DINNER NIGHT inaakala ni Klaire ay magkakasalo silang tatlo ni Claims at Luis sa mahabang hapag-kainan. Ngunit mukhang nagkamali siya, dahil ayon kay Nana Seselia ay umalis ito bandang hapon. Marahil ng nasa loob pa rin siya ng silid at nahihimbing sa pagtulog."Ang bilin ni master Luis ay mauna na kayong kumain, dahil baka gabihin daw siya ng pag-uwi," ani ng matandang kawani. Nang mapansin nito ang pananahimik niya."G-ganoon po ba, alam niyo ho ba kung saan siya nagpunta?" tanong niya."Naku! ija, iyan ang hindi ko masasagot. Wala siyang nasasabi," sagot naman ng matanda na naiiling."Okay po, salamat." Pilit na nginitian na lang ni Klaire ito. Nagpasintabi na rin si Seselia matapos na mailapag nito ang huling putahe sa gitna ng lamesa kung saan sila kumakain.Napabuntong-hininga naman si Klaire, lalo ng makita niyang napakaraming pagkain na nakahilera sa harapan nilang mag-ina.Sa totoo lang ay lalo siyang nawalan ng ganang kumain."Claims, gusto mo ba nito?" Tukoy ni Klaire sa i
Terakhir Diperbarui : 2023-03-22 Baca selengkapnya