”Opo, Daddy! Nasabi ko na rin po ito kay Robert. Alam kong nag-aalala ka tungkol sa night shift, pero hindi ko naman po ito nakikita na problema, kaya hindi dapat itonmaging hadlang sa pangarap ko.. Pwede naman po akong matulog sa araw at magtrabaho sa gabi."Nagpasya na si Ivy na tanggapin ang internship at naramdaman naman ni Elliot ang determinasyon sa boses nito, kaya alam niyang wala na siyang magagawa. Kapag sinabi niya kay Ivy na hindi siya sang ayon sa internship, alam niya na susundin siya ng bunso niya, pero alam niya rin na sobrang malulungkot ito. "Magrerequest ako kay Harry na bigyan ka ng medyp mas slot." Medyo alanganin pa rin si Elliot sa night shift. "Daddy, huwag mo na siyang kausapin," pagtanggi ni Ivy. “Patakaran po ito ng TV station mismo. Isa pa, hindi naman talaga ako qualified! Swinerte lang kaya kung kikilos ka, sa tingin ko ay sobrang mappressure ako at baka hindi ko maibigay ang best ko.” Hindi nakasagot si Elliot, at alam niya rin naman na may desisyo
Magbasa pa