FIVE SENSES
CHAPTER 2: DEAL"Hindi mo ako mapipilit."Ilang libong beses niya ng sinabi kay Kino ang pagtanggi ngunit ayaw siyang tigilan. Hindi tuloy matapos ni Andy ang mga ginagawa niyang proyekto dahil nahihimatay siya sa tuwing may multo na inuutusan si Kino para guluhin siya, dahilan para mahimatay.Pinaglapat ni Kino ang kanyang mga labi bago tumingin sa paligid."Bakit ba ayaw mo?""Kasi ayaw ko. Simple. Ilang linggo mo na akong ginugulo, hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako, hindi ako magsasawang tanggihan ka." sagot niya sa tanong nito.Akala niya ay lulubayan na siya nito ngunit naalarma siya ng may maramdaman siya na kasama nito."Are you blackmailing me?" kunot-noo na tanong ni Andy ng masiguro na may multo itong kasama.Ngumisi si Kino."If that's what you call that, yes. I'm blackmailing you. Kailangan ko na kasi ng bagong miyembro dahil nireport na ako ni Demonyo sa SSG.""Sinong demonyo?"Umiling si Kino."He's a manipulative student detective who wants to eliminate the Paranormal Club. Makikilala mo siya kapag sumali ka sa akin.""Na hindi mangyayari." dugtong ni Andy na ikinalungkot ni Kino."Gusto mo ba talagang umabot tayo sa santong himatayan?"Napalunok ng ilang beses si Andy. Alam niyang wala siyang takas kapag nakalapit na ang mga multong alipores ni Kino.Huminga siya ng malalim bago muling tumingin dito."Okay, papayag na ako.. Sa tatlong kondisyon.""What? Tatlo? Ang dami naman." reklamo ni Kino."Kung ayaw mo, edi tatanggihan ko na lang.""Fine. Spill it." pagsuko ng binata.Ngumiti na parang aso si Andy."Una, ikaw ang magiging mata ko.""Bakit bulag ka ba?" pamimilosopo ni Kino na ikinasama ng tingin ni Andy.Tumaas ang mga kilay ni Kino."What do you mean?""Ikaw ang magiging mata ko kung may multong umaaligid sa akin.""So, kailangan kita bantayan bente-kwatro oras? Ano ako, reporter?"Umiling si Andy bago sinuntok sa braso si Kino."No. I want you to help me on how I will know if someone is going inside my one-meter perimeter. Hanggat wala ka pang solusyon sa problema ko. Kailangan mo akong bantayan, oras-oras." paliwanag ni Andy."Bakit?""Kasi napapagod na ako maging abnormal sa paningin ng lahat. 'Yung oras ng mga school activities tapos bigla kang magpa-passed out. Akala nila sinasadya ko lang gawin iyon kaya hinahayaan nila ang katawan ko sa isang tabi, bihira lang ako makakita ng may pakielam." malungkot na kwento ni Andy.Nakaramdam ng lungkot si Kino sa narinig dahil alam niya ang pakiramdan na husgahan dahil sa abilidad na kakaiba."The second one is, kailangan ko ng trabaho.""What? Trabaho? Para saan?" naguguluhang tanong ni Kino. "You're an underage, hindi tayo makakahanap."Napakagat ng labi si Andy."Kaya nga gusto ko sanang i-apply mo ako sa inyo. Kahit katulong?"Napaawang ang bibig ni Kino."Seryoso ka?"Tumango si Andy."W-wala kasi akong bahay at wala rin akong pera na pagkukuhaan ng mga gastusin ko." paliwanag niya.Tumango si Kino."So, kung wala kang bahay.. Saan ka natutulog?""Weh? Dito ka natutulog?" hindi makapaniwalang tanong ni Kino ng dalhin siya ni Andy sa bus stop.Tumango si Andy."Okay. Sasabihin ko kaagad sa mga magulang ko na ipasok ka bilang yaya ko." nakangiting wika ni Kino bago tumingin kay Andy."Salamat.""So, ano yung panghuli para maging member na kita?" tanong ni Kino."Ahm, tsaka ko na lang sasabihin kapag nakaisip na ako ng pangatlo."Tumaas ang kilay ni Kino."Nireserba ko lang yung pangatlo dahil hindi ko pa kailangan ngayon." sagot muli ni Andy.Tumango si Kino bago ngumiti at ini-offer ang kamay para sa handshake."So, it's a deal? You're an official