Chapter 15Nagising na si Don Apollo makaraan ang isang linggong pagka-comatose. Hinanap niya agad si Amirah sa loob ng silid, ngunit tanging ang mga magulang lang ni Amirah at si Kristine ang nakabantay sa kaniya. Hindi mapagkakaila ang lungkot na namumuo sa kaniyang mga mata dahil umaasa siyang si Amirah ang una niyang masisilayan.“Hindi pa ba siya dumadating?” tanong ni Don Apollo habang pabalik-balik ang tingin nito sa pintuan. Hindi na mabilang kung ilang ulit na itong tinanong ni Don Apollo sa kanila. Naririndi na nga ang mag-ina dahil simula ng magising ito ay palagi na lang niyang bukambibig ang pangalan ng dalaga.“Dad, she’s busy right now, okay? Nag-iimpake siya ngayon ng mga gamit dahil ipinagbili ko na ang mansion mo dahil walang-wala na tayo. You can see her tomorrow. Hindi naman tatakbo itong hospital,” iritadong sabi ni Loraine bago ibinalik sa phone niya ang atensyon. Itinakwil man nila noon si Amirah noong unang dumalaw ito sa hospital, ngayon ay wala silang magaga
Huling Na-update : 2023-04-08 Magbasa pa