Lahat ng Kabanata ng Love is Sweeter the Second Time Around : Kabanata 11 - Kabanata 20

37 Kabanata

Kabanata 10

Family.I will celebrate Christmas with my fiancee's family. Wala kasi si Papa kaya sinama nila ako sa Cebu kung nasaan ang pamilya ng panganay nila. Hindi rin naman masyadong umuuwi si Papa at minsan nagpapadala na lang siya ng pera para sa allowance ko at gastusin sa bahay. Kaming dalawa na lang tuloy ni Kylo ang naglalagi roon. Parang inabanduna na rin niya ang bahay nila na puro tauhan na lang nila ang nakatira. Kaya ang sabi ni Tita, sumama na lang ako sa Cebu."It's nice to meet you, Chime. I heard a lot about you," nakangiting sabi ni Kuya Mauro nang makapasok kami sa bahay."Nice to meet you po, Kuya." Ngumiti ako sa kaniya."Where is my nephew?" Tanong ni Kylo habang nakahawak sa bewang ko."Baka pinaliliguan ni Trinity," sagot nito."Dito raw muna kayo habang nandito kami sa Cebu?" Tanong ni Ky saka ako pinaupo sa malambot na sofa.Kadarating lang namin galing sa Taguig. May dinaluhan pa kasi kaming final meeting para sa project namin sa university bago kami pumunta rito sa
last updateHuling Na-update : 2022-10-19
Magbasa pa

Kabanata 11

Life.Nagtrabaho kami ni Kylo sa kompanya nila nang magbakasyon. Encoder ako roon habang siya naman ay pinag-aaralan ang pamamalakad ng kompanya. Tinuturuan siya ni Tito Michael at minsan tinatawagan niya si Kuya Mauro kapag may hindi siya naiintindihan.No'ng birthday naman ni Kylo ay nagpunta kaming Boracay ay roon nagcelebrate. Nagbabalak pa nga si Tita Kayla na magtayo ng rest house malapit doon dahil gusto niya raw ng property malapit sa dagat.At no'ng magbirthday naman ako, sa isang restaurant sa Antipolo kami nagdate. Medyo late kasi ang pasukan namin ngayong year at mabuti iyon dahil kahit papaano, nacelebrate namin ang birthday ko.Medyo busy kami nang magsimula ang class. Hindi rin masyadong nagkakasundo ang schedule namin ni Kylo kaya bihira kami nagkakasama sa loob ng university. Minsan ay sinusundo niya na lang ako kapag wala siyang schedule o kaya naman hinihintay niya ako kapag maaga ang uwian niya. "Kaya ayaw ko talagang hindi tayo same ng schedule e," reklamo ni Kyl
last updateHuling Na-update : 2022-10-20
Magbasa pa

Kabanata 12

Emergency.Yakap-yakap ko ang isang libro ko habang naglalakad ako papunta sa office. Pinatawag daw kasi ako ni Mrs. Gomez na mukhang tungkol sa pag-alis ni Ate Nina sa university."Nerd, ang sabi ko, kuhanin mo ang ballpen ko gamit ang bibig mo!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa kung saan.Kumunot ang noo ko roon. College na kami tapos may bullying pa rito? Hindi pa ba sila nagma-matured?"Excuse me? What are you doing?" Matigas na Ingles kong tanong.Nakita kong nakahiga sa sahig ang isang lalaki na may itim na headphones sa leeg. Naka-hoodie siya na kulay gray at nadudumihan iyon dahil sa paninipa ni Kenneth."Oh. Nandito pala itong si Vice President," humalakhak si Kenneth Carillo."Iniisip kong bakit kaya college na't lahat e may bullying pa rito tapos nakita kong ikaw ang bully, Mr. Carillo, hindi na ako nagtaka..." ngumisi ako. "Isip-bata kasi ang galawan.""What did you say?" Galit niyang tanong."I will report this incident to the office. Please, prepare yourself for suspe
last updateHuling Na-update : 2022-10-21
Magbasa pa

