"Well, it is a shock that you are alive, Ivory, but like Tita said, it is a pleasant surprise that you are alive." Sa unang pagkakataon ay nagsalita na rin si Roxy kaya naman ang atensyon nina Ivory at Tyrone ay napunta sa kan’ya. "And you came back just in time. Perfect timing, if I may say so.""Roxy," nakangiti na bati ni Ivory sa pinsan nila Tyrone. "Perfect timing, isn’t it? I always knew when the perfect time was." May laman ang mga salita na iyon, sigurado ako, pero pilit ko na binabalewala. Nilapitan pa niya si Roxy at saka yumakap sa babae.Hindi ko alam kung hindi lamang ba napapansin ni Ivory ang presensya ko o sinasadya niya lamang na balewalain ako. Hindi na rin naman ako nag-eexpect ng kung ano pa man buhat sa kan’ya dahil kung ako nga ang tatanungin ay mas nanaisin ko pa na umalis na lamang sa oras na ito at bigyan sila ng pagkakataon na magsama-sama sa reunion nila na ito. "This calls for a celebration. Tamang-tama ang pagbabalik mo, Iha, may munti kaming salo-salo na
Huling Na-update : 2024-01-29 Magbasa pa