CamelaHalos 1 hour na akong nag iikot dito sa buong siyudad pero kahit anino ng dalawa ay hindi ko pa rin nakikita. Kanina pa rin hindi ako mapakali sari sari ng scenario ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ko rin naman masisi si Catherine kung bakit hindi nito napigilan na umalis ang dalawa dahil mag tataka nga naman si Pangit kung bakit nangingialam si Catherine sa kanila. Mamaya madamay pa ito sa gulo ng buhay ko. Imbis na yung matigas ang ulo na batang binabantayan nito na nandoon na naman sa bar ang problema nito ay madagdagan pa. tanga din naman kasi nito. Maliwanag pa kasi sa papalubog na araw na mahal nito ang bata na yun kundi ba naman tanga at ang kuya ang sinagot nito eh dalawa naman ang mag kapatid na nanliligaw dito. Tuloy panay habol siya ngayon sa bata at galit na galit lalo na kapag may ibang nilalandi ito. Akala mo ay siya ang girlfriend kung makapag selos at makapanita sa mga gustong makipag flirt doon sa bata. Hayst pag ibig nga naman lahat na lang ng tinatam
CamelaMga ilang minuto pa ay biglang tumunog na ang phone ko. Agad ko naman na sinagot na yun. Alam ko na galing ito sa isa sa mga kakilala ko sa Underground society. Malakihan man maningil ang mga ito ay maaasahan mo naman na mabilis sila mag trabaho. "Ms. Camela natagpuan na po namin kung nasaan banda ang pinapahanap nyo po. Nandito po sila sa isang rest house dito sa may Batangas. Ano po ang gusto nyong ipagawa sa amin sa kanila?" Tanong kaagad nito sa akin. "Huwag nyong gagalawin si Lauren hayaan nyo lang na matulog yan dyan. Yung isang kasama niya na Pangit na Lavine ang pangalan ay ihiwalay nyo muna ng kinalalagyan yan. Huwag na huwag nyo palalapitin yan dyan kay Lauren at pa punta na ako dyan. Pa send na Lang sa akin ang location." Utos ko naman sa mga ito. "Masusunod Ms. Camela. Hintayin na lang po namin kayo dito basta wala kaming sa saktan na kahit sino sa mga ito kailangan lang na mailayo sila sa isat isa at walang papatakasin. Sige po Ms. Camela kami na po ang bahala d
CamelaNandito na ulit ako sa room ni Lauren naka titig lang ako ngayon dito. Pinag iisipan ko kasi kung saan ko ba siya itatago muna pansamantala habang hindi ko pa naaayos ang tungkol sa amin ni Mommy. Maya lang ay naka pag decide na akong sa Tarlac na muna siya dalhin. Doon muna kami pansamantala sa hacienda. Sure naman ako na hindi mag lalakas loob yun na sugurin pa kami doon ni Lauren. Tsaka subukan lang niya dahil ipapahuli ko na talaga siya sa mga pulis o baka sa mental hospital ko na ito ipa diritso. Mabilis na kinuha ko ang phone ko at nag dial na ako. Tinatawagan ko na ang pilot ng chopper na mag hahatid sa amin doon. Ayaw ko ng mag drive pa at masyado na yung malayo kaya mas mabuti na mag chopper na lang kami. Mga kulang isang oras lang ay dumating na rin ang hinihintay ko. Agad ko ng pinabuhat si Lauren upang maisakay na ito. Yung isang tauhan ko naman na nandito ay binilin ko na lang sa kanya ang kotse ko tsaka mabilis na kaming umalis sa lugar na yun. Habang buhat bu
CamelaNandito na ako sa Library habang matiim naman na nakatingin sa akin ang aking ama. Mukhang tinitimbang nito ang mga pangyayari. Na kwento ko na kasi sa kanya ang ginawa namin kay Lauren kaya naman galit na galit ito sa akin kanina. May sira na daw ba ako sa ulo at sinunod ko ang gusto ng aking ina. Kahit ano pa daw ang dahilan ko ay maling mali ang ginawa ko dito. Alam na alam ko naman ang bagay na yun kaya nga naka yuko lang ako kanina pa habang pinapagalitan ako nito eh. Kinunsinti ko pa daw ang isang mali. "Dapat kasi nag sabi ka sa akin kaagad anak ng hindi na kayo naka panakit pa ng wala namang kinalaman sa gulo ng pamilya natin. Dahil kung tutuusin ay tayo lang ang nakigulo sa tahimik nilang buhay tapos ngayon ay ikaw naman ang nag palala pa nito. Hindi ko na alam pa kung ano ang mukhang ihaharap ko kay pareng Laurence ako talaga ang nahihiya sa mga pinag gagawa nyo sa kanila. Lalo na kay Lauren my god ang bait na bata nyan tapos ginanyan mo lang Camela. Asan na ang puso
