Home / Romance / Struggles of the Legal Wife / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Struggles of the Legal Wife: Chapter 11 - Chapter 20

43 Chapters

Chapter 11

#The Heart-breaking TruthHindi na ako nag-hesitate pa na umalis kaagad ng ospital. I have the need to go there para mapatunayan ko na rin sa asawa kong sa aming dalawa… siya ang sinungaling at gumagawa ng sarili niyang kwento. Dahil sa umpisa pa lang talaga, kutob ko ang tumatama hindi ang mga walang-kwenta niyang palusot.“Basta pakisabi na lang na babalik ako kaagad. Kung magtanong man si Bernard tungkol sa akin, sabihin mong hindi ako tumatakas sa duty ko. Makakabalik ako riyan on-time.” [E, saan ka ba kasi pupunta? Para ka namang nagmamadali. Concert ba ‘yan ng BTS-]“Masyado ka nang nagiging madaldal, Kath. Mamaya na lang kasi nagda-drive ako,” ang sabi ko bago ko tinapos na ang tawag. Ang point kung bakit ako tumawag kay Kath para ibaba sa kanya ang mga bilin ko in case man may mga pasyente na maghanap sa akin sa clinic o hanapin na naman ako ni Bernard. Wala naman talaga akong balak na lumusot at hindi tumuloy sa Operation room mamaya. Bukod sa duty ko ‘yon na kailangan kong
last updateLast Updated : 2022-10-11
Read more

Chapter 12

#Biggest Decision to MakeKung masamang tao siguro ako, hindi na ako nagdalawang-isip pa na ilahad ang buong katotohanan. Kaso alam kong mapapahiya silang mag-ina roon dahil marami pa naman silang mayayaman na bisita. Hindi ako nagsalita dahil alam kong sa oras na ginawa ko ‘yon, baka mas lalo lang maging determinado si Eloise na ipalaglag ang baby niya. So… after kong malaman ang lahat, para makalusot ako sa paanyaya ni Doc Miriam na sumabay muna ako na kumain sa kanila… sinabi ko na lang na kailangan ko nang bumalik sa ospital para sa duty ko—which is, to be honest, mamayang hapon pa naman talaga ‘yon. “Nalaman mo na ba ang totoo?” Nang makalabas ako sa eskinitang daanan patungo sa kalsada, nakaabang sa akin si Jazz. “Siguro ngayon ay gising ka na mula sa panloloko sa iyo ng asawa mo, ‘di ba?”“Matagal ko nang alam… at matagal na rin akong kinukutuban na may iba nga siyang babae. Pero mas pinili kong magbulag-bulagan.” Nilagpasan ko si Jazz at tumawid ng kalsada. Nasa kabilang si
last updateLast Updated : 2022-10-12
Read more

Chapter 13

#Haphazard DutyWala akong choice kung hindi ang sabihan na lang si Attorney na mag-usap na lang kami bukas. Since nagmamadali na rin ako at kanina pa ako pine-page na magtungo na sa Operation room, wala akong oras na dapat sayangin. Pero aminado akong… sa balitang nalaman ko sa family attorney namin, sobrang laki ng epekto sa akin ng balita. That made me lose my focus. “Do you still hear us, Doc Andrea?” untag sa akin ng isa sa mga surgeon. “Aware ka ba na nagsisimula na ang operasyon ngayon?”“Y-Yeah,” nauutal kong tugon. “I’m sorry…” Kahit lutang na lutang ako at hindi ko maiwasang lumihis sa isip ko ang tungkol sa bahay naming nakasangla sa bangko, aminado akong nahihirapan talaga ako mag-focus. Pero kung hindi ko aayusin ang trabaho ko, buhay ng isang inosenteng tao ang p’wedeng malagay sa peligro. “Please be careful of separating the chest from the bone…” I reminded the surgeons inside this room as they began the procedure of open-heart surgery. Gamit ang ilang mga tools na
last updateLast Updated : 2022-10-13
Read more

