Third Person's POVMalamig ang simoy ng hangin. Tahimik at madilim ang paligid. Tanging ang paglagaslas lamang ng dahon ang maririnig.Sa di kalayuan ay hindi mo agad mapapansin na mayroong isang grupo ng mga tao na kanina pa nagmamasid sa isang lumang bodega."Stephen, hindi pa ba tayo aatake? Kating-kati na 'yong kamao ko sumuntok, eh," himutok ni Ashter sa isang tabi habang nakabusangot ang mukha na nakatunghay sa gusali, na ilang metro lamang ang layo mula sa pinagtataguan nila.Hindi umimik si Stephen sa tanong ng kaibigan. Dahil kahit hindi niya ito sagutin ay alam naman nito ang sagot sa sariling tanong. Sadyang naiinip lang ito.Napailing siya at tahimik na lamang na pinagmasdan ang nagkalat niyang mga tauhan at mga kaibigan, pati na rin ang iilang mga tauhan ng mga ito habang nakasandal sa hood ng kanyang kotse. Cole is not with them right now, as well as their other men. Pinaiwan niya ang mga ito sa mansyon para bantayan ang kanyang asawa.The security of the mansion is undou
"Ano ba kasi 'yong bagay na matagal ng hinahanap ni Stephen? Ang labo naman niya, eh! Ako 'yong best friend niya, pero 'yong kutong lupa na 'yon ang kasama niya!"Napailing na lamang si Shantel nang muling salinan ni Ashter ng alak ang baso nitong kauubos lamang ng laman.Hindi na niya mabilang kung nakailang baso o bote na ba ito. Nagtatampo kasi ang loko dahil hindi ito ang isinama ni Stephen sa lakad nito.Sa totoo lang maging siya ay nahihiwagaan sa kung ano ba ang matagal ng hinahanap ng kaibigan. Sadyang may mga bagay talagang nilalakad si Stephen na hindi nila alam.Pero wala sila sa lugar para magtampo. Dahil nasisiguro niya na mayroon itong malalim na dahilan kung bakit nito inililihim ang tungkol sa bagay na 'yon."Ang ingay mo naman, Kuya! Para kang babaeng ngawa ng ngawa riyan," reklamo naman ng nakababatang kapatid ni Ashter na si Rhyz.Napailing ito sabay salpak ng earphones sa magkabilang tainga bago naghalungkat ng kung ano sa cellphone nito.The two of them may have t
Stephen's POV"Sinabi ko naman kasi sa 'yo. Wala tayong mapapala rito. Tingin mo ba ay basta-basta lang niya ibibigay ang bagay na 'yon sa kung sino?"Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at ang naiirita niyang mukha ang agad na bumungad sa 'kin."Pero hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko mismo na hawak ng matandang Romero ang bagay na 'yon no'ng isang araw na minanmanan namin siya. Saka ginamit din niya 'yon para mapasunod sa mga plano niya ang iba pang miyembro ng organisasyon."Napakamot siya sa batok. "Siguro nga ay nasa kanya 'yon no'ng panahon na nakita mo siya. Pero nasisiguro ko na wala na 'yon sa kanya bago pa man kami sumugod rito kanina. Malaki ang posibilidad na iba-iba ang pinapahawak niya ng bagay na 'yon. Para na rin hindi ito direktang mag-lead sa kanya."Malalim akong napabuntong hininga. Naisip ko na rin naman ang tungkol do'n. Kaya lang ay hindi ko pa rin naiwasan ang umasa. Saka may isa pa kong dahilan kung bakit ako pumunta ri
Nathalia's POVNagising ako nang dahil sa samot saring mga boses na tila nagtatalo. Pilit ko sana itong iignorahin dahil inaantok pa ko, pero palakas naman ng palakas ang kanilang mga boses.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung sinu-sino ba ang mga ito na kay aga kung manggulo. Ngunit halos mapatalon ako sa kinahihigaan ko nang bumungad sa 'king paningin ang isang lalaking nakamaskara. Napahawak pa ko sa kanang dibdib ko nang dahil sa kaba."Good morning, Thalia!" Inalis ng lalaki ang suot na maskara at ang nakangising mukha ni Harold ang bumungad mula ro'n.Napakurap ako. Hindi makapaniwala na kaharap ko ngayon ang isa sa mga kaibigan ko.Nang makabawi sa pagkabigla ay naiinis na pinaghahampas ko siya ng unan."Wag mo naman akong gugulatin ng gano'n! Paano na lang kung may problema ako sa puso?" Sinamaan ko siya ng tingin.Tatawa-tawang itinaas niya ang dalawang kamay. "Chill. Alam ko naman kasing healthy ang puso mo."Napailing na lang ako. Puro talaga kalok
