Home / Romance / His Covetous Wife / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng His Covetous Wife: Kabanata 31 - Kabanata 40

107 Kabanata

Kabanata 30

Kung gaano kabilis ang naging kilos ni Calex ay hindi niya na alam. Basta na lamang niya pinaharurot ng takbo ang bagong nabili niyang sasakyan.Gusto niya pa sanang tanungin si Krissy kanina tungkol sa nangyari kung bakit naospital ang mommy Liezel niya. Kaso dahil sa labis na pagkataranta ay hindi na niya inaksaya pa ang oras.Gamit ang waze ay ilang oras din ang binyahe ni Calex magmula Batangas patungong Makati kung saan daw naconfine ang kanyang mommy. At sa nasabing ospital ni Krissy na siya dumiritso."Nurse, anong room number ni Liezel Vargas? Yung babaeng isinugod dito kanina ni Krissy Parker." Nagmamadaling tanong ni Calex sa nurse station nang makapasok na siya sa naturang hospital.Ibinigay naman kaagad ng nurse ang impormasyong kailangan niya at mabilis ang mga hakbang ni Calex patungo sa nasabing kwarto."Mom!" Puno ng pag-aalala ang mukha ni Calex nang tuluyang makapasok sa kwarto at makita ang kanyang mommy.Medyo nabawasan ang kaba niya nang maabutang gising na ito a
Magbasa pa

Kabanata 31

Pagkatapos marinig ni Krissy ang lahat ay napagpasyahan niyang wag na munang ituloy ang balak na pagpasok sa loob. Dahil ramdam niyang tiyak na mas lalo lang mag-iinit ang ulo ni Calex kapag nakita siya.Sa halip ay tinungo niya nalang si Dr. Gamboa para bilhin ang ireresetang gamot at bayaran na rin ang bills ni mommy Liezel.Sa tulong naman ng nurse ay mabilis na naasikaso ni Krissy ang lahat. Lalo na at bukal sa loob niya ang ginagawa dahil sa matinding malasakit niya sa ginang. Na kahit manlang sa pinansyal ay may maitulong siya kahit alam niyang kayang kaya namang bayaran ni Calex ang lahat.Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya naisipang puntahan ulit si mommy Liezel. She's hoping na sana humupa na ang tensyong namagitan sa mag-ina kanina. Na sana rin ay malamig na ang ulo ni Calex ngayon.Kinakabahan man ngunit buo na ang loob niyang naglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang mapansin niya si Calex na naglalakad kasalubong niya.Napahinto si Krissy habang nakatin
Magbasa pa

Kabanata 32

Mabilis lumipas ang mga araw. Nakauwi na ng Cebu si mommy Liezel ngunit hanggang ngayon ay nasa Batangas pa rin si Calex at hindi pa lumilipat sa condo para makasama si Krissy.At ang dahilan naman ng lalaki ay abala pa siya sapagkat sinimulan na ang pagawa sa renovations ng resort. Ang sinabi niya lang kay Krissy ay sa weekends lang siya makakauwi. At kahit hindi sabihin ni Calex ay alam ni Krissy ang dahilan kung bakit ito napilitan. Sinusunod lamang nito ang mahigpit na bilin ni mommy Liezel at hindi para makasama siya.Sa totoo lang, hindi ito alam ng ginang dahil iniiwasan niyang magalit si Calex sa kanya. Iisipin na naman kasi ng lalaki na sumbungera siya o kung anu-ano pa. Kaya't everytime na tatawag si mommy Liezel ay dinedepensahan niya rin lagi ang kanyang asawa."Ano ng balita diyan couz? Wala kanang naikukwento sa akin ah." Ani Brenda sa kabilang linya pagkatapos niyang makausap sa cellphone ang kanyang daddy Henry.Kasalukuyang nasa opisina si Krissy. At habang abala ang
Magbasa pa

