"Salamat sa tulong mo, Ariana. Napakabait mo talagang bata," puri ni Ester ang mayordoma ng mansion at siyang pinagkakatiwalaan ng pamilya na mag-ala sa kanilang magpipinsan. "Wala ‘yon manang…" Nakangiting sabi ni Ariana dito na nahihiya pa dahil sa puri ng ginang. “Manang, papanik na muna ako sa kwarto para maghanda,” paalam niya at inilapag ang hawak na garden hose. “Sige, mabuti pa nga. Baka ma-late ka pa sa school mo.” Agad na tumakbo si Ariana papasok ng mansion, dumaan siya sa likurang pinto ng kusina at mabilis na umakyat ng hagdan patungo ng kanyang kwarto. Nakapag-agahan na si Ariana, maliligo na lang siya at magbibihis, pagkatapos ay handa na siya para pumasok. Tapis ang puting tuwalya, lumabas si Ariana ng bathroom. Magbibihis na sana siya nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng kanyang silid. "Miss Ariana, may tawag po kayo," tawag ng katulong mula sa labas. "Sino raw po?" tanong ni Ariana na sumilip sa maliit na siwang ng pinto. May personal number naman siya,
Last Updated : 2022-07-15 Read more