Samantha's POV " Manang, Anong oras po ba umuuwi si Luther?" Tanong niya, patingin-tingin sa labas ng mansion. Magdidilim na kasi ngunit kahit isa sa maglola ay wala pang dumarating. " Depende iyon kay young master. Paiba-iba ang oras ng uwi nito. Minsan maaga, minsan late na. Ay teka, ano bang date ngayon? " Tanong ni manang ng may biglang maalala. Tumingin ito sa kanyang cellphone at may kinumpirma. " Ika-sampu pala ngayon ng buwan. Paniguradong gagabihin ito ng uwe. " " Bakit po? Kahit ba gabi, bukas pa din ang kompanya? " Tanong pa niya, nagtataka kung bakit ito gagabihin ng sobra. " Tuwing Ika-sampu Kasi ng buwan ay lagi itong may pinupuntahan, sinasabihan kami na wag na kaming magluto dahil nga late na ito makakauwe. " Sagot nito na nagbigay lungkot sa kanya. Tumingin siya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa, na pinagkaabalahan pa niyang dekorasyunan para mas maganda sa mata. Tinignan din niya ang mga kamay na may mga band aid saka bumuntong-hininga. Ilang beses din
Magbasa pa