"Natatakot ako, Tyrone. Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin ulit." Simula pa kanina ay patuloy na naman sa pag-iyak si Ivory. Hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan ni Tyrone na takasan ni Raven ang mga ginawa nito sa kan'ya. Hindi niya alam kung bakit walang ginagawa ang asawa niya para pagbayarin ang kabit nito sa aksidente niya. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na isipin na hanggang ngayon ay mas matimbang pa rin ang pagmamahal ng asawa niya sa kabit nito sa kabila ng pagtatangka ng babae na iyon sa buhay niya. "Paano kung magbalik siya at pagbantaan niya ako ulit? At paano kung matuluyan na niya ako sa pagkakataon na iyon? I don’t want to die, Ty."Awang-awa naman na napayakap na lamang si Tyrone sa kan’yang asawa. Ivory has been in this state since a couple of days ago. He is trying his best to make things normal for the both of them, but it is just so hard to do. Nakikita niya ang takot at pangamba sa asawa kahit na bantay sarado na sila ng mga bodyguards sa ma
"Sino na ang nakakaalam?" Iyon agad ang bungad na tanong niya pagkapasok pa lamang niya sa sasakyan. Seryoso ang tono ng pananalita at ang reaksyon ng kan’yang mukha. Malalim na buntong hininga ang tugon sa kan’ya kasabay ang pag-iling ng ulo ng kaharap. "Walang dapat na makaalam sa ngayon ng mga gagawin natin. Walang dapat na maghinala sa kung ano talaga ang plano ko.""Trey, I don’t think this will work." Iyon na lamang ang naging tugon ni Roxy sa pinsan niya na kadarating pa lamang sa bansa ay abala na agad sa mga plano nito na hindi niya lubos na sinasang-ayunan. "Una, labas ka na dapat sa gulo nila. Pangalawa, sigurado ka ba na babanggain mo ang sariling mga magulang mo at ang pamilya mo dahil lamang sa kan’ya? She left you to be with Tyrone; are you forgetting that?""Are you also forgetting, Rox, that I left her first? Ako ang una na nang-iwan sa kan’ya kaya siya napalapit kay Tyrone. Ako ang dahilan kung bakit napasok siya sa isang maling relasyon sa kapatid ko. Ako ang puno’t-
Sunod-sunod na doorbell at pagkatok sa pintuan ng apartment ko ang gumambala sa katahimikan ko. Nasa silid lamang ako at walang balak na bumangon upang pagbuksan ang kung sino man na nais na naman na manggulo sa akin.I wanted to be in this abyss that I am trapping myself in. I have lost everything that I have worked so hard for, and I don’t know how to pick myself up to fight and to start over. Wala ng saysay ang lahat para sa akin at hinahayaan ko na lamang ang tadhana sa nais nito na mangyari sa magulong buhay ko. Suko na ako at ipinapaubaya ko na sa iba ang magiging kapalaran ko. Patuloy ang pag doorbell at ang malalakas na pagkatok kaya naman kinuha ko ang unan at itinabing ko iyon sa aking tainga. It must be Ashley wanting me to get out of bed. May susi naman siya ng apartment pero malamang ay gumagawa na naman siya ng paraan para lumabas ako ng silid ko. Madalas talaga ay narito lamang ako at nagkukulong, nilulunod ko ang sarili ko sa kadiliman at kalungkutan at kahit na anong
"Raven! Raven!""Huwag! Please, huwag!""Shit! What’s happening?!""She’s having nightmares again. Raven! Raven!""Ano ang nangyayari sa kan'ya, Ashley?""Raven, wake up, beb! Raven!"Naririnig ko ang mga boses sa aking paligid pero wala akong lakas para sagutin ang mga pagtawag nila na iyon dahil sa pananakal sa akin ni Tyrone. Mabibilis ang tibok ng puso ko at napapagod na rin ako sa paghahabol ng aking hininga.I don’t know what’s happening, but it seems like I'm dying. I am slowly losing consciousness, and I am letting the darkness consume me. Mukhang magtatagumpay si Tyrone na patayin ako at marahil ay ang buhay ko nga ang kabayaran sa lahat ng mga pagkakasala namin. And if today is going to be my last day, then so be it. I am surrendering myself and hoping that my life will take away all the sins that Tyrone and I have committed."Shit! Dalhin na natin siya sa ospital, Ashley." Natataranta ang pamilyar na boses na iyon na kanina ko pa rin na naririnig na kasagutan ni Ash, pero hi
