JILLIANIlang minuto akong nagde-dream pa habang nakahawak ang kamay sa nangangapal kong mga labi pagkalabas ni Marco ng kwarto.Totoo kayang hindi siya ang lalaking 'yon na kumausap sa akin sa SM Makati four years ago? But... how come?!Gulong-gulo ang isip na napatingin ako sa kanyang maleta. Nagpalipat-lipat ang tingin ko doon at sa pintong nilabasan niya. Then a moment later, tumakbo ako papunta sa pinto, binuksan ko iyon saka sumilip sa labas. Nang makita kong wala na siya, mabilis kong ni-lock ang pinto. Dali-dali akong bumalik sa loob at hinalungkat ang kanyang maleta.Nagulat pa ako ng makita kong may mga damit pambabae doon kasama ng mga damit niya. Kinuha ko ang dalawang brown envelop na nakapatong sa ibabaw no'n.Binuksan ko 'yong isa. Nang makita kong marriage contract namin iyon, muli kong isinilid at kinuha naman ang isa. Kaagad nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang malaking picture ng isang hindi ko kilalang lalaki. N
Huling Na-update : 2022-12-01 Magbasa pa