CamelaNandito na ako sa Library habang matiim naman na nakatingin sa akin ang aking ama. Mukhang tinitimbang nito ang mga pangyayari. Na kwento ko na kasi sa kanya ang ginawa namin kay Lauren kaya naman galit na galit ito sa akin kanina. May sira na daw ba ako sa ulo at sinunod ko ang gusto ng aking ina. Kahit ano pa daw ang dahilan ko ay maling mali ang ginawa ko dito. Alam na alam ko naman ang bagay na yun kaya nga naka yuko lang ako kanina pa habang pinapagalitan ako nito eh. Kinunsinti ko pa daw ang isang mali. "Dapat kasi nag sabi ka sa akin kaagad anak ng hindi na kayo naka panakit pa ng wala namang kinalaman sa gulo ng pamilya natin. Dahil kung tutuusin ay tayo lang ang nakigulo sa tahimik nilang buhay tapos ngayon ay ikaw naman ang nag palala pa nito. Hindi ko na alam pa kung ano ang mukhang ihaharap ko kay pareng Laurence ako talaga ang nahihiya sa mga pinag gagawa nyo sa kanila. Lalo na kay Lauren my god ang bait na bata nyan tapos ginanyan mo lang Camela. Asan na ang puso
Magbasa pa