RENATA “ANG ganda mo naman sa suot mong iyan, Renata. Para kang anghel.” Ito ang naging komento ni Aling Josefina nang bumili ako ng tinapay mula sa kanyang bakery. Ito na lang ang magsisilbing almusal ko sapagkat hindi ko na magawang magluto pa, mahuhuli na ako sa pupuntahan kong kasal. Kailangan kong dumalo sa kasal ng kaibigan kong si Aurelia, matalik at matagal ko na siyan kaibigan simula pa nang kami ay nasa kolehiyo kaya’t hindi maaaring wala ako sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang buhay. “Binobola mo na naman po ako, Aling Sofing,” naiilang kong sabad sa komento ni Aling Josefina. “Hindi hija. Maganda ka talaga. Ewan ko nga ba sa anak ko at ayaw kang ligawan, baka raw ma-busted mo lang siya.” Saka niya inabot sa akin ang supot ng pandesal. Wala naman akong alam na maari kong isagot sa kanya kaya’t ang simpleng ngiti ko lang ang nagtapos sa aming pag-uusap bago ako umalis. Halos nasa tatlumpung metro ang layo ng kanto sa tinitirhan kong bahay. Pag-aari ito ng ak
Last Updated : 2022-07-21 Read more