FIVE SENSESCHAPTER 1: THAT GUY, THAT GIRLISANG malakas na sampal ang bumungad kay Andy nang makauwi siya mula sa Hospital. Mula ito sa galit niyang tiyahin na kamakailan lang ay pinalayas siya. Narito siya sa bahay nito dahil dito siya inihatid ng mga pulis matapos malaman na nagnakaw siya sa mini market."Wala ka talagang ginawang maganda?! Pinalayas na kita 'di ba? Bakit ka pa bumalik?!" nagpupuyos sa galit na wika nito.Yumuko siya bago sumagot."Dito ako hinatid eh, sisihin mo yung mga pulis." walang emosyon na wika niya.Dahil sa pagsagot ay muli siyang sinampal ng babae."Talagang kumapal na ang mukha mo at nakakasagot ka na. Ayan ba ang natutunan mo sa Paaralan niyo?""Oo. Tinuruan kaming sumagot sa school. Kapag hindi ako sumagot, babagsak ako." seryosong wika niya.Mas namula ang mukha ng tiyahin niya at hinila ang kanyang buhok."Kung ganoon, doon ka sa school mo manirahan. Huwag ka ng babalik dito!"Tinulak siya nito ng malakas kaya napaupo siya sa kalsada kasabay ang pag
Last Updated : 2022-07-18 Read more