All Chapters of SEXYBEAST SERIES 1: Mr. Hill's hell : Chapter 41 - Chapter 50

80 Chapters

Chapter 41

Disclaimer: This Chapter may contained rated SPG. Kung hindi ka malibog mag next chapter ka. Kung curious ka bahala ka sa buhay mo."Bakit Sir?" Hindi ko mapigilang tanong dito.Hindi ito sumagot nakatitig lang ito sa akin."Sir?" Pagkuwa'y sabi ko."You know what..." dahan dahan itong lumapit sa akin. Habang ako ay paatras naman ng paatras. "Kasing sarap ng luto mong adobo ang luto ng asawa ko." Nawala ang ngiti nito sa labi. Napatigil ako sa pag atras ng mabangga ko na ang lababo. Wala na akong maatrasan. Nakikita ko sa malapitan kung paano nawala ang ngiti sa mga mata nito at napalitan ng namumungay ng mga mata."Even the taste of your soft and warm lips."Nanatili lang ang titig nito sa akin na hindi ko naman inurungan. Dahil na mamagnetized ako. Kahit subukan kong iwasan hinihila ako pabalik.He touched my face with his callous hand. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pag iinit ng mukha ko sa ginagawa nito na hindi ko naman ma saway dahil napako na ako sa kinatatayuan ko at walang
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Chapter 42

Nakatingin lang ako sa lawak ng dagat na animo walang hanggan. Hinihintay ang pagsabog ng bukang liwayway. Napabuga ako ng hangin, naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang ligayang pinagsaluhan namin ni Axel. Ang mapupusok niyang halik, ang mga haplos nito sa bawat sulok ng katawan ko. Ang pagpapaubaya ko sa taong hindi ko alam kung kilala ko ba talaga. Umaga na ng magising ako. Tulog siya ng iwan ko, sinadya kong 'wag siyang gisingin dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakalapag rin sa table ni Cathy ang resignation letter ko. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, ayaw kong harapin si Axel. Hindi ko yata kaya. Nang tuluyan ng sumabog ang bukang liwayway ay tinalikuran ko na ang dagat saka naglakad na pauwi. Mag-iisip pa ako ng alibi dahil sigurado akong tatadtarin ako ng tanong ng mga naiwan sa bahay kung bakit inumaga ako.At hindi nga ako nagkamali."Erica, inumaga ka yata?" Tanong ni Tatay Arman. Nakatayo ito sa may pintuan habang may bitbit na isang tasa ng kape.
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Chapter 43

Pagkatapos ng kwento niyang iyon pagkatapos ng isang yakap nito ay tumalikod na ito at iniwan ako. Iniwan akong naguguluhan, kinakabahan, nagdadalawang isip. Pinilit kong alalahanin ang lahat, pilit na hinahanap ng alala ko ang mukha ni Axel. Pero, shit lang hindi ko talaga maalala. Ni hindi nga nag bago ang pagka blurry ng mukha ng lalaking kasama ko. Kahit luminaw ng konti ay hindi. Pero magkaboses sila, sumasakit lang ang ulo ko sa mga isiping iyon. Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat bakit ba kasi kailangang mangyari lahat ng ito. Limang taon naging tahimik ang buhay kahit na nakakaramdam ako ng lungkot minsan dahil wala akong maalala. Hinayaan ko lang ang mga nag uunahang luha ko habang nakatunghay sa maalong dagat.Ang dagat ang dahilan, pero ang dagat rin ang nagbibigay sa akin ng comfort. Ang hangin sa dagat na animo niyayakap ako at inaalo. Nagpapagaan ng bigat na nararamdaman ko. Kumpiyansa akong walang tao sa paligid. Ilang minuto na rin nang umalis si Axel. Wala na ito.
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Chapter 44