Tahimik kong sinasagutan ang isang take home activity namin sa school, nang bigla akong mabulabog sa marahas na pagbukas ni Mama ng pinto ng kuwarto ko."Ma?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Dumiretso siya sa cabinet ko at basta na lamang kumuha ng mga damit ko roon, bago hinila ang isang maleta at inihiga ito sa kama."Anong ginagawa mo, Ma?" nagtataka kong tanong sa kanya ng makalapit."Aalis tayo." Mababakasan ng pagkataranta ang kanyang boses.Kumunot ang noo ko. Wala kasi akong matandaan na lakad namin ngayong araw. Isa pa ay gabi na."Saan po tayo pupunta?" Sinusundan ko lamang ng tingin ang basta na lamang niyang pagsasalansan ng mga gamit ko.Saglit siyang tumigil sa ginagawa para harapin ako. Nagulat pa ko nang mahigpit niyang hawakan ang magkabila kong balikat."Nathalia, listen to what Mama will say, okay?"Napatango na lang ako. Still clueless of what's happening.Malalim siyang napabuntong hininga bago nagsalita. "We need to get out of here as soon as possi
Tatlong araw na ang lumipas magmula ng pumunta kami sa private resort ng pamilya ni Stephen. Pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng naging sagot niya sa tinanong ko sa kanya."Kasi mahal kita."Malalim akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ko gising pero hanggang ngayon ay hindi ko magawang kumilos para bumangon.Pagkatapos niyang sumagot ng gabing 'yon ay dali-dali siyang tumayo at umalis. Hindi na namin nagawang tapusin pa ang laro at tahimik na bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming mga kuwarto. Hanggang sa naging biyahe namin pauwi ay wala ng salita na namagitan sa bawat isa sa 'min. Hindi ko na tuloy nagawang komprontahin sina Damon at Mads nang dahil sa mga nakakalokang tanong na ibinato sa kanila nina Harold at Albert.Magmula ng araw na 'yon ay tuluyan na kong hindi kinibo ni Stephen. Magkasama nga kami sa iisang bahay at magkatabi sa iisang kama. Pero pakiramdam ko ay wala naman siya.I should be happy. Dahil bukod sa hindi na niya ko k
Napabuntong hininga ko habang nakatitig sa puting envelope na naglalaman ng imbitasyon galing sa kaibigan ni Stephen na si Oliver Garcia. Katatapos ko lang itong basahin at imbitado kaming dalawa ni Stephen para sa gaganapin na charity ball na inasikaso mismo ng kanilang pamilya sa isang hotel.Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. The charity ball's purpose is to help the street children and the oldies from the home of the aged.But as what Stephen has told me, most of the attendees are members of the underground society.With that, I can't help but to think if that event is just a front for their illegal activities.Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Stephen. Kumunot ang noo ko nang mapansin na mayroon siyang dala-dala na dalawang malaking box."Wear this for the event later. I'll just wait for you outside. Just be prepared within an hour.""Kailangan ko ba talagang sumama ro'n?" tanong ko sa kanya bago pa man siya
Masakit ang ulo at mga mata ko nang magising kinabukasan. Halos hindi kasi ako nakatulog nang dahil sa sinabi ni Stephen kagabi. Mabuti na lang at maaga siyang umalis ngayon. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ba siya haharapin.Natatakot ako na baka traydurin ako ng sarili kong puso. Dahil sa bawat araw na dumaraan, pakiramdam ko ay unti-unti na 'tong lumalambot at nahuhulog.That can't be.Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makauwi kami kagabi. Pero hawak-hawak niya ang kamay ko buong biyahe, habang ang isa naman niyang kamay ay nagmamaneho. Gustuhin ko mang alisin 'yon ay hindi ko naman nagawa. Kahit anong tanggi ko naman kasi ay alam ko sa sarili ko na magaan sa pakiramdam ang gano'ng simpleng gesture niya.It almost made me forget that the man beside me is my kidnapper. How I wish that we met in a different circumstances.Humihikab na bumaba ko ng hagdan. Pormal naman akong binati ng ilang tauhan ni Stephen na nakasalubong ko.Ngiti at tango lang ang naging tug
After 5 years...I woke up with the feeling of someone caressing my bare shoulder. Slowly, I opened my eyes and the smiling face of my husband came into view.What a wonderful sight."Good morning, my wife," he greeted, then kissed my forehead.Agad naman akong napangiti at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi."Good morning, my hubby. What time is it?" Napatingin ako sa labas ng bintana na nasa kanyang likuran. Tila kasisikat pa lang ng araw."It's just six o'clock in the morning, and the last time I check, Nathan is still sleeping." He grinned.Napataas ako ng kilay. "So?"Napasinghap naman ako nang bigla na lang siyang umibabaw sa 'kin."It means, we can have a one round." He winked.Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "What the—"Before I could even utter a protest, his lips locked into mine. Napapikit na lang ako at ninamnam ang lambot ng mga labi niyang nakalapat sa 'kin.Agad na lumapat naman ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na p
