“Taray! May pa-engrave . . .” panunudyo ni Krisha habang hinihintay nilang matapos na pa-engrave-an ang fountain pen na napili ni Calista.“Para personalized. Kung mayr’on na kasi siyang fountain pen, edi maiiba ‘yan kasi may engraving ng pangalan niya.”Napatangu-tango naman ang kaniyang kaibigan.“Sabagay, pero ‘yon ay kung wala pa siyang fountain pen na may engraving ng pangalan niya . . .”Napaisip nang sandali si Calista. May punto ang sinabi ni Krisha ngunit wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay may maibigay siyang regalo kay Mr. Das bilang tanda ng kaniyang pasasalamat.“Ayos lang ‘yon. It’s the thought that counts. Ang mahalaga naman ay may naibigay ako sa kaniya as token of gratitude sa naging tulong niya sa kompanya namin.”Napatangu-tango naman si Krisha.Hindi nagtagal ay bumalik na ang babaeng staff na nag-assist sa kaniya sa pagbili ng fountain pen.“Tapos na po, ma’am. Sa counter na lang po,” anito kaya tumayo siya.“Sige, thank you,” aniya sa staff bago nilingo
Last Updated : 2022-12-05 Read more