Home / Romance / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Chapter 471 - Chapter 480

All Chapters of Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Chapter 471 - Chapter 480

3175 Chapters

Kabanata 471

Ilusyon niya lang pala ang lahat!Mangiyak-ngiyak ang mga mata na tumayo mula sakanyang kinauupuan. “Wag ka ng babalik dito.” Walang emosyong sabi ni Avery habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Elliot. “Sigurado naman ako na hindi mo nakalimutan kung anong ginawa mo sa anak. Hindi lang siya nagsasalita pero alam ko na sa tuwing nakikita ka niya, naalala niya yun.”Napalunok si Elliot. “Ang nakikita mo lang ay yung ginawa ko sakanya, pero natanong mo ba siya kung anong sinabi niya sa akin?”“Kahit ano pang sinabi niya sayo, bata yun. Hindi mo ba talaga kayang ikontrol ang galit mo at kailangan mo talagang gumamit palagi ng pwersa?”Tama si Avery!At aminado si Elliot na nagkamali siya! “Oo! Kasi masama akong tao, diba?” Nangigil na sigaw ni Elliot. “Hindi mo na kailangang sabihin sa akin kasi matagal ko ng alam yan.” Nanlilisik ang mga mata ni Avery habang nakatitig kay Elliot. Hindi galit ang naeamdaman ni Elliot kundi lungkot. Habang tumatagal, lalo siyang nawawa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 472

Umupo si Ben para pakinggan ang hinaing ni Elliot. “Oo bro naniniwala ako sayo na napilitan ka lang sa lahat ng mga nangyari sainyo ni Zoe pero dahil kay Shea yun at walang kinalaman dun si Avery. Isa pa bro, hanggang ngayon wala pa ring ideya si Avery sa kung ano ba talaga ang relasyon niyo ni Shea kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit sobrang nasaktan siya. Kumunot ang noo ni Elliot at tinignan si Ben ng diretso sa mga mata, “Ano sa tingin mo ang relasyon namin ni Shea?” Natawa si Ben. “Pinapahula mo ba ako?” “Alam ko namang alam mo na.” Cofident na sagot ni Elliot. “Kilalang kilala mo ako, bro.”“Nasaktan ka ba na hindi nagtitiwala sayo si Avery?” Malakas ang kutob ni Ben na lalo pang mag aaway sina Elliot at Avery sa paglipas ng mga araw.“Halata ba? Kaya nga palagi kaming nag aaway, diba?”Hinimas ni Ben ang kanyang baba at sumagot, “Hindi lahat ng tao ay kasing kalmado at kasing lawak mo mag isip. Pero bro iba kasi talaga sa pag ibig. Diba nagselos ka rin naman
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 473

Malakas ang kutob ng bodyguard na may malaking gulo na magaganap. Kaya agad-agad niyang tinext si Mike para ibigay ang kanilang location![Maghaharap si Miss Tate at Wanda Tate! Pumunta ka kaagad dito kapag nabasa mo ‘to!]Halos malaglag ang panga ni Mike sa sobrang gulat nang makita ang location na sinend ng bodyguard.‘Ilang beses nag suka si Avery kaninang umaga at dalawang kutsara na nga lang ang kinain niya, hirap na hirap pa! Ni hindi nga siyamakabangon tapos ang lakas ng loob niyang sugurin si Wanda Tate?!’Walang pagdadalawang isip na kinuha ni Mike ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadaling lumabas ng office. Sa kabilang banda, sobrang kalmadong umakyat ng stage si Avery.Kinuha niya ang mic sa host at humarap kay Wanda. “May tanong ako sayo, Madam Tate,” Confident na sabi ni Avery. “Faye Johnson ba ang pangalan ng assistant mo?”Tumaas ang isang kilay ni Wanda, “Parang ang layo naman ata ng tanong mo sa topic natin.”“Paanong malayo? Hindi ba mga advantage ng
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 474

