanctuario de Atlas. A wondrous palatial hotel lies at the heart of Paris where its clienteles are mostly from the elite society. A society of businessmen, investors, traders, and even groups from underground society. "Monsieur est-il Moulin, dans?" agad na tanong ni Maverick kung saan niya makikita ang taong naghihintay sa kanya nang marating ang reception counter ng hotel. "Oui monsieur! Il vous attend au salon privé numéro deux," tugon ng nag-iisang receptionist ng hotel. Kilala na ito ni Maverick dahil hindi lang isang beses siya nagawi sa magarang hotel. Ayon dito nasa pangalawang private lounge naghihintay ang taong gustong makipagkita sa kanya. "Je vous remercie," tugon niyang pasasalamat. Agad siyang tumalikod at tiningnan ang kanyang tatlong tauhan kabilang si Brando para sumunod sa kanya. "De cette façon, Monsieur," wika ng lalaking Pranses na inilahad ang kamay para bigyang gabay
Last Updated : 2023-01-03 Read more