Chapter 14

#Pushing the DivorceSobrang laki ng tiwala ko kay Jazz kasi buong akala ko ay kakampi ko siya. ‘Yong pagmamalasakit niya para sa akin na bigyan ako ng mga impormasyon at tulungan niyang imulat ang mga mata ko tungkol sa panloloko ng asawa ko sa akin, akala ko pa naman ay bukal sa kalooban niya lahat ng mga pagmamalasakit na mayroon siya para sa akin. Ngunit lahat pala ng mga ‘yon, puro pagpapanggap lang. Lahat ng iyon ay hindi totoo kasi maski siya… kabit din ni Mike?!Tulala akong nasa living room habang nanonood ng TV. After ko kasing ma-discharge sa ospital, sinabihan ako ni Doc Froilan na mukhang kailangan ko munang magkaroon ng pahinga sa trabaho ko kahit isang linggo lang. Sa mga kinaharap ko na trauma at stress sa ospital in the past few days, I really need some time to rest. Mas mainam na rin ‘yon para sa akin nang sa gayon ay hindi muna ako atakihin ng pamilya ng namatayan at isisi sa akin ang nangyari. As I mentioned, pamilya nina Morgan ang naulila dahil sa kapabayaan at
last updateLast Updated : 2022-10-14
Read more

Chapter 15

Sampong dial na siguro ang ginawa ko para contact-in si Mike ngunit hanggang ngayon ay hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Pauwi na kasi ako ng bahay galing sa office ng family attorney namin, and good thing ay nagsabi naman ito sa akin ng mga kailangan kong gawin para matubos ko ang bahay namin. But I really need Mike’s cooperation. Kailangan niyang aminin sa akin kung anong dahilan niya para isangla ang bahay namin nang hindi niya ipinapaalam sa akin at kung saan niya dinala ang pera. Malaki-laki rin kasi ang presyo ng pagsasanglaan ng bahay namin sa bangko, at malaking halaga rin ng pera ang kailangan namin para matubos ito. “Andrea…” Papasok na ako sa loob ng bahay nang makasalubong ko sa pintuan si Mike na siyang papalabas naman at dala niya ang kanyang mga bag. Malaki ang sukbit niya na bag, so I’m sure mga damit niya ang laman ng mga ‘yon. “Ano ‘to?” Nagpumilit ako na tanggalin sa balikat niya ‘yong bag pero mahigpit niya ‘yong hinawakan at inilalayo sa akin ang bag. “Ano
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

Chapter 16

Tila ba naging maamo bigla ang mukha ni Mike at kaagad siyang lumapit sa akin. “Please, ‘wag naman sana tayong umabot sa gan’yang punto, Andrea. Alam kong magiging mahirap na para ayusin o buuin ulit ang pamilya nating dalawa, pero ‘wag mo namang gamitin ‘yon na dahilan para manira ka ng ibang relasyon.” Gusto kong halakhakan si Mike. Kahit sakrastiko man o peke, gusto ko lang ipakita sa kanya na mas lalo lang siyang nagiging walang-kwenta sa paningin ko. Kung kaya’t para mas lalo kong maasar ang mukha niya, I smirked at him while raising my brows. “Ang unfair din naman pala ng buhay, ‘no? Ako itong nananahimik at mayroon akong sariling pamilya na pinoprotektahan. Wala akong inaagrabyadong ibang tao sa pananahimik ko pero bakit ako itong pinarurusahan ng buhay?” may halong bitterness kong sambit nang hindi ako makatingin sa mga mata ni Mike nang diretsyo. “Hindi naman ako naninira ng ibang relasyon, so bakit kailangang ako ‘yong masaktan?”Naglakad ako’t nilagpasan ko siya, at nang
last updateLast Updated : 2022-10-16
Read more

Chapter 17

Agad akong pinigilan ni Morgan nang akmang tatalikuran ko na siya upang makabalik na ako ng ospital. “Huwag kang gagawa ng padalos-dalos na desisyon, Andrea. At this moment, mas mabuti siguro kung mag-lie-low ka na muna sa gulo. Katatapos lang kasi ng nangyaring gulo nitong nakaraan, and as you know… sariwa pa ang tungkol sa isyu. Hindi p’wedeng susundan mo kaagad ng kasunod na isyu ‘yon kung ayaw mong magkapatong-patong ang poproblemahin mo.” “Wala naman akong gagawin-”“Kitang-kita ko ang panggigigil sa mukha mo, Andrea. Alam kong may plano kang sugurin si Doc Bernard ngayon that’s why I’m stopping you from here,” may pag-aalala na sambit ni Morgan as he was tightening his hold to my arm. “Nakikiusap ako sa iyo… don’t make reckless decision. Suspinde ka sa ospital ngayon for a week… and don’t make your suspension become a termination ‘pag nagpaapekto ka sa emosyon mo.”Nagpumiglas ako mula sa hawak niya. Lumapit lang ako sa kotse ko at isinandal ko roon ang katawan kong matagal na
last updateLast Updated : 2022-10-17
Read more

