"Ha?" parang tanga na sabi ko. Napanganga na lang ako sa sobrang kabiglaan. Nabitiwan ako ang papa saka tiningnan ang mga mukha ng tatlo. Seryoso silang lahat.
Lumipas ang ilang segundo pero wala pa ring sumisigaw sa kanila ng 'April Fools!' Kungsabagay ay hindi rin naman April ngayon.
"S-seryoso kayo?" Awkward akong natawa. Walang tumawa. Hindi sinasadya na napatingin ako kay Ien at lumaban naman ito ng titigan. Nang hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig nito kaya si Estrella naman ang napasadahan ko ng tingin. Napansin ko na parehas sila ng ilong ni Ien, pati na mga mata, mag-ina nga talaga sila.
"Napag-usapan na namin ito ng iyong ama," sabi na naman ng matandang babae. "Marriage for convenience lang ang mamamagitan sa inyo ng aking anak. Think of it as a job—a very high paying job. Kapag na-accomplish na ang nakasulat sa last will and testament byenan ko, pwede na kayong maghiwalay and you can have what is due to you. Aw, don't look so shocked, alam kong deep inside ay gustong-gusto mo rin naman ito."
"Ano?" buong diin na sabi ko, gustong gusto ko nang sakalin ang babaeng ito.
"Karl, talk some sense into your daughter," pagdidismiss sa akin ng matanda. Dumukot ito ng sterling cigarette case mula sa leather bag nito at nagsindi ng sigarilyo.
Nag-excuse si papa sa mag-ina at hinila ako papunta sa balkonahe ng penthouse.
"Ma, `di ba ang sabi ni Dr. Castro `wag na kayong manigarilyo?" narinig ko pang sabi ni Ien sa mama nito bago kami tuluyang makalabas sa balkonahe.
"I'm stressed, honey, I deserve a smoke." Humithit-buga ang ginang bago bumaling ulit sa anak. "Do you think she's gold-digger enough to accept the offer?"
Isinarado ko ang salaming pinto ng balkonahe. Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang ang papa ko habang nakasandal sa pasimano ng balkonahe. Sa tindi ng inis ko, nakalimutan kong takot nga pala ako sa heights.
"Cha..." Nag-aalangan na banggit ni papa sa palayaw ko, tinatantya niya kung galit ako. Nang hindi ako nagreact ay bumuntong hininga siya at tumingin sa malayo. "Ginawa ko lang naman ito dahil gusto kong maging maayos ang buhay mo kapag wala na ako. Naisip ko kasi, kapag nakapag-asawa ka ng mayaman hindi mo na kailangan na magtrabaho ng husto. Lahat ng sahod at raket mo, sa gamot at pagkain lang nauubos. Gusto ko lang naman na guminhawa ang buhay mo, anak."
Tiningnan ko siya ng masama saka humalukipkip. Para namang hindi ko gusto ang ganu'n.
"Tulad ng sabi ko kanina matalik kong kaibigan ang papa ni Ien, kasosyo ko siya sa dati nating printing and publishing business," pagpapatuloy ni papa. "Nang magkasakit ang mama mo ay wala akong nagawa kung 'di ang ibenta ang share ko sa kanya para makabayad sa lahat ng gastos sa ospital... Napakabata mo pa nu'n para maalala ang mga iyon, Charity. Hanggang sa tuluyan na ngang namatay ang mama mo."
Parang gusto kong pagsisihan ang inasal ko kanina habang pinapakinggan ang papa ko na nagkukwento tungkol sa dati naming buhay. Ang totoo ay alam ko na nga ang kwentong ito noon pa, naikwento niya iyon isang beses na galing siya sa birthday ng dating boss niya at umuwing lasing. Natatandaan ko, iyak siya nang iyak noon sa sobrang pagkamiss sa mama ko at sa sobrang panghihinayang sa nawala naming negosyo at ari-arian. Hindi na namin pinag-usapan ang bagay na iyon magmula noon. Ngayon na lang ito naungkat ulit.
"Nang maubos ang lahat ng pinaghirapan ko, hindi na ako nagpakita sa lahat ng kakilala ko dahil sa sobrang kahihiyan." Umiiyak na ngayon si papa pero hindi ko siya tinangkang pigilan sa pagsasalita. Matagal na niyang kinikimkim ang mga luhang iyon sa pag-aakalang mapapatatag siya niyon, gusto kong ilabas niya iyon lahat. "Pero mahina ako, anak. Ni hindi man lang kita napag-aral sa kolehiyo. Noong debut mo, hindi man lamang kita nabigyan ng handa."
Napangiwi ako nang maalala ang 18th birthday ko, softdrinks at isang slice ng eggpie lang ang handa ko, share pa kami. Pero ayos lang, ang mahalaga magkasama kaming dalawa.
"Nakikita ko na sobrang nahihirapan ka na kaya nu'ng kinausap ako ni Ien, hindi na ako nagdalawang-isip, pumayag ako agad ."
