All Chapters of Capturing Cinderella (Mafia Series #1): Chapter 11 - Chapter 20

40 Chapters

Chapter 10: Puzzled

Pagkatapos kong kumain ay naisipan ko munang manood ng TV. Habang umupo naman si Cole sa pang-isahang sofa at nakinood rin.Kahit na ang totoo ay gustong-gusto kong malaman ang lagay ni Stephen at gamutin ang sugat niya.Pero pilit kong pinigilan ang sarili. Wala dapat akong pakielam sa kanya. Kung gusto niya magpakamatay, bahala siya sa buhay niya. Pabor pa nga sa ‘kin ‘yon kapag nagkataon.“Gaano katagal ka ng nagtatrabaho kay Stephen?” tanong ko kay Cole, habang nakatuon ang mga mata ko sa TV.Kung tutuusin ay wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko dahil kung saan-saan naman lumilipad ang isip ko.I saw he smiled from my peripheral view.“Ang totoo po niyan ay bata pa lamang ako ng mapunta sa poder ng mga Anderson. Nakita lang nila akong pagala-gala sa kalsada noon. Tumakas kasi ako sa bahay ampunan na kinalakihan ko, dahil hindi ko kasundo ang ibang mga bata na nandoon.”Narinig ko ang lalim ng kanyang paghinga.“Kinupkop nila ako. Inalagaan, binihisan, pinag-aral at binig
last updateLast Updated : 2022-09-16
Read more

Chapter 11: Ambushed

Dalawang linggo na kong nakakulong dito sa loob ng mansyon. Kung hindi ang mga katulong ay ang mga halaman ang madalas na kinakausap ko. Pakiramdam ko tuloy ay mamamatay at mababaliw na ko sa sobrang pagka-bored.Idagdag pa pala si Cole na palaging nakabuntot sa 'kin. 'Yon nga lang ay bihira ko lang siya makausap ng matino. Hindi kasi siya nauubusan ng lame and corny jokes. Puro kalokohan pa ang madalas na lumalabas na salita mula sa bibig niya. Which I found unusual for a bodyguard.Ewan. Siguro dahil kapag narinig ko ang salitang 'yon, ang unang pumapasok sa isip ko ay isang taong seryoso at nakaka-intimidate ang aura.But with Cole, everything is just cool. Kahit papaano ay napapagaan niya ang loob ko.Sila Mads naman ay ilang beses na rin akong nadalaw rito. Pero dahil may mga nakabantay sa paligid, lalo na si Cole ay hindi rin ako kumportable na makipag-usap sa kanila ng maayos. Mukhang sanay na rin naman sila sa dami ng tauhan na nakakalat sa buong mansyon.I tried to grab the o
last updateLast Updated : 2022-10-01
Read more

Chapter 12: Who Am I?

"Just let me see her! You dumbass!""She's still resting! So, will you just shut your fucking mouth? You might wake her up!""I don't care! Besides, you still have a lot of explaining to do. What the hell happened? You promised us that you won't endanger her!"Nagising ako nang dahil sa malakas na sigawan na naririnig ko mula sa kung saan. Hindi ko na lang sana ito papansinin nang bigla kong mapagtanto na pamilyar sa 'kin ang dalawang boses na nagtatalo."Things happened. Alam mong kahit anong ingat ang gawin ko, nandiyan lang sila sa paligid at naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.""Alam ko at binalaan na kita dati pa tungkol sa bagay na 'yon. Pero hindi ka pa rin nakinig. Kaya babawiin ko na siya!""No! I won't let you!"Dahil rinding-rindi na ako sa ingay na naririnig ay tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata. Ilang beses ko muna itong ikinurap dahil sa nanlalabo pa ang aking paningin. Hanggang sa unti-unti ng naging malinaw at pamilyar ang paligid.Dahan-dahan akong
last updateLast Updated : 2022-10-01
Read more