Chapter 18

“What do you mean-”“Ahh, kakabitan na po ng sphygmomanometer si Eloise, doc. Check po muna natin ang blood pressure niya habang naghihintay na matapos ‘yong conference ni Doc sa loob,” pagpapalusot ni Kath tiyaka siya tumawag ng nurse na mag-a-assist doon sa mag-ina. While I crossed my arms around my chest after those two have left us, masama ang titig ko sa hangin. Pagkakataon ko na kasi para ibunyag sa nanay ni Eloise ang kagagahan na ginawa niya, e lintek naman kasi si Kath… umeksena pa.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Andeng?” Binalikan na ako agad ni Kath at hinila papalabas ng ospital. “Inisip mo man lang ba nang maigi kung ito na ‘yong perfect timing na ilaglag mo si Eloise sa nanay niya?”“Kailan ba ‘yong tamang panahon?” Tinaasan ko si Kath ng kilay. Huminto ako sa paglalakad. “Hindi ba karapatan malaman ng nanay ng malanding ‘yon ang ginawa niya sa akin? I end up suffering kasi siya ang pinili ng asawa ko kaysa sa amin ni Gian! Kunwari pa ang Eloise na ‘yon na natata
last updateLast Updated : 2022-10-18
Read more

Chapter 19

“Gian, ano ba ‘tong sinasabi mo sa akin?” naguguluhan kong tanong at iniharap ko sa akin ang anak ko. “Talaga bang… nakilala mo ang babaeng ‘yon-”“May duty ka kasi sa ospital no’ng may Family day sa school po namin, ‘di ba?” Hindi makatingin sa akin nang diretsyo si Gian. “Naiintindihan ko naman ko kung bakit hindi ka po makakapunta at makakasama sa amin ni Papa sa Family day. Pero… syempre, nalulungkot ako.”“Tapos nangyari na nga po… na nilapitan ako ni Tita Eloise at itinanong niya sa akin kung bakit daw po ako malungkot. E, ang mga kaklase ko po kasi ay parehong kasama ang mga magulang nila. Ako lang po ‘yong hindi. So, inalok po niya ako kung p’wede raw bang siya muna ‘yong magiging nanay ko… sa araw lang naman po na ‘yon.” “Edi nagkakilala po sila ni Papa nang dahil sa akin, ma…” Kinuskos ni Gian ang mga mata niya. “Noong araw pa lang po na ‘yon, nakahalata na ako na parang iba ‘yong paraan ng pagtingin ni Papa kay Tita Eloise. Hindi ko lang po sinabi sa iyo kasi ayokong mag-a
last updateLast Updated : 2022-10-19
Read more

Chapter 20

Hindi ako lubos na makapaniwala sa mga nalalaman ko. Makatotohanan kasi ang pictures na ipinakita ni Kath sa akin, although hindi ko nga pala naitanong kay Kath kung saan niya ‘yon nakuha… pero paniwalang-paniwala ako roon. Akala ko kasi talaga ay totoo.Ngunit hindi ko namamalayan na ang mundo nga naman pala ay teknolohiya na ang nagpapatakbo. Kayang-kayang i-manipulate ang katotohanan. Kayang pagmukhaing totoo ang hindi. “I wonder kung naitanong mo sa kaibigan mong doktor kung saan galing ang picture na ipinakita niya sa iyo,” dagdag na tugon ni Jazz kung kaya naman napabalik ang atensyon ko sa kanya. “We’ll never know… baka nga siya pa ang nag-edit no’n para sirain ang image ko sa iyo.” “Hindi ‘yon magagawa ni Kath,” pagtatanggol ko sa kaibigan ko. “Since college ay kaibigan ko na ang babaeng ‘yon, and never niya akong tinraydor. Especially now? Hindi na kami isip-bata para magsiraan.”“Suspetsya lang naman ang mayroon ako, Andrea. Kasi ako na ang nagsasabi sa iyo… idagdag pa na
last updateLast Updated : 2022-10-20
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status