Kabanata 13

Blood, sweat, and tears."Oh? Saan ka pupunta, Chime?" Tanong ni Ate Tina nang makita akong pababa ng hagdan."A-Ah. Nandiyan po si Papa sa bahay, pinapauwi po ako," kinakabahan kong sagot habang mahigpit ang hawak sa cellphone at bag ko."Nako, gano'n ba?" Saglit siyang nag-isip bago tumango sa akin. "Sige. Magsabi ka kina Ma'am Kayla para hindi mag-alala. Ipapabantay ko rin kay Peter ang labas niyo para may guwardiya kayo.""Hindi na po, Ate. Nakakahiya naman," sagot ko.Saka hindi na iyon kailangan dahil alam ko namang may baril si Papa pero paano kung..."Ano ka ba? Girlfriend ka ni Kylo at parang anak ka na rin ni Ma'am Kayla kaya dapat pagsilbihan ka rin namin," saway niya sa akin. Mahina niyang pinalo ang braso ko saka ako inalalayan sa labas. "Peter, doon ka magbantay kina Chime at naroon daw ang Papa niya. Si Paul na muna ang papabantayin ko rito sa gate."Hiyang-hiya akong ngumiti kay Kuya Peter na bumaling sa akin. Tumango siya bago naunang naglakad. Mabilis ang kalabog ng
last updateHuling Na-update : 2022-10-22
Magbasa pa

Kabanata 14

Break.Naghahalo ang hapdi ng pagkababae ko at ang sakit ng katawan ko habang tumatakbo ako palayo roon. I saw the continuous running of blood on my leg. Pumara ako ng taxi nang makakita ako no'n na palabas ng street. Nanlalabo ang mata ko dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha ko."K-Kuya, sa pinakamalapit na hospital."Nanginginig ako dahil sa pagkakabasa ko sa ulan. Pero mas ikinakatakot ko ang mangyayari sa anak ko. Ayaw kong mawala siya."Hala, Ineng! Pumasok ka na," mabilis na sabi ng driver.Inabot niya sa akin ang isang maliit na bimpo bago niya mabilis na pinaharurot ang sasakyan. I immediately wiped the blood on my legs. "Nandito na tayo, Ineng!" Mabilis na sabi ni Manong.Nanginginig kong kinuha ang wallet ko pero bago pa ako makabunot ng pera, lumabas siya ng taxi. Nagulat ako nang buksan niya ang pintuan sa banda ko saka ako mabilis na binuhat."Nurse! Nurse!" Malakas na sigaw niya habang buhat-buhat ako.Napapikit na lang ako sa sobrang pagod. Gustong-gusto kong magp
last updateHuling Na-update : 2022-10-23
Magbasa pa

Kabanata 15

Alone."Adasha, isang Kare-Kare at isang Pinakbet doon sa lamesa ng mga marino."Mabilis akong nagsandok ng ulam saka iyon maingat na iniabot sa lamesa ng mga bagong dating na estudyante."Ganda talaga ni Adasha, Manang Letty. Saan mo nahanap 'to?" Tanong ng isa sa kanila.Tipid lang akong ngumiti sa kanila bago sila talikuran. Luckily, I found a place to stay and a work here in Las Piñas.Alam ko kasing kung hahanapin ako ni Papa, hindi niya maiisip na sa bandang South ako pupunta dahil masyadong malayo kumpara sa malalapit sa amin na Cities."Nako! Tigil-tigilan niyo ang pagpo-porma rito kay Adasha at walang interes magnobyo iyan..." Dinig kong sabi ni Manang Letty. "Mga marino talaga, oo. Seaman-loloko.""Grabe naman, Manang. Sinabi ko lang na maganda," humalakhak ang isa sa kanila. "I just found her mysterious, too. Masyadong maganda tapos naghihirap dito?"Gusto ko sanang sabihin na lahat naman ng tao ay pwedeng pumasok bilang waitress. Nakapasok ako bilang waitress sa maliit na
last updateHuling Na-update : 2022-10-24
Magbasa pa

Kabanata 16

Eyes.Ngiting-ngiti ako habang niyayakap ni Eros ang leeg ko. Naghiyawan ang mga kasama namin sa ginawa niya. Kinuhanan pa nila kami ng litrato bago sila muling nagsigawan."Gosh! So eww!" Bulong niya sa tenga ko.Humalakhak ako habang patuloy ang pagre-reklamo niya sa akin. Medyo nakaipon ako sa pagta-trabaho buong taon kaya nakapag-enroll ako sa isang school dito sa Las Piñas. Kumuha ako ng scholar at pinalad akong makakuha ng 50% scholarship sa tulong ni Manang Letty. Mabuti na lang din at kahit papaano, may ipon ako noon.Nakuha ko sa school ang papers ko sa university na pinasukan ko sa Taguig. Si Mrs. Ramos pa ang nakausap ko at kinumusta pa ako. Ngayon, sinimulan ko ulit ang second year college ko. Nakilala ko roon ang mga bagong kaibigan ko ngayon."Ten seconds shot sa ating birthday girl!" Malakas akong hinila ni Vivien habang malakas ang tugtog sa Padis' point dito sa malapit ng STI na pinapasukan namin."Viv, hindi malakas uminom si Chime," saway sa kaniya ni Eros."Kaya ng
last updateHuling Na-update : 2022-10-26
Magbasa pa

