“Delilah, it’s been so long..”Tumango si mama kay Butler Noli.“Matagal din tayong hindi nagkita, Noli.”“Delilah,” ani manang Teresita.“Tere, kamusta ka na?”“Ayos naman… Sa awa ng Diyos, buhay pa.”Narito kami ngayon sa sala ng mga Shein. Kasama ko si mama, ako, Rico, manang, Butler Noli, at mga magulang ni Rico.“Ikinalulungkot ang nangyari kay Luis. Hindi ko aakalaing wala na siya.” Halos pabulong na sabi ni mama.“Pasensya na at hindi ko nasabi sayo Delilah. Alang-alang na rin sa kaligtasan mo,” sagot ni Butler Noli.“Naiintindihan ko, Noli. Wala kang dapat ikahingi ng tawad. At least nalaman ko na ngayon bakit hindi na ako tinawagan pang muli ni Luis. Akala ko ay galit siya sa akin na kahit ang anak niya ay ayaw niyang makita.” Malungkot na sabi ni mama.“Hindi ganoon ang nangyari Delilah. Nito ko lang din nalaman na may anak pala kayo ni Don Luis. Kung alam ko, sana nasuportahan ko si senyorita Rachelle sa pagpalaki niya.” Ani ni Butler Noli.“Pasensya na kayo. Alam ko pero n
Huling Na-update : 2024-06-24 Magbasa pa