member of the Paranormal Club now."Tumango si Andy bago tanggapin ang kamay."Yes, it's a deal."Mabilis rin nilang inagaw ang kamay ng isa't-isa."Paano na yung utang na loob na sinasabi mo nung nakaraan?" biglang tanong ni Kino."Ahm, edi sabihin mo na rin para makabayad na ako." tugon ni Andy.Umiling si Kino."Sa susunod na lang rin para parehas tayo na magsisingilan."Pareho silang natawa."Nga pala, sino 'yung mga kaluluwa na ginagamit mo para guluhin ako?" napayakap sa sarili si Andy."Baka hanggang dito ay sinundan ka nila."Mahinang tumawa si Kino."Sila 'yung mga natulungan ko na kaluluwa.""Paano mo sila natulungan? 'Di ba hindi mo sila naririnig?" naguguluhang tanong ni Andy."Oo. Pero nararamdaman ko ang mga hinaing nila 'gaya ng tulungan ang pamilya nila o kaya ay sabihin sa pamilya nila na nasa mabuti na silang kalagayan.""Kung natulungan mo na sila, bat hindi pa sila umalis?""Kasi gusto nilang tulungan ako na makahanap ng makakasama bago sila mawala." mataman siyang tiningnan ni Kino. "At ngayon na narito ka na, maiiwan na nila ako."Nakaramdam ng saya si Andy dahil sa sinabi ni Kino."Masaya ako na nakatulong ako para makaalis na sila. I hope that they will not haunt me if I fail as a member of the Club." biro ni Andy."I know you'll not. Malaki ang maitutulong mo sa Club ko. I'm sure of it." paninigurado ni Kino bago sumenyas na umalis na sila dahil marami ng kaluluwa ang nakapaligid."Hello po." bati ni Andy sa matandang mayordoma ng bahay.Seryoso itong nakatingin sa kanya na parang inuusisa ang kabuuan niya."Young master, ano po ang ginagawa niya rito?" tanong ng matanda kay Kino. Ni hindi man lang siya pinansin."She will be my personal katulong, Manang. Pumayag na sina Mama at Papa. Pakihanda na 'yung kwarto niya sa tapat ng kwarto ko.""Sa tapat ng kwarto niyo, sa Master's bedroom?" hindi makapaniwalang tanong ng matanda.Napatingin si Andy kay Kino."Hoy, kahit sa pinakamaliit na kwarto lang. Yaya mo ako, hindi bisita." napapailing na sabi ni Andy.Napamulsa si Kino at nakataas ang kilay na tiningnan siya."Ako ang amo mo 'di ba? So, sa akin ka susunod." maawtoridad na sabi nito.Wala ng nagawa ang mayordoma at si Andy bukod sa sumunod. Nang maayos na niya ang kwarto niya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya sumalubong si Kino."Okay na ba sa iyo 'to?" tanong ni Kino sa kanya.Kumunot ang noo niya."Hindi ka rin mayabang 'no?""Hindi, mayaman lang."Umupo siya sa kama bago muling tiningnan si Kino."So, ano ng susunod na mangyayari?""Gusto mo may mangyari sa atin?" nakangising sabi ni Kino na ikinamilog ng mata ni Andy.Mabilis niyang kinuha ang unan at inihagis kay Kino."Manyak." bulong ni Andy.Umangat ang isang kilay ni Kino."What the heck? What I mean is, mangyari sa Club. The Paranormal activities?""Tayong dalawa ang binanggit mo.""Kasi tayo lang ang member ng Club." muling umangat ang sulok ng labi ni Kino. "Uy, ikaw ha? Utak mo green."Umirap sa kawalan si Andy."Mongggiii! Hindi 'no." umiiling na wika niya.Tumawa nang mahina si Kino."Bukas ang first day mo bilang member. May first task ako sa iyo para subukan ang abilidad mo."Kumunot ang noo ni Andy."Agad-agad? Tatapusin ko muna yung mga pinapagawa sa akin."Tumayo siya at ipinakita ang mga proyekto ng mga kaklase niya sa Filipino.Lumapit sa kanya si Kino bago kinuha ang mga papel at pinunit iyon isa-isa."Dahil sa akin ka na nagtratrabaho, ako na lang ang susundin mo. Ibalik mo na ang mga pera nila."Napaawang ang mga labi niya bago tinitigan ng masama si Kino."Baliw ka ba? Wala akong pera.""Ako na magbabalik."Nagliwanag ang mukha ni