Nang marinig ko mula dito ang mga yun ay hindi ko maiwasang kabahan dahil balak na pala nitong mag move on at may balak din siya na palitan na ako kaagad. Hinding hindi ko mapapayagan ang bagay na yun kahit pa sabihin nito na ako din lang naman kasi ang may kasalanan kung bakit nagkaganito kami ngayon. Basta akin lang si Lauren at hindi ako papayag na mangyari ang gusto nito hinding hindi ako makapapayag pa. Lalo pa nga at nasa akin na siya ngayon. Tanga ko na lang kung ibabalik ko pa ito sa kanila na walang nagiging magandang resulta. Tama na ang nasaktan kami pareho. Siguro time na rin naman na magka ayos kami at mapa ramdam ko na dito ang totoong nararamdaman ko sa kanya.Kahit mainit ang ulo ko dahil sa sinabi nito ay hindi ko rin naman siya makastigo sa sinabi nito. Kaya ang makiusap at mag baba ng pride at tono ang tangi ko na lang magagawa kung gusto ko na mapabalik ito sa akin. Saka na ako mag ma maldita dito kapag na sure kong akin na siya uli. "Please Lauren mag usap nama
LaurenNagising na lang ako na parang may mabigat na naka dagan sa akin. Kaya naman tiningnan ko ang bagay na yun at nakita kong mga braso at binti pala ng isang babae ang nakayakap sa akin. Ang huli ko lang kasing natatandaan kagabi ay may kumausap sa aking babae na hindi ko matandaan kung sino basta parang familiar siya sa akin tapos niyaya na ako nitong umuwe pero may kumausap ulit sa akin at yun na lang ang huli kong natatandaan at wala ng iba pa. Tapos magising na lang ako na may nakayakap na sa akin. Dahan dahan na tinignan ko naman kung sino itong naka patong sa akin ngayon. Gayon na lang ang pagkabigla na naramdaman ko ng makilala ko kung sino ito. Mabilis pa sa alas kwatro na tinanggal ko ang nakapulupot na braso nito sa aking bewang. Pero mukhang wala yata itong balak pakawalan ako kaya may pwersa na ngayon ang pag hila ko sa braso nito. Bahala ka kung magising ka wala akong pakialam basta maka wala lang ako ngayon at makalayo sa babaeng ito. Hindi kaya ng sistema ko na
LaurenPagkababa ko ay agad akong guide ng kasambahay nila pa puntang kusina ng mga ito. Nakita ko kaagad ang isang medyo may katandaan na ring lalaki pero matikas pa rin at halata mo nung kabataan nito ay marami na pinaiyak na babae ito. Kasama nito ay si baliw na naka titig na naman sa akin. Pareho pala silang dalawa na naka titig sa akin. Hayst ano ba naman ang mag ama na ito at wagas maka tingin. Para tuloy huling kain ko na ito eh. Baka hindi rin ako matunawan nyan. Agad ginala naman ni baliw ang tingin niya sa kabuuan ko. Napalunok pa ang bruha ng makita ko na sa may bandang baba na ito naka tingin ngayon. Napaka visible sa mukha nito na gandang ganda siya sa kanyang nakikita. Pero naka pokerface lang ako na naka tingin dito kunyari ay hindi ako affected sa presensya niya. Ayaw ko rin naman na basta na lang mag maldita dito kay baliw at kahit paano ay nandyan ang tatay nito baka mainis sa akin ito ay bigla na lang ako nitong suntukin. Balita ko pa naman ay nag iisa niyang an
LaurenNagising na lang ako na parang may kumikiliti sa aking leeg at parang may mabigat na bagay na nakatapatong sa akin. Medyo hindi kasi ako makahinga kaya dahan dahan na minulat ko ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na yun. Ganun na lang ang gulat ko ng mamulatan ko si Ms. Martin na busy sa pag halik da aking leeg na kung minsan ay kanya pa itong sinisipsip na para bang nilalagyan niya yun ng kiss mark. At nakakagulat pa ha ito pala ang mabigat na bagay na nakapatong sa akin. Kaya naman pala hirap ako huminga dahil dito. Mabilis naman ang reaction ko at agad ko na itong tinulak upang maalis na siya sa ibabaw ko. Para kasing manyak na hindi mo maintindihan ang matandang ito eh. Manghalik na lang ba at nakapatong pa sa akin ha. Ayaw ko ang ginagawa nito sa akin ngayon. Ganito na ba ang plano naman niya ngayon ang akitin ako? Pwes medyo tinamaan ako sa bagay na yan. Kaya nga mabilis ko siyang inalis sa ibabaw ko eh at alam ko na nag sisimula na kasing mag init ang katawan