Chapter 13: Allies

Stephen's POVMabilis akong bumaba pagkahinto ko ng sasakyan sa tapat ng headquarters. Agad kong napansin ang iilan pang mga sasakyan na magkakatabing nakaparada sa isang tabi.Inayos ko ang suot na polo bago nagsimulang maglakad. Binati naman ako ng mga nagkalat na bantay sa paligid."Good evening, Sir!"Tinanguan ko lang sila bago dumiretso sa loob ng isang bahay na bungalow. Naabutan ko roon ang ilan sa mga tauhan ko na mukhang kanina pa inaasahan ang aking pagdating.Mabilis nilang binuksan ang pinto na nasa sahig, kung saan ay mayroong hagdan pababa. Nang makababa ay bumungad sa 'kin ang stainless steel door na bubukas lamang sa oras na ma-recognize ka ng eye sensor security na nasa tabi lamang nito.Itinapat ko ang kanang mata ko rito. Hindi nagtagal ay lumabas ang salitang "Access Granted" sa screen, bago dahan-dahang bumukas ang pinto.Sinalubong ako ng malakas na ingay pagkapasok. Napamaang ako nang makita silang nagkukulitan at nagbabatuhan ng kung ano-ano.I shook my head.
last updateLast Updated : 2022-10-01
Read more

Chapter 14: Assault

Third Person's POVMalamig ang simoy ng hangin. Tahimik at madilim ang paligid. Tanging ang paglagaslas lamang ng dahon ang maririnig.Sa di kalayuan ay hindi mo agad mapapansin na mayroong isang grupo ng mga tao na kanina pa nagmamasid sa isang lumang bodega."Stephen, hindi pa ba tayo aatake? Kating-kati na 'yong kamao ko sumuntok, eh," himutok ni Ashter sa isang tabi habang nakabusangot ang mukha na nakatunghay sa gusali, na ilang metro lamang ang layo mula sa pinagtataguan nila.Hindi umimik si Stephen sa tanong ng kaibigan. Dahil kahit hindi niya ito sagutin ay alam naman nito ang sagot sa sariling tanong. Sadyang naiinip lang ito.Napailing siya at tahimik na lamang na pinagmasdan ang nagkalat niyang mga tauhan at mga kaibigan, pati na rin ang iilang mga tauhan ng mga ito habang nakasandal sa hood ng kanyang kotse. Cole is not with them right now, as well as their other men. Pinaiwan niya ang mga ito sa mansyon para bantayan ang kanyang asawa.The security of the mansion is undou
last updateLast Updated : 2022-10-02
Read more

Chapter 15: Push and Pull

"Ano ba kasi 'yong bagay na matagal ng hinahanap ni Stephen? Ang labo naman niya, eh! Ako 'yong best friend niya, pero 'yong kutong lupa na 'yon ang kasama niya!"Napailing na lamang si Shantel nang muling salinan ni Ashter ng alak ang baso nitong kauubos lamang ng laman.Hindi na niya mabilang kung nakailang baso o bote na ba ito. Nagtatampo kasi ang loko dahil hindi ito ang isinama ni Stephen sa lakad nito.Sa totoo lang maging siya ay nahihiwagaan sa kung ano ba ang matagal ng hinahanap ng kaibigan. Sadyang may mga bagay talagang nilalakad si Stephen na hindi nila alam.Pero wala sila sa lugar para magtampo. Dahil nasisiguro niya na mayroon itong malalim na dahilan kung bakit nito inililihim ang tungkol sa bagay na 'yon."Ang ingay mo naman, Kuya! Para kang babaeng ngawa ng ngawa riyan," reklamo naman ng nakababatang kapatid ni Ashter na si Rhyz.Napailing ito sabay salpak ng earphones sa magkabilang tainga bago naghalungkat ng kung ano sa cellphone nito.The two of them may have t
last updateLast Updated : 2022-10-02
Read more

Chapter 16: Unspoken Feelings

Stephen's POV"Sinabi ko naman kasi sa 'yo. Wala tayong mapapala rito. Tingin mo ba ay basta-basta lang niya ibibigay ang bagay na 'yon sa kung sino?"Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at ang naiirita niyang mukha ang agad na bumungad sa 'kin."Pero hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko mismo na hawak ng matandang Romero ang bagay na 'yon no'ng isang araw na minanmanan namin siya. Saka ginamit din niya 'yon para mapasunod sa mga plano niya ang iba pang miyembro ng organisasyon."Napakamot siya sa batok. "Siguro nga ay nasa kanya 'yon no'ng panahon na nakita mo siya. Pero nasisiguro ko na wala na 'yon sa kanya bago pa man kami sumugod rito kanina. Malaki ang posibilidad na iba-iba ang pinapahawak niya ng bagay na 'yon. Para na rin hindi ito direktang mag-lead sa kanya."Malalim akong napabuntong hininga. Naisip ko na rin naman ang tungkol do'n. Kaya lang ay hindi ko pa rin naiwasan ang umasa. Saka may isa pa kong dahilan kung bakit ako pumunta ri
last updateLast Updated : 2022-10-02
Read more