Andy."Talaga?""Oo, bawas sa sweldo mo."Napairap sa kawalan si Andy."Whatever, magkano ba sahod ko? Baka mas malaki pa yung sideline ko.""Hmm.. Mga ten thousand a month, baka kulang pa sa iyo."Namilog ang bibig at mata niya bago umiling."Hindi. Ayos na 'yon." masayang sabi ni Andy. "Sige, maghahanda na ako para bukas."Ngumiti si Kino bago napamulsa."Good. Kita na lang tayo bukas.""Sige, salamat ulit."Tumango si Kino bago naglakad palabas.Masayang pinulot ni Andy ang mga piraso ng papel bago natulog."Hindi ko magagawa ang mga project niyo dahil may trabaho na ako.""Ano?!""Hindi pwede!" reklamo ng mga classmates niya na nagpagawa ng proyekto. Nakapalibot ito sa kanya.Bukas na kasi ang deadline tapos ngayon niya lang nasabi na hindi siya makakagawa.Napangiwi siya."Pasensya na talaga. Hayaan niyo, babayaran kayo ng amo ko. Siya na ang magbabalik ng pera niyo." pagpapakalma niya sa mga ito.Umiling ang mga kaklase niya."Hindi pwede! Bukas na ang pasahan. Hindi kami papayag. Kapag hindi mo kami ginawa, isusumbong ka namin sa mga magulang namin." banta ng isa sa kanila.Napakagat siya ng labi. Hindi niya alam ang gagawin."Isusumbong ko na lang kayo sa Guidance bilang mga bully."Natahimik ang mga kaklase niya ng dumating si Kino. Nagulat sila sa pagsulpot ng third year student.Lumapit ito sa kanila bago siya hinila patayo sa upuan."Kung hindi niyo siya titigilan, magrereport ako sa admin at sa Principal. Namemeke kayo ng proyekto at nambubully pa." banta ni Kino.Nabahala ang ibang estudyante at wala ng nasabi nang inabot ni Kino sa isa sa kanila ang pera."Sinobrahan ko na 'yan. Huwag niyo na siya guluhin." banta nito bago siya sinenyasan na umalis sa classroom.Nang mapunta sila sa tapat ng pintuan na kulay itim ang kulay. Sinenyasan siya ni Kino."Ikaw ang mauna." utos sa kanya ni Kino."Okay." kahit nakaramdam siya ng kaba ay nauna na siya sa pagbukas ng pintuan.Papasok palang siya ay tinayuan na siya ng balahibo. Nilingon niya si Kino. Sinusundan lang siya nito ng tingin. Pinagpatuloy niya ang paglakad at saktong napunta siya sa gitna ay nawalan siya ng malay."Andy.."Dumilat siya nang marinig ang boses ni Kino. Nasa harapan niya ito at seryosong tinititigan ang kabuuan niya."Ayos ka lang?" tanong nito."Oo.." tugon niya."Ano?" tanong ni Kino bago tumingin sa gilid niya.Natahimik siya nang makita ang katawan niya na nasa sahig na naman kaya inilibot niya ang tingin sa paligid. Napaatras siya ng makita na napakaraming kaluluwa sa loob ng kwarto na pinasukan nila. Naguguluhan niyang tiningnan si Kino na buhat ang katawan niya."Ito ang opisina ng Paranormal Club, ito ang dahilan kung bakit walang nagtatagal na miyembro sa Club ko." paliwanag nito bago inilibot ang tingin. "Kailangan natin silang tulungan para makaalis na sila rito. Ikaw ang kakausap sa kanila."Namilog ang mata niya bago tiningnan isa-isa ang mga kaluluwa ng babaeng estudyante na puro galos at saksak sa tagiliran. Lahat sila ay iisa lang ang isinisigaw, "Tulungan mo kami!""Oh my gosh?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatakip ng tenga.Kahit kaluluwa siya ay tinayuan siya ng balahibo sa nakikita.----END OF CHAPTER 2----FIVE SENSESCHAPTER 3: THE DETECTIVE CLUB"Bat ako ang magtatanong?