Kabanata 17

Mad."Congrats, Chime!""Walang kupas, ha? Akala ko ba hindi ka na confident?" Tanong ni Vivien.Humalakhak na lang ako. Ngayon ginanap ang pageant para sa Foundation week namin. Hindi ko rin inaasahan na mananalo ako lalo na't hindi na ako sanay sa ganito. Mabuti na lang at nadaan namin sa kaunting practice."Have you seen the face of other section?" Humalakhak si Yvonne sa harapan ko."Priceless," sagot ni Gio.Nagtawanan sila. Sinasabi ko na nga ba. Ito lang talaga ang rason bakit nila ako pinilit na sumali. Napailing na lang ako."Ipang-celebrate natin ang cash pri-""No, Chime. Sa'yo 'yan," sabi ni Vivien."Huh? Baliw, hindi na. Besides, alam kong malaki rin ang nagastos niyo rito," sagot ko.Silang lahat ang gumastos ng gown at ng iba pang kailangan ko. As in wala akong inilabas na pera habang ginagawa namin ang paghahanda sa pageant. Ang ambag ko lang talaga ay ang mukha ko at ang utak ko sa Q and A."Ano ka ba! Pinilit ka namin kaya malamang sagot namin. Sa'yo na 'yan para may
last updateHuling Na-update : 2022-10-28
Magbasa pa

Kabanata 18

Changes.I really left Las Piñas. My communication with Manang remains the same. Tinatawagan ko siya halos gabi-gabi. Kinukwentuhan niya lang ako tungkol sa mga ganap ni Eros sa buhay. Gusto kong tawagan sina Vivien, Yvonne, Gio, at Louie kaso natatakot akong baka magalit lalo sa akin si Eros. Gusto kong bumalik doon at personal na magsorry sa kaniya pero tuloy-tuloy pala ang problema ko rito kay Papa.Nilakad ko ang papeles niya para makakuha kami ng benefits sa operasyon niya. Luckily, kahit tinanggal siya sa trabaho, tinulungan pa rin siya ng mga kasama niya noon sa trabaho.Iyon nga lang, nagsimula naman ang pagkakaroon ni Papa ng Alzheimer's. Madaling makahanap ng trabaho rito kung kagaya sa Las Piñas ang trabahong papasukan ko pero kulang iyong sahod ko para sa amin.Magbabayad ako ng bahay, tubig, kuryente, ang mga gamot ni Papa, at pagkain namin. Sobrang sakit sa ulo ng nangyari sa buhay ko. Parang wala akong panahon para magreklamo dahil mas kailangan kong maghanap ng pera p
last updateHuling Na-update : 2022-10-29
Magbasa pa

Kabanata 19

Ligaw.All I thought, I already moved on. Akala ko wala na talaga akong nararamdaman sa kaniya dahil ilang taon na ang nakalipas. Ngayon, napatunayan ko nga na hindi pa ako nakakaahon. Hindi ko siya nakakalimutan, nalilibang lang ako kaya nawala siya sa isip ko. Pero kapag ganitong mga pagkakataon, kapag ganitong mga oras, iniiyakan ko siya. Lalo na ngayon, na talagang nakita ko siya. Nagka-usap pa kami.Kylo is a big part of my life. Nagdaan ang tatlong taon pero malaki pa rin ang espasyo niya sa puso ko. Alam ko sa sarili kong tinulungan ko ang sarili kong makalimutan siya pero hindi yata effective iyon. Dahil ngayon, may luha pa rin na pumapatak sa mga mata ko na para sa kaniya.My almost six years relationship with him was perfect. I know for myself that he did loved me with all his heart. He loved me genuinely, and I think everyone witnessed that. Mahirap siguro talagang iwan at kalimutan ang relasyon na hindi mo gustong wakasan.I told myself that I will heal myself and forget a
last updateHuling Na-update : 2022-10-29
Magbasa pa
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status