" Sinungaling kang bata ka! " pabulong na sigaw niya sa akin habang dinuduro ako ng mga daliri niya.Sinampal na nga ako...dinuduro-duro pa ako….akala mo naman siya 'yung nagpapakain sa akin….may karma ka rin bwiset ka…Nanginginig ang buong katawan ko at maraming pawis na ang nagsituluan dahil sa sobrang kaba at galit na naramdaman ko.Gusto ko na siyang sagutin,isumbong o kahit ano pa man. Kaso natatakot ako na baka madamay itong pag-aaral ko. Ito pa naman 'yung pinaka-iisang makatutulong sa amin para maka-ahon sa hirap " Ano gusto mong palabasin kay Ma'am Lalaine,ha?! Na sinungaling ako?! Binabantaan kitang bata ka,ha?! Huwag kang gagawa ng isang bagay na ikakasira ko rito! Dahil sisiguraduhin kong madadamay 'yang pag-aaral mo at hindi ka makakapagtapos! " pagbabanta nito sa akin sabay pasok sa kaniyang sasakyan at umalis.Nang makita kong nakalabas na siya ng school. Agad akong naluha; Hindi ganoon karami dahil pinipigilan ko ito….. ayokong makita ni Chuchay na umiiyak amo dahil
Last Updated : 2022-08-08 Read more