YEARS LATER..."Mano po, manang," pang-aasar ng mga kaklase ko. Unang araw ngayon ng klase. Second year college na ako pero hindi pa din sila nagbabago sa pakikitungo sa akin. Wala na silang kasawa-sawa sa pam-bu-bully na ginagawa nila sa akin na kinalakihan at kinasanayan na nila, ginagawa na nila ito sa akin mula pa ng mga high school kami. Nasanay na din ako sa pang-aasar nila. Noong una ay umiiyak pa ako kapag nagsisimula na silang mang-asar pero kalaunan ay pinag-walang bahala ko na lang. Hanggang sa mag-first year college na kami ay doon ako napuno, natuto na din akong lumaban sa kanila. Hindi naman ako nakikipag-away o nakikipag-sabunutan pero pinapakita ko sa kanila na hindi ako natutuwa sa ginagawa nila. Iniirapan ko sila kapag ganiyan na sinimulan na akong asarin. Pinupukulan ko sila ng masamang tingin. At ang pasimuno? Si Kian. Hindi na yata nakokompleto ang araw niya kapag hindi niya ako inasar o kaya'y pintasan. Parang kulang siya sa aruga sa mga inaasta niya. Akala
Last Updated : 2022-07-14 Read more