Nagising ako dahil sa mga bulong bulongan sa paligid ko. Hindi ko nga alam kung bulong pa ba iyon. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumitig muna ako saglit sa puting kisame saka iginala ang paningin ko. Familiar sa akin ang kuwartong ito. Ah, ito pala 'yong kwarto ni Axel kung saan pleasure ang naramdaman sa unang pagpasok ko rito. Ang tanging saksi sa pagpapaubaya ko. Nakita ko pa ang mga nag-uusap na tao sa maliit na sala ng kwarto. Kaya ng maalala ko ang nangyari kanina ay bumalikwas ako ng bangun. Agad naman nila akong napansin saka sabay na lumingon sa akin. Nailang ako sa mga matang nakatitig lang sa akin. Naroon si Lara si Cathy at ang mag asawa. Hinanap ng mga mata ko si Axel pero hindi ko nakita. Nangunot ang gitna ng kilay ko ng parang pamilyar ang senaryong ito. 'Yon bang parang nangyari na ito dati. 'Yong nagising ako tapos may tao sa kuwarto at hinanap ko si Axel pero wala siya. Ipinilig ko ang ulo ko para maiwaksi ang isiping iyon. Masyado ng puno ang utak ko
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Chapter 45

Pagdating na pagdating namin sa hospital ay tinakbo ko na ang daanan patungo sa ICU. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa muling pangingilid ng luha ko ay hindi ko pa rin tinigil ang pag takbo. Kaya hingal na hingal ako ng makarating sa waiting area sa labas ng ICU kung saan naroroon rin ang pamilya Alcantara pati na ang mga anak kong kambal. Nang makita ako ng kambal ay agad itong tumakbo sa akin at nag iiyak. Tinanggap ko agad ang yakap nila, at umiyak na rin."M-mommy..." Iyak na sigaw ng mga bata habang nakayakap pa rin sa akin."Sshh, tahan na magiging ok rin ang kapatid n'yo. Stop crying. Sshh." Alo ko sa dalawang bata na walang tigil sa pag iyak. Hinagod ko ang likod ng mga ito.Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi, may naramdaman pa akong humagod sa likod ko. Alam kong si Axel iyon, sumama kasi ito sa akin. Hindi na rin ako nag inarte pa dahil may sasakyan naman ito kaya mabilis kaming nakarating.Napansin ko naman ang doctor na lumabas mula sa pinto ng ICU. Inilayo ko m
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Chapter 46

Pagkalapag ng helicopter sa malaking ground ng hospital ay agad na isinugod sa operating room si Jayvee. Madilim na rin ang langit ng dumating kami. Si Lara ang surgeon ni Jayve. Pati na rin si Sunday na pinsan daw ni Axel yo'ng doctor ni Jayvee. Marami pa akong nakitang doctor at nurse sa loob ng OR. Nandito kami sa isang kuwarto kung saan makikita ang surgery na ginagawa ng mga doctor, nasa Ibaba ng kwartong ito ang OR. At nakikita namin sila mula dito sa itaas. May nakaharang naman na glass wall. May intercom rin sa gilid na bahagi ng kuwartong ito. Ito ang magbibigay daan para makausap ang nasa loob ng Operating Room. Sabi ni Axel bawal daw ang ibang tao rito pero since pag aari nila ang ospital ay allowed kami. Talagang napakayaman pala ni Axel. Nandito din ang mommy at daddy ni Axel na Chairman ng hospital. May ibang tao ring naroon pero hindi ko kilala. Pero base sa mga suot nito ay marahil ay may posisyon rin ang mga ito sa hospital na ito.Private ang Hospital na ito. Mula
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Chapter 47

"'Nay, 'Tay!" Tili ni Edward matapos makita ang isang trending na breaking news sa kanyang cellphone. Kuha ito ng isang sikat na reporter. Actually hindi pa nito nabubuksan ang video, nagreact lang ito dahil sa nakita sa heading.'Long lost wife of the Billionaire' tapos larawan ni Erica at ng asawa nito ang makikita sa unang bahagi ng video.Dali daling pumasok ng kabahayan si Edward para ipakita sa kanyang magulang ang nakita sa cellphone nito na bagong bili lang."Dios ko, anak bakit?" Kinakabahan na sabi ni Nanay Celia, may bubbles pa ng sabon ang kamay nito ng lumapit. Galing kasi ito sa kusina at naghuhugas. Napasugod na rin ang ama nito na abala sa pagkakape ng hapong iyon."Inay, Itay, tingnan n'yo po si Ate Erica." Mangiyak ngiyak na sabi ni Edward at binigyang access ang mga magulang para makita ang nasa video."Dios ko naman Ed kung makasigaw ka naman akala ko may sunog na." Bulalas ng ama nito.Binatukan naman siya ng ina."Aray naman, 'Nay." Reklamo nito.Umupo sila sa sa
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Final Chapter

