Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang matabang babae sa harap ko.“Ano na, Charity?” mataray na sabi nito nang makahuma sa pagkagulat. “Nasaan na bayad n’yo ng upa? Hindi pwedeng palagi ko na lang kayo iintindihin. Nangangailangan din ako.”Nakuyom ko ang mga kamao ko. Sa isang iglap ay tuluyang nagbago ang tingin ko sa babae. Biglang bigla, hindi na siya ang dating kasera namin na mapagbigay at mabait. Dahil kay Ien, sa impluwensya at pera niya kaya kami ginaganito ni Manang.Napilig ko ang ulo ko. Hindi rin. Kung talagang mabait itong babaeng ito, hindi ito magpapasilaw sa pera, hindi ito aasta nang ganito sa amin ngayon.Gusto kong maawa sa amin ng papa ko, sa kalagayan namin. Napatingin ako sa paligid. Ang daming tao sa labas—mga kapwa namin nangungupahan kay Manang, mga kapit-bahay, mga bagong salta, mga delivery drivers… lahat sila ay nakatingin sa amin, may napapailing na lang, nagbubulungan, may nagtatawanan. Nakaramdam ako ng pagkapahiya at panibagong ngitngit.
Huling Na-update : 2022-12-02 Magbasa pa