Sa pagkakataong yun, hindi na kinaya ni Chad na itago kay Elliot ang totoong nangyari. “Pinuntahan kasi ni Avery si Wanda kanina tapos tumilapon si Avery kasi tinulak siya ng bodyguard ni Wanda.”Kaninang umaga, nireport ni Chad kay Elliot na ang assistant ni Wanda ang may kagagawan sa naging scandal ni Avery. Sobrang nagalit si Elliot at sinigurado niya sa kanyang sarili na may kalalagyan si Wanda. Hindi naman niya inakala na ganun kabilis kikilos si Avery. Nang marinig ni Chad ang buntong hininga ni Elliot, bigla siyang kinabahan. “Sir… aksidente lang po ang nangyari…. Walang kasalanan si Avery…Wala rin naman siyang plano na ipahamak ang bata… Sa tingin ko sobrang nalungkot lang talaga siya sa nangyari kaya sana wag mo siyang awayin kapag…Hindi pa man din nakakasagot si Chad, ibinaba na ni Elliot ang tawag. Mula ng maging magkasintahan sina Chad at Mike, medyo nagiging bias na si Chad kay Avery. Oo, sobrang nag aalala si Elliot para sa bata, pero hindi naman ibig sabih
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 475

Si Elliot Foster ang nasa likod nito?! Habang binabantayan ni MIke si Avery sa loob ng hospital room nito, si Chad naman ay naghihintay sa labas kay Elliot. Pagkarating ni Elliot, nagmamadaling lumapit si Chad at pinilit niyang kumalma habang nagrereport, “Sir, ang sabi ng doktor, kailangan daw ni Avery na magpahinga. Bed rest siya ng isang linggo at hindi siya pwedeng mastress. kaya…”“Pinipigilan mo ba ako?” Hindi natuwa si Elliot sa gustong iparating sakanya ni Chad. Sa takot ni Chad, dali-dali niyang binuksan ang pintuan para kay Elliot. Nang makapasok na ito, sinenyasan niya si Mike na lumabas muna sandali. Hindi pinansin ni Mike si Chad at humarap kay Elliot nang may namumugtong mga mata, “Wala ang baby.”Pakiramdam ni Elliot ay parang gumunaw ang mundo niya nang sandaling narinig niya ang sinabi nito. “Lumabas ka muna. Gusto kong makausap si Avery,” Mangiyak-ngiyak niyang sabi.Nakatulala si Avery pero nang marinig niya ang sinabi ni Elliot, tinignan niya ito. K
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 476

Nasaktan si Avery para kay Elliot. “Kayanin man ni baby o hindi, sana ganyan ka pa rin kakalmado. Normal lang naman na makunan kasi hindi naman lahat ng baby kasing lakas ng ibang nakakasurvive.”Sinabi yun ni Avery dahil mula noong malaman niyang buntis siya, masama na talaga ang kutob niya dahil umiinom siya ng gamot at bilang doktor, alam niya na delikado yun para sa baby at kung makasurvive man ito, malaki ang tsansa na magkaproblema rin ito. Isa pa, wala naman talagang kasiguraduhan ang kahit sinong baby hanggat hindi pa naipapanganak ang mga ito.Nasaktan si Elliot sa sinabi ni Avery. Humarap siya rito at nagpatuloy, “Pinapagaan mo lang ba ang loob ko? Sino kaya sa atin ang hindi kayang maging kalmado? Sinusubukan mo ako kanina diba? O sige, tutal ayaw mo naman talaga sa baby ko, isipin nalang natin na patay na talaga siya.”Pagkatapos magsalita, hindi na niya hinintay na makasagot si Avery at tuluyan na siyang lumabas.Pagkaalis ni Elliot, pumasok naman si Mike at nagt
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 477

Alam ni Avery kung gaano kataas ang pride at gaano kagalit sakanya si Wanda kaya hindi niya maisip kung gaano nalang siya sinusumpa nito habang nakaluhod ito!Noong oras din na yun, pumasok ang nurse para icheck si Avery at laking gulat niya nang maabutan na may nakaluhod sa harap nito ang dalawang babae. “Kunin niyo ‘to at umalis na kayo dito!” Galit na galit na sigaw ni Mike sabay hagis kina Wanda ng fruit basket na dala nito. Bumalik lang ang katahimikan nang makaalis na sina Wanda at Faye.Habang inaayos ng nurse ang swero ni Avery, kinuha ni MIke ang kanyang phone at pinakita dito.“Ang sabi sa akin ni Chad, lumpo na raw yung dalawang bodyguard na tumulak sayo.” Nakangising sabi ni Mike. “Hindi ko pa rin gusto si Elliot pero infairness gusto ko yung ginawa niya ha.”“Lumpo? Paano” Tinakpan ni Mike ang niya at sumagot. “Sabi ni Chad, wag ko raw sabihin sayo….Nag aalala kasi siya na baka…”Hindi nagsalita si Avery.“Sa tingin mo, bakit kaya pumunta at lumuhod pa si Wanda
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 478

