NANDITO AKO sa parking lot, kung nasaan ang condominium ni Isiah ang aking fianceé. Nabalitaan ko kasi na nagdadala na naman ito ng babae sa kanyang condo. Pumikit muna ako, dahil sa aking nararamdaman, wala pa man ay nais ko nang umatras, baka masaktan lang ako. Pero nandito na ako, kaya walang atrasan ito.Bumaba ako sa kotse ko at pumasok sa lobby ng condominium kung nasaan ang unit ni Isiah, dahil alam ko kung nasaan ang unit nito at di na ako nag-abalang dumaan sa receptionist, nagpatuloy akong maglakad papuntang elevator.Papunta na ako sa unit nang magaling kong fianceé. Yes, he is my fianceé na walang ibang ginawa kundi pasakitan ako.What, I'm gonna do, if it was true na may dinalang babae si Isiah sa condo unit nito. But, I try to reign myself. Ayaw kong mag eskandalo. Ayaw ko nang gulo.I don't need to knock. May duplicate key ako. Ipinasok ko sa keyhole ang susi and to my surprise, sobrang tahimik ng sala. I roam my sight sa kung saan pwedeng nitong dalhin ang babae nito.
Last Updated : 2022-10-26 Read more