"Good morning!" Maaga pa lamang ay naalimpungatan na si Raven sa pamilyar na boses na iyon na bumati sa kan’ya. Agad siyang napabalikwas lalo na at naalala niya na nakapantulog lamang siya. Natatawa-tawa naman si Trey sa naging reaksyon niya at napapa-iling na lamang na lumapit sa kan’ya sa may kama. "Bakit ba parang gulat na gulat ka pa rin sa presensya ko? Wake up, sleepy head. We have a long day ahead.""Ha?" Wala sa sariling nasabi niya habang pupungas-pungas pa siya. Ilan araw na rin simula nang malaman niya na nagbalik na si Trey at simula noon ay araw-araw rin siya na binibisita nito sa apartment niya, pero gano’n pa man ay araw-araw pa rin siya na nagugulat sa presensya ng lalaki. "Long day? Ano na naman ba ang ibig mo na sabihin?""Yes, long day ahead." Pagtango naman ang naging tugon ng lalaki sa kan’ya kasabay sa pag-ayos nito sa buhok niya. "Ashley told me that you’ve been spending your days here all the time, and for the past few days that I have been here, there is no de
"Anong balita?""We’re still gathering the information, but as it stands, Raven was really the last person that Ivory talked to before the accident. Nagkita sila nang gabi na iyon at maaaring nagtalo sila. pero kung hanggang saan umabot ang pagtatalo na iyon ay iyon pa ang aming patuloy na inaalam." "Ano pa ang nakuha ninyo na impormasyon?""Tyrone was in the same area as Ivory and Raven that night. Ilan cctv ang nakahagip sa sasakyan ng kapatid mo pero hindi pa namin alam kung nagpunta rin ba siya sa apartment ni Raven bago o pagkaalis ni Ivory.""I want the reports soon. Kailangan na makahanap tayo ng matibay na pruweba na hindi si Raven ang utak sa aksidente na iyon. Kailangan natin na mapatunayan na wala siyang kasalanan sa nangyari kay Ivory. Tutukan ninyo ang anggulo ni Tyrone at kung ano ang ginagawa niya sa lugar kung nasaan ang dalawang babae. Kailangan na malinis ko ang pangalan ni Raven bago tuluyan na masira at mawala sa kan’ya ang lahat.""Huwag ka mag-alala, Trey, ginaga
"Ashley, how is she? I came as soon as I heard." Humahangos na bungad ni Trey kay Ashley pagkababa pa lamang niya ng sasakyan at makita na hinihintay na siya ng kaibigan ni Raven sa may gate pa lamang ng apartment nito. "As usual, naroon sa kuwarto niya. I mean, what do you expect? Nang matanggap nga namin ang balita kanina ay wala naman siyang naging reaksyon at parang inaasahan na rin naman niya iyon, pero gaya na rin sa alam ko na gagawin niya, ayun na nga at nagkulong na lamang siya sa silid niya pagkatapos noon. I tried to talk to her, but she keeps shutting me out.""Ayos lamang ba siya?" Tanong pa ulit ni Trey kahit na sigurado naman siya na hindi ang sagot doon."Ano bang sagot ang gusto mo na marinig buhat sa akin? The truth or the fake answer?" Sagot naman ni Ashley habang iginigiya ang bisita papasok sa apartment ni Raven. "Of course I know that she is pretending to be okay, but I know that she isn't. Magkasunod na masamang balita na naman kasi ang bumungad sa kan’ya ngayon
"So it’s true. You are back. How dare you, Art Reyson Lorenzo?" Iyon agad ang bungad ng ina ni Trey nang sadyain siya nito sa condo na tinutuluyan niya. "Hindi mo man lamang ba naisip na ibalita sa amin ng papa mo na narito ka na? We are your family, Trey!""Ma." Iyon lamang ang naisagot niya dahil nagulat din siya sa presensya ng kan’yang ina ngayon sa harapan niya. "What are you doing here, Trey? You have work in America; why are you here? Sino ang namamahala sa kumpanya roon? Bakit ka nagbalik dito?" Sa tono pa lamang ng pananalita ng kan’yang ina ay ramdam na ramdam na ni Trey ang galit nito para sa kan’ya. And of course, he knows that Tyrone is behind this again. He threatened his brother, so it is expected that Tyrone will make his move against him using their parents."Ma, what brings you here?""Your stupidity brings me here." Mataray na sagot pa nito sa kan’ya kasabay sa pagtulak nito ng pintuan at diretso na pagpasok sa loob ng unit niya. "We have to talk. I need to put some
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n