"Aaaaaaahhhh!!!" Tili ko. Pagkapasok na pagkapasok ko ng pintuan ng condo ko ay inilabas ko lahat ng tinitimpi kong inis sa office. Isinigaw ko ito ng malakas.Ngunit natigilan ako ng mapukaw ang atensyon ko ng isang mahinang tawa mula sa taong nakaupo sa couch ko."Let me guess..." Simula nito. Tiningnan ko lang siya ng masama bilang tugon. He just chuckled "Inasar ka ni Kristine, no?"I rolled my eyes at him.Padabog akong umupo sa tabi niya. Doon ko lamang napansin na may hawak siyang puting folder."Ano yan?" Usisa ko.Binuklat niya ang hawak na folder at itinuon doon ang atensyon."Base dito, Graduate ka ng Business Administration. Isa kang nerd nung college bago maikasal kay Adrian. Tahimik, mabait at kontrolado ang kilos at emosyon, blah! Blah! Blah! .." litanya niya.Nangunot ang noo ko."Pinaimbestigahan mo ko?" Tanong ko."Uh... yeah?" Painosenteng sagot naman ni Vince."For what?!""Listen, sweetheart, every girl has two sides. The first is nice, pretty, and sweet. The othe
Read more