Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"
Last Updated : 2023-01-24 Read more