NANG dumating sina Lyxelle at Raziel sa café na pinag-usapan nila ni Aldin, wala pang masyadong tao at wala pa roon ang huli.As gentleman as ever, ipinaghila siya ni Raziel ng upuan. Nagpasalamat siya sa binata.Inilibot nito ang tingin sa buong restaurant, tila nag-oobserba. Sa napapansin niya ay may ganoong habit ang binata. Sinusuri nito ang mga gusaling pinapasukan lalo pa’t first time nito sa lugar.“This café has a good location,” komento nito. “Busy street, tall buildings. Maganda rin dahil may sariling parking lot at maayos ang atmosphere sa loob.”Mukhang umiiral na naman ang pagiging negosyante nito.“CEO Raziel’s now talking.” Nangingiting kantiyaw niya rito.He grinned at her. “Sorry. I couldn’t help it.”“It’s okay. I understand fully.”Kalahating oras silang naghintay bago dumating si Aldin. Kasama p
Last Updated : 2022-08-12 Read more