Kinakabahan si Avery habang naglalakad papunta sa maternity unit. Pero bigla siyang hinila ni Mike para magpa ultrasound. Nagulat si Avery at hindi niya alam kung anong plano ni Mike. “Sa tingin ko… Mas maganda na magpa ultrasound ka na kaagad.” Sinubukan ni Mike na wag magpahalata pero bandang huli, hindi niya rin kinaya.“Okay okay… Nandito kasi Elliot at hinihintay ka na niya sa ultrasound room.” Biglang hinawi ni Avery ang kamay ni Mike at naiinis na sumagot, “At kailan ka pa nakipag kampihan sakanya?”Itinaas ni Mike ang kamay niya at nangako, “Hindi ako! Sinabi lang sakin ni Chad!” “Assistant niya si Chad. Pero ikaw? Ano kayang pinagkaiba na nakikipag kampihan ka kay Chad sa nakikipagkampihan ka kay Elliot?”“Huy magkaiba yun! Hindi naman masamang tao si Chad no!” Pagtatanggol ni Mike sa boyfriend sabay hawak sa braso ni Avery. “Pinangako sakin ni Chad na magreresign daw talaga siya sa walang kwenta niyang amo sa oras na awayin ka ulit niya!” “Wag mo kasing ireport
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 479

“Okay ang baby, Mike.” Nahihiyang sabi ni Avery.“Talaga?” Hinila ni Avery si Mike papunta sa elevator. “Pumunta tayo sa office!” “Okay daw ba talaga ang baby?” Hindi makapaniwalang tanong ni MIke. “Pinayagan ka na ba ng doktor mo na bumalik sa trabaho?” “Oo, pwede na raw.”Ngayong alam niya ng okay ang baby at mas mabuti na rin ang pakiramdam niya, kayang kaya niya ng bumalik sa trabaho. Si Chad, na nakatayo sa tabi ni Elliot, ay masayang sinabi, “Congratulations, Sir! Malapit ng mag three months ang baby. Kapag nalampasan niya ang first trimester, medyo mas safe na siya.”Hindi alam ni Elliot kung paano siya sasagot kasi hindi niya rin maintindihan kung ano eksakto ang nararamdaman niya. Nanaginip siya kagabi na nawala raw ang baby nila. Kaya sobrang nakahinga siya ng maluwag noong nalaman niyang okay ang baby. Pagkarating ni Avery sa Tate Industries, nag report kaaagd sakanya ang vice president. Habang nasa bakasyon, araw-araw nakakatanggap si Avery ng email ga
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 480

Ilang segundo rin na nakatayo lang si Elliot bago niya tawagan si Chad sakanyang office intercom para itanong kung sino ang nagpadala ng magazine sa office niya.“Dineliver ng isa sa mga staff ng Tate Industries. Twenty copies ang binigay nila sa atin kaya inutusan ko yung secretary ang bawat department head.”“Nabasa mo na ba?” Tanong ni Elliot na nakakunot ang noo. “Hindi pa. Bibili palang ako mamaya bago ako umuwi.”“Kunin mo nalang yung sakin!” Hindi nagtagal, dumating si Chad sa office ni Elliot. Nang makita niyang nakangisi ang amo, kinutuban siya kaagad na hindi nito nagustuhan ang laman ng magazine. Cover palang ang nakikita niya at parang wala namang problema kasi sobrang ganda ni Avery sa picture. Malamang nasa content!!“Gusto mo bang kunin ko ‘tong magazine, Sir?” Tanong ni Chad. “Ilayo sakin yan!” Naiiritang sagot ni Elliot. Halatang mainit ang ulo nito kaya hindi na nagtanong si Chad at agad-agad niyang kinuha ang magazine, sabay alis. Binuksan niya an
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
1
...
4647484950
...
318
DMCA.com Protection Status