"SIGURADO ka ba talaga, Mathis?" Tanong niya sa binata habang pinagmamasdan itong naghahanda ng hapunan.Tinignan lang siya saglit ng binata dahil abala pa ito sa lamesa. "Oo, sigurado ako. Habang wala pa ako, dito ko muna kayo iiwan sa San Martin. Ligtas kayo dito..."She sighed. Yan talaga si Mathis, hindi niya talaga magawang pigilan ito sa mga biglaang desisyon."Hali ka na, anak..." Kinaway naman ni Venus si Giselle nang makita itong pumasok sa kusina. Magulo ang buhok ng bata at mukhang kagigising lang nito. "How was your sleep?"Giselle smiled. "It's fine mom..."Nang matapos si Mathis sa ginagawa, kaagad silang kumain ng hapunan. Tahimik lang sila at hindi nagkikibuan na ipinagtataka naman ni Giselle. Pagkatapos nilang kumain, ang bata na ang nag-presentang maghugas ng mga plato kaya pumayag naman sila Venus at Mathis. Gusto din kasi ni Venus na makausap ang lalaki."Here..." Ibinigay niya sa lalaki ang susi ng flower shop niya nang makarating silang dalawa sa master's bedroom
Last Updated : 2022-08-08 Read more