SABAY ng nagpunta sa komedor sina Klaire at Luis. Naroon naman na naghihintay si Ramil na nakatayo sa may gilid."Magandang umaga Mang Ramil, sumabay na po kayong mag-agahan sa amin," aya ni Klaire dito."Huwag na ija, tapos na ako sa amin. Kailangan kong kausapin si Boss," sagot naman nito."Mauna na kayo kumain," tugon lang ng lalaki sa kanya.Naglakad na ito palabas kasama si Ramil, katulad ng sinabi ni Luis ay sinimulan na nilang kumain."May problema po ba Mama?" nagtatakang tanong ni Claims. Napansin yata nito ang pagka-lungkot sa kanyang mukha."Huwag mo na lang akong intindihin anak, sige na kumain ka na," sabi na lang ni Klaire sa bata na hindi na nangulit.Sinimulan na niya ang pagkain, sa totoo lang ay masama ang loob niya kay Thor. Siya ang kusang naghanda ng mga pagkain nila ngayon. Gusto niya itong surpresahin, ngunit lahat ng effort niya nabalewala.Dahil mukhang mas importante pa ang pag-uusapan nila ni Ramil kaysa sa makasama silang kumain nito.Mabagal siyang nakatap
Huling Na-update : 2022-09-14 Magbasa pa