Tale as old as time, true as it can be.Barely even friends then somebody bends unexpectedly.- Beauty and the Beast, Arianna & John Legend***SATURDAY morning maaga siyang nagising pero hindi pa siya makabangon bangon. Since they’re already married they are sharing the same room. Ang kwarto nito sa bahay ng mga magulang ni Cyril ang naging kwarto nilang mag-asawa.Pero para sa kanya ay hindi ito kwarto, para natong bahay dahil sa laki. May sarili itong sitting area kung saan nandoon ang TV at Xbox ng asawa, may isang long sofa ito at dalawang one seater sofa at sa gitna nito ay ang isang babasaging center table. Isa na itong sala ng bahay. May mini ref sa isang gilid na punong-puno ng kung anu-anong pagkain.Meron din itong walk in closet na punong-puno ng mga damit, sapatos accessories nilang mag-asawa. Kahit ayaw niya ay pinamili ito ng mother-in-law niya kaya wala siyang nagawa. Sa kabilang side ang mga gamit ng asawa na mostly ay color black at sa kabilang panig ay ang sa kanya
Read more