Kabanata 33

Araw ngayon ng Biyernes. Kung kaya't naisipan ni Krissy na sa mansyon na muna umuwi pagkatapos ng kanyang nakakapagod na trabaho sa opisina.Sadyang napakarami niyang gustong gawin after a long and tiring week. At isa na roon ang ibabad ang sarili sa kanilang malawak na swimming pool.Simula kasi ng makabalik siya galing Las Vegas ay naging salitan niya bilang tirahan ang condo at mansyon, na kung saan siya komportableng mag-stay ay doon siya.Ngunit ngayong pumayag na si Calex na tumira kasama siya kahit weekends lang ay napag-isip isip ni Krissy na mas maigi kung doon na lang din siya mamalagi sa condo gaya ng naging mungkahi ni mommy Liezel.Bukod kasi sa magkakaroon sila ng privacy ng lalaki ay mapapanatili pa nilang lihim ang kanilang estado. As long as hindi pa lumulubo ang kanyang tiyan, mananatili siyang dalaga at single sa paniniwala ng karamihan. Gusto niya na ring sanayin ang sarili na mamuhay roon kahit na kasinglaki lang iyon sa sala ng kanilang mansyon. At kapag maayos
Magbasa pa

Kabanata 34

Hindi na alintana ni Krissy ang kanyang kalagayan bilang buntis. May kung anong nagtulak sa kanya na madaliin ang pagmamaneho lalo pa't it took hours bago makarating sa lokasyon.Habang nasa biyahe ay naghuhumerentado naman ang kanyang puso. Sa kung bakit napakadali lang para kay Calex na balewalain ang kanyang mga sinabi para sa pansariling kagustuhan lang nito. She's waiting for him all day pero mas inuuna pa ng lalaki ang pakikipagparty.Sinasabihan siya ng lalaki ng selfish' pero base sa pinaparamdam nito sa kanya ay ito pa ang mas selfish dahil iniisip lang nito ang sariling kapakanan at kagustuhan. Na wala manlang kahit katiting na concern para sa kanya o kahit para sa magiging anak manlang nila.Nagsimula ng lumandas ang mga luha sa mga mata ni Krissy. Simula ng makilala niya si Calex ay hindi niya na mabilang kung ilang beses na siyang umiyak. Kung ilang beses siyang naging mahina.Hindi niya pa matukoy kung ano nga ba ang totoong nararamdaman niya para sa kanyang asawa ngunit
Magbasa pa

Kabanata 35

Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay halos kulay puting pintura ang kanyang nakikita sa loob ng silid. Marahan niyang inilibot ang kanyang paningin nang mapansin ang nakakabit na suwero sa kanyang kanang kamay. At napagtanto niyang hindi pala ito kwarto ng bahay kundi kwarto ng isang hospital!Saka niya lang naalala ang huling nangyari bago siya nawala ng malay.Sumibol ang kaba sa kanyang dibdib sa isang malaking posibilidad kung bakit siya nandito ngayon. Agad siyang napahaplos sa maliit na umbok ng kanyang sinapupunan. Iniisip niya ang kalagayan ng kanyang baby. Hoping na maayos lang ito lalo pa't naalala niya kanina na dinudugo siya.Marami pang katanungan ang pumasok sa isip ni Krissy. At ang isa sa mga ito ay sa kung sino ang nagmagandang loob na nagdala sa kanya rito.Naudlot lamang ang malawak na paglalakbay ng kanyang isipan nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa niyon ang isang babaeng doktor."Hi Mrs. Vargas, I'm glad that your awake now." Bati nito sa ka
Magbasa pa

Kabanata 36

Nagising si Krissy dahil sa mahihinang tawag sa kanya ni Calex.Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata."Pumunta dito si Dra. Castro. Binilin sa akin na gisingin kita ng ganitong oras for your medicine. Here, take it!" Anito sa tuwid na pagsasalita.Nananaginip lang ba si Krissy o baka assumera lang siya dahil feeling niya parang medyo concern ang tono ng boses nito.Tiningnan niya ang lalaki na halatang bagong gising lang din. Mukhang nawala na lahat ng ispiritu ng alak na ininom nito.Maingat na bumangon si Krissy at kinuha ang inabot nitong tubig at gamot saka marahang ininom. "Thank you." Tipid na anas niya bago muling humiga."You don't need to thank me. Alam mong labag sa loob ko ang ginagawa kong ito." Prangkang sambit ni Calex. Ngunit imbes na masaktan ay gusto pang mapangiti ni Krissy dahil sa naging sagot nito. Kung tutuusin, Calex is her girl version. Nakikita niya ang sarili sa lalaki, sa kung paano siya magsungit at sumagot."Anyway, pwede ka ng makalabas bukas ng u
Magbasa pa

