YVONNE'S POV.Maaga akong gumising kinaumagahan at ipinagluto ng pagkain ang asawa kong si Ervin. Maaga ang pasok niya ngayon dahil may i-me-meet daw siyang bagong kliyente. Nakakapagtaka lang dahil hindi niya iyon sinabi sa akin nang mas maaga. Ganoon naman ang karaniwan niyang ginagawa, e. “Ah, honey? Nagmamadali na ako. Sa office na lang ako kakain.” Biglang sulpot niya sa harap ng kusina habang ako ay inihahapag na sa lamesa ang mga pagkaing iniluto ko. “Ha? Pero nakasandok na, honey. Sayang naman itong iniluto ko kung hindi mo kakainin,” nalulungkot kong sabi. “Kakainin ko iyan pag-uwi ko, honey. Pati ikaw.” Sabay kindat niya at nilapitan ako. Niyakap niya pa ako nang mahigpit mula sa likod ko bago niya ako sinuyo-suyo. “Huwag ka nang magtampo, honey. Mamaya, sasabayan kitang kumain,” aniya. “Ano pa nga bang magagawa ko kung nagmamadali ka? Sige na. Maaga kang umuwi mamaya, ha?” Humarap ako sa kaniya at inayos ang suot niyang uniporme. “I love you, honey.” “I love you too.
Last Updated : 2022-08-29 Read more