Nathalia's POVHindi mawala-wala ang ngiti sa 'king mga labi, habang matamang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng malapad na salamin.Malalim akong napabuntong hininga. Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang magtatapos sa araw na 'to.Pero kasabay no'n ay ang pagsisimula ng panibagong paglalakbay na kailangan kong tahakin at responsibilidad na kailangan kong pasanin."Are you ready?"Napaangat ang tingin ko kay Mama na kasalukuyang nakatayo sa likod ko at masuyong humawak sa magkabila kong balikat.Napatango naman ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "I am, Ma. You know how much I have been waiting for this moment."Napangiti naman siya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Let's go."Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon, bago tumayo at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.Pagkababa ay naabutan naming naghihintay sina Papa at Stephen sa sala. Hindi ko naiwasan ang mapailing nang mapansin na nandoon din sina Shantel at ang iba pa.Saba
NATHALIA WAS busy contemplating her thoughts on how she will be able to escape the room where she's into when suddenly, the door in front of her opened.Napaangat siya ng tingin at agad na umusbong ang galit sa kanyang puso nang tumambad sa kanyang paningin si Cole."You traitor! How dare you!"Napakuyom siya ng kamao, bago dali-daling bumaba sa kama at sinugod 'to. Hindi niya ininda ang pananakit ng kanyang katawan. Sunod-sunod na sampal ang kanyang pinakawalan sa mukha nitong hindi man lang makikitaan ni katiting na emosyon.Hanggang sa mabilis nitong nahuli ang kanyang dalawang kamay at marahas na itinulak siya, dahilan para mapahiga siya sa kama. Masama ang tinging ipinukol niya rito."Paano mo nagawa 'to sa 'min? Lalong-lalo na kay Stephen? You grew up staying beside him all the time. You've been with them for how many years. They're your friends and no matter how much—""Your husband killed my father, and because of your parents, my mother has been killed in a mission as well."
Third Person's POVKASALUKUYANG naghahabulan at nagtatayaan ang limang taong gulang na si Nathalia kasama ang matalik niyang kaibigan na si Aries sa hardin ng kanilang mansyon. The two of them were inseparable ever since the day they both started to talk and walk. Halos araw-araw na magkasama ang dalawa at bukod sa pagiging kaibigan ay nagsilbi ring bodyguard ni Nathalia si Aries."Nathalia."Natigilan si Nathalia sa pagtakbo at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang marinig ang baritonong boses ng kanyang ama na si Don Gray Fuentes. Habang si Aries naman ay bahagyang lumayo at natahimik sa isang tabi.Nakangiti rin ang ama na lumapit sa kanya."My business partners were here together with their children. That's why I want you to meet them and I hope that you can be friends with them." Marahan nitong pinisil ang kanyang ilong.Nagningning naman ang mga mata ni Nathalia nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. Suddenly, she feels excited. Tahimik niyang inasam na sana nga ay makasundo n
Stephen's POVDamn this piece of shits! Gaano ba karami ang mga galamay ni Aries?Mabilis na iniiwas ko ang kotse nang mapansin na sa 'kin nakaumang ang baril ng dalawa sa nakasakay sa isang puting van. I can send them all in hell right now if I fucking want to. But I shouldn't waste any single minute of my time just by dealing with them.I need to see my wife as soon as possible. That's all that matter to me right now.Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan ang head ng mga mafia guards na kasama ko ngayon."Clear my way and back me up. Make sure to kill all those motherfuckers!""Yes, Sir!"Pinatay ko na ang tawag at itinapon ang phone ko sa dashboard. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang mapansin na isa-isang pinapatumba ng mga tauhan ko ang kalaban sa unahan. Nang sa wakas ay tuluyan na silang naubos ay agad na pinaharurot ko ang sasakyan.Napasulyap ako sa side mirror at nakitang mabilis namang nakasunod ang mga kaibigan ko sa 'kin. Habang ang mga tauhan namin ay tuluyan ng