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy matapos niyang magising.Tila kinakabahan pa rin sa nasaksihan. "Kasi ikaw ang maiintindihan nila." sagot ni Kino."Bakit? Hindi ba gumana sa kanila 'yung pakiramdam mo about sa kailangan nila?" tanong muli ni Andy. Umiling si Kino."I think they have a different reason on why they are still here. So, we need to help them.""Bakit natin sila tutulungan?" hindi pa rin nawawala ang kaba ni Andy."Kasi opisina natin ang pinamamahayan nila. Sinadya ng SSG na ilipat tayo sa room na iyon dahil alam nilang tayo ang makakalutas ng problema." paliwanag ni Kino kahit nahalata niya ang kaba sa mukha ng dalaga."So, sinadya nila iyon dahil naniniwala sila sa Paranormal activities?" tanong muli ni Andy.Umiling si Kino."No. Ginawa nila iyon dahil gusto nilang mabura ang Paranormal Club na tingin nila ay gumagawa ng kabaliwan at pinapahiya ang pangalan ng school." Umupo si Kino sa madamong l
FIVE SENSESCHAPTER 4: SPECULATIONS"So, sinasabi mo sa akin ngayon na isa sa tatlong iyon lang ang suspect. Wala na ba silang ibang miyembro?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy habang nasa isang bench sila.Umiling si Kino."Wala dahil hindi sila tumatanggap basta-basta. Sa sobrang perfectionist ni Denum ay walang sumasali na estudyante."Kumunot ang noo ni Andy bago tumango."Hindi naman pala tayo mahihirapan na mahanap ang salarin dahil dalawa lang ang lalake at obvious naman kung sino ang mas katiwa-tiwala sa dalawang iyon."Naniningkit ang mata na tumingin sa kanya si Kino."Sinasabi mo ba na guwapo ang demonyo kong kapatid kaya siya ang tingin mong suspek?"Napakibit-balikat si Andy."May itsura siya at desente tingnan kaya hindi imposible na pagkatiwalaan siya kaagad ng mga babae."Napangisi si Kino."Kaya pala mukhang naattract ka sa kanya kanina."Tumaas ang kilay ni Andy."What?"Mahinang tumawa si Kino."You know what I mean, 'yung titigan niyo kanina. May iba." napanguso
FIVE SENSESCHAPTER 5: DENUM EMMANUEL GOZO"Kung hindi si Denum ang killer, edi si Rizalino?" opinyon ni Andy kay Kino habang nasa sala sila ng bahay nito.Napahalukipkip si Kino bago siya tinaasan ng kilay."Pwede bang mag-imbestiga muna tayo kung ano ang nangyari sa kaso nila at kung bakit sila namatay? Huwag tayo mag-akusa kaagad, tingnan mo ang nangyari sa ginawa mo."Natahimik si Andy sa sinabi ni Kino dahil alam niyang may punto ang binata."Pinabayaan mo kasi ako. Siguro naman may naisip ka na para makapag-imbestiga tayo?"Sumandal sa sofa si Kino bago idinipa ang kamay sa sandalan."Meron na.." nakangising lumingon ito kay Andy. "Syempre, ikaw ang gagawa..""Ano? Huwag mo sabihin na papapuntahin mo ako sa Clubroom ng Detective Club at paghahanapin ng mga files habang kaluluwa ako." nangingiting biro ni Andy."Masyado mong pinahirapan ang sarili mo, gusto ko sanang sa Police headquarters ka pumunta kaso mas maganda ang ideya mo kaya goodluck." seryosong sabi nito.Napalunok si
FIVE SENSESCHAPTER 6: DEVIL TALK"May nalaman ka ba sa ginawa mo?" tanong ni Kino habang naglalakad sila sa hallway at papunta sa kani-kanilang klase."Oo, nakita ko yung case report ni Recca at nakalagay roon na namatay siya sa atake sa puso."Napahinto si Kino at napatingin kay Andy. Tumingin si Andy sa paligid bago mas lumapit kay Kino."Kung hindi pa nahahanap ang katawan niya, paano nakagawa ng report sa kanya ten years ago?" mahinang ang boses na sabi ni Andy.Namilog ang mata ni Kino sa sinabi ng kaharap. "T-ten years ago? So, you are trying to say that all our speculations are wrong?"Napakibit-balikat si Andy."I don't know, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan." tila naguguluhang sabi ni Andy. "Posibleng nagsisinungaling yung report pero imposible naman na pumayag yung mga magulang niya na ganoon ang ilagay kundi pa nahahanap ang katawan?"May nabuong ideya sa kanilang dalawa kaya nagtanguan sila."Hindi naman sana ganoon ang nangyari.." malungkot na sabi ni Andy."