Kabanata 37

Lumipas ang mga oras na nagkulong lang si Krissy sa kanyang kwarto. Parang hindi niya pa kayang harapin muli si Calex dahil sa napaka awkward na pangyayari kanina. Idagdag pa ang di mapigilang pagwawala ng kanyang puso.Hindi niya alam kung paano siya kikilos ngayon dahil sa presensiya ng lalaki na nagbibigay ng tensyon sa kanya. Lalo na kapag naalala niya kung paano siya nito nahuling nakatitig kanina. Geez! Nag-iinit na naman ang kanyang pakiramdam dahil sa labis na pagkapahiya.Marahang natapik niya ang kanyang mukha. She's blushing again. At nakakapanibago sa kanya ang damdaming ito. Parang gusto niya tuloy umalis na muna ngayon para maiwasan ang lalaki. Ngunit hindi niya naman pwedeng gawin. Tinakpan na lamang ni Krissy ang kanyang mukha ng unan. Kapwa kasi magulo ang kanyang isip at puso.Ganito pala ang pakiramdam kapag may kasamang lalaki sa iisang bahay. Not to mention na asawa pa niya.Di mapakaling nagpalakad-lakad naman siya sa kanyang kwarto ngayon. Habang iniisip kung a
Magbasa pa

Kabanata 38

Halos kalahating oras na nasa terrace ngayon si Krissy habang pinapakalma ang damdamin sa magandang view na kanyang nakikita.Ngayong araw pa nga lang silang magkasama ni Calex pero sadyang napakarami na ng mga nangyari. Ano pa kaya sa mga susunod na linggo at buwan. She's hoping na kung meron man, sana hindi ganoong klase ng eksena.Feeling niya wala na siyang mukhang maihaharap pa sa lalaki. Kahit naman siguro sinong babae na nasa kalagayan niya ay papangarapin nalang na lamunin ng lupa dahil sa kahihiyang iyon. Hindi niya rin alam kung ano na ang ginagawa ng lalaki ngayon sa kwarto nito. Ngunit nagpapasalamat siya at hindi pa rin ito lumalabas. She's not ready to face him.Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Mukhang dumating na ang mayordoma ng kanilang mansyon para ihatid ang mga pinaluto niyang pagkain.Dahil sa eksenang nangyari kanina ay nakalimutan niya ng tanungin pa ang lalaki sa gusto nitong kainin. Buti nalang at naalala niya ang mga sinabi ni mommy L
Magbasa pa

Kabanata 39

Mabilis lumipas ang mga araw at nalalapit na ang araw na pinaghandaan ni Krissy, ang birthday ni Calex."Maayos na po lahat ng bilin niyo Ms. Parker. Sobrang natuwa po ang naturang orphanage para sa sponsorship po ninyo." Ani Lucy at bakas sa boses ng babae ang tuwa. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa inaasal na ito ng kanyang boss. Senyales kasi ito ng malaking pagbabago sa babae. Na matagal ng pinagdasal ng lahat, ng mga taong nakapaligid at nakakilala sa kanya as ruthless and heartless woman."Okay good. Maghire ka ng magaling na event coordinators and tell them na magsend ng samples sa email ko." Tugon ni Krissy bago lumabas ng opisina niya si Lucy.Sa susunod na araw na ang birthday ng kanyang asawa. And she wants to give him one of the most unforgettable birthday celebration of his life. Wishing that he would appreciate it.Simula ng umalis ang lalaki noong Sunday ay hindi na rin ito nakauwi. Pinahatid lang din nito sa isang staff ng resort ang sasakyan ni Krissy na hiniram niy
Magbasa pa
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status