Nathalia's POVAlam ko na darating din ang panahon na muli kaming magkikita ni Aries. Pero hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang landas namin sa ganitong paraan.Nalipat ang atensyon ko kay Cole nang bigla siyang bumaba ng kotse at mabilis na umikot patungo sa puwesto ko. Binuksan niya ang pinto at marahas na hinawakan ako sa braso, bago kinaladkad palabas ng kotse.Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang napaangat ako ng tingin sa kanya. This is not the Cole that I used to know.The Cole I know is sweet, caring and gentle. Mahilig siyang mag-joke kahit corny at kumanta kahit wala sa tono ang boses niya."C-Cole, ano bang nang—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Aries."Oh, come on! Big brother! You don't have to be so harsh on her." Napailing siya bago pinalungkot ang mukha nang mapatingin sa 'kin.Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Gulat na pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa."B-Big brother? W-What did he mean—"Malamig ang tin
HINDI PA RIN makapaniwala si Nathalia sa litrato na kanyang nakita. Kaya naman ay muli niyang kinuha ang nahulog na photo album at sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato na naroon.Pakiramdam niya ay pangangapusin siya ng hininga nang makitang kasama siya sa lahat ng mga kuha. Hindi man niya maalala ang mga batang kasama niya ro'n ay natitiyak niyang si Stephen at ang mga kaibigan nito 'yon.Nakagat na lang niya ang ibabang labi, lalo na nang mapansin na kasama rin nila ro'n ang batang sina Mads, Damon, Harold at Albert. Minsan na siyang napapunta sa bahay na tinutuluyan ng mga 'to at nakita ang ilan sa mga larawan nila mula pagkabata. Kaya naman ay hindi siya maaaring magkamali.'What the hell? Ano ang kinalaman nila sa nakaraang hindi ko maalala?' tahimik na tanong niya sa isip.Napakurap siya at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang isinara ang photo album at mahigpit 'tong hinawakan.She needs to hide this
Third Person's POVMAHINANG NAPAMURA sina Ace at Shantel nang sa pagdating nila sa mansyon na pakay ay sinalubong sila ng mga nagkalat na bangkay sa labas nito."What the hell just happened here?" hindi makapaniwalang bulalas ni Shantel."Mukhang may nauna ng nagpunta rito at katulad ng pakay niya ang sa 'tin." Sinenyasan ni Ace ang mga tauhan na palibutan ang buong mansyon."Suriin n'yong maigi ang paligid maging ang mga bangkay. Baka mayroon pa sa kanilang nakatakas o buhay pa."Tinanguan siya ng mga tauhan, bago mabilis na naghiwa-hiwalay. Habang si Shantel naman ay inutusan ang mga tauhan na tingnan ang mapuno at masukal na parte. Mahirap na at baka mayroon pang nagmamatyag na kalaban sa paligid.Nang magkanya-kanya na ng puwesto ang mga 'to ay dahan-dahan ng pumasok sina Ace at Shantel sa loob ng mansyon. Iniumang nila ang mga hawak na baril at alerto na inilibot ang tingin.Maging ang loob ng mansyon ay puno rin ng nagkalat na bangkay. Halos hindi na nila mawari ang amoy nang da
Halos tatlumpung minuto na rin ang nakalilipas magmula ng makauwi ako sa mansyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko."Ouch! Dahan-dahan naman! Ako na nga lang kasi, eh."Pilit na inaagaw ni Mads ang bimpong hawak ni Damon na mayroong yelo. Dinadampian kasi nito ang pasa niya sa mukha.Hindi ko naiwasan ang mapangiwi. I felt bad for what happened to Mads. Nabangasan tuloy ang makinis niyang mukha. Kung alam ko lang na siya ang nasa likod ng maskara na 'yon ay naglakas loob na sana kong sumugod bago pa siya masuntok."No. Just stay still. Wag ka kasing malikot," maawtoridad na sabi ni Damon bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina. No'ng unang beses na nakita niya ang nangyari kay Mads. Kahit bagsak na ang kalaban nang dahil sa ginawa kong pagpukpok dito ng bato ay hindi niya pa rin 'to tinantanan ng sipa at suntok hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.It's