Erica's POV Kasabay ng pagbukas ng pinto ng simbahan ay ang pag-angat ng mukha ko. Bumungad rin sa akin ang magandang tugtugin. Agad na dumako ang tingin ko sa dulo ng altar kung saan, nakangiting nag hihintay ang isang makisig na lalaki. Nakakaakit ang itsura nito, nakapamulsa ito habang hindi nawawala ang mga titig nito na nanonout sa kaibuturan ko. Nakita ko rin ang paglaglag ng mga luha nito at ang pagpahid nito roon. Nginitian ko ito ng pinakamatamis kong ngiti. Saka ako humakbang, nang makailang hakbang na ako ay humarang si Daddy sa dinadaanan ko. Dumeretso na ako sa kanya saka umabresyete. Saka naglakad na kami. Bawat hakbang na ginagawa ko ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko at ang pangingilid ng luha ko. Noon, naglakad ako sa aisle, ay purong inis ang nararamdaman ko sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng aisle, ngayon naman purong pagmamahal at kagalakan ang nararamdaman ko habang papalapit sa taong naghihintay sa akin sa dulo ng aisle. Tuluyan ng nalaglag
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Teaser & prologue of Sexybeast series 2: The Gay Doctor

THE GAY DOCTOR(SEXYBEAST SERIES 2)written by: Lovemarian♡♡♡Teaser♡♡♡Desperada na kung desperadang tawagin ang kahibangan ni Cathy kay Edward Alcantara. Dahil kahit siya ay hindi kayang labanan ang sariling puso na nagwawala sa tuwing nakikita niya ito. Simula pa lang alam na niyang bakla si Edward, na malabong masuklian ang pagmamahal niya para rito. Doon pa lang sa isiping iyon parang hinahalukay na ng kutsilyo ang puso niya. Sinubukan niyang kalimutan ito, ngunit sa nakalipas na sampung taon at sa muli nilang pagkikita ay mas lalo lang lumala ang nararamdaman niya para sa isang bakla na ngayon ay doctor na. Na mas lalo pang sumusigaw at nang-aakit ang kamachohan at ang pagka-strikto nito. Kung guwapo ito noon ay mas umaangat ang kaguwapuhan nito ngayon. Nagsimula na siyang mabaliw ulit rito, nagsimula na siyang habul-habulin si Edward. Pero kahit anong paganda at pasexy ang gawin niya gaya lang rin ng inaasahan walang epekto ito sa isang bakla. Mas lalo lang siyang binale
last updateLast Updated : 2024-07-03
Read more

Chapter 1 #FirstMeet

"NURSE Cath, malapit na po magsimula ang program," paalala sa akin ng isang nurse nang makapasok sa office ko.Tiningnan ko siya na may ngiti saka tumango ako, tinapos ko na ang pagre-retouch. Umalis na rin siya nang makuha ang response ko.Kailangan kasi maganda ako ngayon, kailangan fresh and blooming ang awra ki. This is the most awaited and exciting moment I've been waiting for. Matapos ang sampung taon kong paghihintay sa wakas ay matutuldukan na ngayon. The long long wait is over. Tumawag si Ate Erica kahapon. At sinabi niya na dumating na si Edward noong nakaraang linggo pa at ngayon siya i-we-welcome sa Hospital na pinagta-trabahuan ko, bilang bagong resident doctor. Si Edward ang dahilan kung bakit nag-shift ako sa kursong nursing. Doctor sana pero masyadong malaki ang gastos saka gusto ko ring makapagtrabaho agad para hindi na mahirapan si Nanay. Umaasa rin kasi ako na sa pagiging isang nurse ko, posibleng magtagpo ang landas namin ni Edward. At ito na ‘yon, muling m
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status