FIVE SENSESCHAPTER 7: TRAP"Mukhang mahilig ka talaga manghalik." asar ni Kino kay Andy. Mukhang hindi pa rin nakakamove on sa sinabi niya."Anong mahilig? First kiss ko kaya iyon." pagmamalaki ni Andy.Natawa ng mahina si Kino bago umiling."Anong first kiss ka diyan? E, hinalikan mo nga ako nung unang nagkita tayo." nakangusong sabi nito. "Ninakawan mo ako ng halik tapos sasabihin mong si Denum ang first kiss mo? Sabog ka ba o sadyang type mo lang si Denum?"Naiinis na tumingin si Andy bago siya malakas na sinuntok sa braso."Ano ka ba? Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako 'yon? Parang ikaw yung sabog at may type kay Denum dahil sa inaasal mo."Napairap sa kawalan si Kino. "Fine, whatever. Mapapaamin rin kita na ikaw ang humalik sa akin.""Monggiii.." bulong ni Andy."Sa ngayon, wala pa kaming suspek na maihaharap sa inyo.." malungkot ang tono ni Andy habang kaharap ang mga kaluluwa. "Pero may nalaman kami na makakatulong sa imbestigasyon. Ito ay case report patungkol sa pagka
FIVE SENSESCHAPTER 08: PERSON OF INTERESTNang magising si Andy ay sinalubong siya ng mga boses ng dalawang lalake. Mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumangon."Kanina pa kayo nag-aaway." putol niya sa usapan ng dalawa.Kahit kaluluwa pa siya ay pinapanood na niya ang dalawa na mag-asaran na parang aso't-pusa. Hinatid kasi siya ni Denum sa bahay at doon na rin sinimulan ang imbestigasyon na ikinagulat ni Kino.Nahinto sa pag-uusap ang dalawa at sabay na tiningnan si Andy. Ngumiti si Kino bago lumapit sa kanya."Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya."Ayos lang, nakatulog ako kakarinig ng asaran niyong dalawa." sagot niya. "Ano? May nahanap naman ba kayo sa pag-aasaran niyo?"Nakangiting ibinigay ni Kino ang isang folder kay Andy na binasa naman niya kaagad."This man is our school Nurse, si Sir Eros. Madalas ko siya makita tuwing mapupunta ako sa Clinic." gulat na sabi ni Andy. "Paano magiging siya ang killer?"Hindi sumagot si Kino at sa h
FIVE SENSESCHAPTER 09: A KNIGHT AND SHINING DEMONWarning: Many scenes are more on violence. Not suitable for a very young readers.Nangingiting lumapit sa kanya ang lalake bago iniluhod ang isang paa at pumantay sa kanya. Itinaas nito ang hawak na scalpel bago ngumisi sa kanyang harapan."Hindi ko inaasahan na magagamit ko 'tong muli matapos ang sampung taon." nakakapangilabot na wika nito na mas ikinapangamba ni Andy.Marahas nitong inalis ang mga kamay ni Andy na nakatakip sa mukha bago idinikit ang scalpel sa mukha nito. Napapikit si Andy at pinipilit na ilayo ang mukha ngunit sinampal siya ng lalake kaya napahiga siya."Kung hindi mo inungkat yung kaso na iyon, wala ka sana rito. Sayang ka, mukhang may mga manliligaw ka pa naman." biro nito na ikinakunot ng noo ni Andy bago ito mabilis na sinuntok sa mukha."Manliligaw? Wala nga akong plano na mag-asawa!" naiinis na tugon niya rito.Napahiga siyang muli nang suntukin naman nito ang tiyan niya. Naramdaman niya ang pagsuka at nanl
FIVE SENSESCHAPTER 10: FAMILY"Saan tayo pupunta?" tanong ni Andy kay Kino habang mabagal na sinusundan ito.Nahihirapan pa rin siya maglakad dahil sa mga benda na nakabalot sa kanya at sa saklay na tanging sumusuporta sa paglalakad niya.Ngumiti si Kino bago huminto sa tapat ng Clubroom nila. Hindi namamalayan ni Andy na rito ang destinasyon nila.Kumunot ang noo ni Andy bago napansin ang bagong pintura na dingding nila, gayundin ang bagong pintuan."Woah.." namamangha na sabi ni Andy bago tumingin kay Kino. "Pina-renovate mo yung Clubroom?"Tumango si Kino."Dahil magsisimula tayong muli sa kwartong ito, pinaayos ko na."Dahil sa tuwa ay inunahan na ni Andy na pumasok si Kino. Laking-gulat niya ng humiwalay ang katawan niya sa kanyang kaluluwa na nasalo kaagad ni Kino.Napangiti siya nang makita ang buong pamilya ni Recca habang nakangiti sa kanya. Lumapit siya rito na maayos ang lakad niya bilang kaluluwa. "Recca..""Andy.."Mahigpit siyang niyakap ni Recca."Mabuti naman at maay
TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l
CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.
CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi
CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah
CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa
CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m
Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama
CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na