Chapter 17: Breathe

Nathalia's POVNagising ako nang dahil sa samot saring mga boses na tila nagtatalo. Pilit ko sana itong iignorahin dahil inaantok pa ko, pero palakas naman ng palakas ang kanilang mga boses.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung sinu-sino ba ang mga ito na kay aga kung manggulo. Ngunit halos mapatalon ako sa kinahihigaan ko nang bumungad sa 'king paningin ang isang lalaking nakamaskara. Napahawak pa ko sa kanang dibdib ko nang dahil sa kaba."Good morning, Thalia!" Inalis ng lalaki ang suot na maskara at ang nakangising mukha ni Harold ang bumungad mula ro'n.Napakurap ako. Hindi makapaniwala na kaharap ko ngayon ang isa sa mga kaibigan ko.Nang makabawi sa pagkabigla ay naiinis na pinaghahampas ko siya ng unan."Wag mo naman akong gugulatin ng gano'n! Paano na lang kung may problema ako sa puso?" Sinamaan ko siya ng tingin.Tatawa-tawang itinaas niya ang dalawang kamay. "Chill. Alam ko naman kasing healthy ang puso mo."Napailing na lang ako. Puro talaga kalok
last updateLast Updated : 2022-10-04
Read more

Chapter 18: The Dream, Truth and Dare

Tahimik kong sinasagutan ang isang take home activity namin sa school, nang bigla akong mabulabog sa marahas na pagbukas ni Mama ng pinto ng kuwarto ko."Ma?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Dumiretso siya sa cabinet ko at basta na lamang kumuha ng mga damit ko roon, bago hinila ang isang maleta at inihiga ito sa kama."Anong ginagawa mo, Ma?" nagtataka kong tanong sa kanya ng makalapit."Aalis tayo." Mababakasan ng pagkataranta ang kanyang boses.Kumunot ang noo ko. Wala kasi akong matandaan na lakad namin ngayong araw. Isa pa ay gabi na."Saan po tayo pupunta?" Sinusundan ko lamang ng tingin ang basta na lamang niyang pagsasalansan ng mga gamit ko.Saglit siyang tumigil sa ginagawa para harapin ako. Nagulat pa ko nang mahigpit niyang hawakan ang magkabila kong balikat."Nathalia, listen to what Mama will say, okay?"Napatango na lang ako. Still clueless of what's happening.Malalim siyang napabuntong hininga bago nagsalita. "We need to get out of here as soon as possi
last updateLast Updated : 2022-10-04
Read more

Chapter 19: Hide and Seek

Tatlong araw na ang lumipas magmula ng pumunta kami sa private resort ng pamilya ni Stephen. Pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng naging sagot niya sa tinanong ko sa kanya."Kasi mahal kita."Malalim akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ko gising pero hanggang ngayon ay hindi ko magawang kumilos para bumangon.Pagkatapos niyang sumagot ng gabing 'yon ay dali-dali siyang tumayo at umalis. Hindi na namin nagawang tapusin pa ang laro at tahimik na bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming mga kuwarto. Hanggang sa naging biyahe namin pauwi ay wala ng salita na namagitan sa bawat isa sa 'min. Hindi ko na tuloy nagawang komprontahin sina Damon at Mads nang dahil sa mga nakakalokang tanong na ibinato sa kanila nina Harold at Albert.Magmula ng araw na 'yon ay tuluyan na kong hindi kinibo ni Stephen. Magkasama nga kami sa iisang bahay at magkatabi sa iisang kama. Pero pakiramdam ko ay wala naman siya.I should be happy. Dahil bukod sa hindi na niya ko k
last updateLast Updated : 2022-10-04
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status