Chapter 26"Ang una mo dapat gawin ay kumalma ka," yun ang unang sinabi sa akin, nang sabihin ko sa kanya ang lahat at makita niya akong umiiyak. Pagkatapos nun ay pinapasok na niya ako sa bahay niya. At ngayon nga nandito kami sa kwarto niya, nakaupo ako sa ibabaw ng kama niya at siya naman ay nakatingala sa akin, dahil nasa lapag lang siya at hinahaplos ang tuhod ko.Ang gulo ng utak ko, parang hindi pa handa ang utak ko na mag mahal tapos, yung puso ko kumerengkeng na agad. First time ko ito, at wala talaga akong ideya kung anong dapat gawin.Iba ito sa pagka crush ko kay Amor dati, hindi naman ako naging ganito kataranta, dahil alam ko na crush lang iyon, na kaya kong hindi siya makita ng isang araw kahit pa nga taon ay kinaya ko. Pero ngayon, kay Rogerr, sa tingin ko ay hindi ko kaya. Palagi ko siyang hinahanap hanap. Kahit hindi pa tapos ang klase palagi ko ng naiimagine na nasa gate siya at hinihintay ako.Hiniling ko nga na sana maalala ko lahat nung nangyari nung gabing iyon
Last Updated : 2022-10-28 Read more