JILLIAN"Lunch ka muna Madam.""Ano bang nangyayari sayo at parang pinapatay mo na 'yang sarili mo sa trabaho?"Huminto ako sa aking ginagawa ng ilapag ni Mia at Margz ang dalawang plastic clamshell mealbox at sprite in can sa harapan ko. Kumalam kaagad ang tiyan ko matapos kong malanghap ang masarap na amoy ng pagkain.Isinandal ko ang likod sa swivel chair. Mariin na ipinikit ang aking mga mata at inunat pataas ang mga braso."Wala ba kayong trabaho?" sabi ko saka iminulat ang aking mga mata, seryoso silang tiningnan."Duh..? Ano bang problema mo at iniiwasan mo kami?""Para kang others, alam mo ba 'yon?"I chuckled. "Sorry guys, ang dami ko lang na problemang iniisip this past few months. Ayaw ko--""Ang problema hindi iniisip 'yan." sabad ni Margz. "The more na iniisip mo 'yan, the more na lumalala. Hindi 'yan nauubos. Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo.""Ayy--hindi ko akalain may utak ka pala vakla?""Tsee!" angil niya kay Mia. Lumapit sa akin si Margz. Sumiksik sa kina
Last Updated : 2022-12-05 Read more