"Pero bakit ako? Ang daming babae d'yan na pwede niyang mapangasawa, bakit ako pa? Tsaka ano 'yung sinasabi ng hukluban niyang ina na last will and testament?" hindi na napigilang tanong ko, hindi naman sa nagpapaka-ipokrita ako o ano, gusto ko rin na guminhawa ang buhay namin ng papa ko. Ang goal ko nga ay makapag-asawa ng mayaman kung hindi man ako magtagumpay sa career ko, pero syempre gusto ko rin malaman kung bakit meron na lang lumitaw na isang Ien para tuparin ang goal ko na iyon. At ano ang kapalit?
"Namatay na si Jun ilang taon na ang nakararaan. Sa palagay ko ay hindi pa rin niya ako nakakalimutan dahil ang sabi niya sa huli niyang testamento, walang makukuhang mana si Ien hangga't hindi siya nagpapakasal," paliwanag ni papa na medyo sumaya na ang anyo. "Kung sabagay ay matagal ka nang gusto ni Jun para sa anak niya."
"Teka lang, akala ko ba byenan ni Estrella 'yung may last will?"
"Ang alam ko buhay pa ang lolo ni Ien. Baka nagkamali lang ng banggit si Estrella."
"Okay," umismid ako sabay halukipkip. "Eh, ano naman ang mangyayari kapag hindi ako nagpakasal sa kanya?"
"Mapupunta sa mga charity institutions ang lahat. Sinubukan na nilang gawan ng paraan para labanan ang testamento, para hindi na kailanganin pang magpakasal kayo, naghanap na rin sila ng ibang testamento... pero nauwi lang sa wala ang lahat. Tuso talaga iyong si Jun kahit kailan. Tsk tsk."
"Ah, kaya naman pala," naka-isnab na sabi ko. "At kailan n'yo naman nalaman ang tungkol dito?"
"Mga isang buwan na rin," sagot ni papa. "'Yun ang dahilan kaya pilit kitang pinapupunta sa blind date, para makilala mo si Ien, para hindi ka mabigla sa pagpapakasal ninyo... Pero matigas ang ulo mo, set siya nang set ng date pero ni isa wala kang pinuntahan."
Napa-oh na lang ako habang bumabalik sa balintataw ang pamimilit niya sa akin na makipag-date sa nirereto niya, pero dahil naging abala ako sa trabaho at mga raket ay hindi ko pinapansin. Isa pa, ang buong akala ko ay kung sino-sino lang ang nirereto niya. May nireto na kasi siya sa akin noon, naging boyfriend ko pa nga, si Toby. Kahihiwalay lang namin nitong nakaraang dalawang buwan. Fresh pa ang sugat na iniwan ng lalaking iyon sa puso ko kaya ayaw ko sanang makipagdate muna.
Baka kasi magbago rin ang isip ni Toby at ma-realize na mali ito ng desisyon na makipagbreak dahil lang...
"Pag-usapan ninyo ni Ien ang tungkol dito."
"Ayoko sa kanya," may pinalidad na sabi ko. "Kahit tutukan n'yo ako ng baril, hindi ako magpapakasal sa unggoy na 'yun."
"Charity, anak..." simula sana ni papa pero mabilis ko siyang sinansala.
Ipinakita ko ang mga marka ng kamay ni Ien sa braso ko. "Sinaktan niya ako. Kinaladkad niya ako, itinulak pa nga niya ako papasok dito sa penthouse, papa! Hindi n'yo ba 'yun nakita?"
"Nakita kong bumagsak ka anak. Pero alam mo namang may pagka-clumsy ka, baka nadapa ka lang."
"Hindi ako clumsy!" tiim ang mga bagang na sabi ko, kahit sa sarili kong ama ay talagang naiinis na ako.
"Kilala ko si Ien, Charity, hindi siya nananakit ng babae."
"Paano n'yo naman nalaman, eh matagal na kamo kayong hindi nagkikita?"
"May nanay siya. Hindi niya gagawin sa ibang babae ang ayaw niyang gawin sa nanay niya. Alam ko rin na pinalaki siya ni Estrella nang maayos."
"Maayos? Nakita n'yo ba 'yung mangkukulam na 'yon kung paano umasta? Tapos iniisip n'yo na maayos niyang napalaki ang anak niya?"
"Cha..."
"Tapos na ang usapan natin, papa," sabi ko sa matigas na tono. "Ayoko sa lalaking iyon. Kung gusto n'yo, kayo ang magpakasal sa kanya. I'll earn my own millions."
"And how will you do that, Charity?" tanong ng mababang boses sa likod ko at tumahip ang dibdib ko sa sobrang gulat.
Sabay kaming napalingon ni papa sa nagsalita. Nakatayo si Ien sa may pintuan ng balkonahe—kanina pa kaya siya roon? Ano kayang narinig niya? Bakit hindi ko man lang narinig na nagbukas ang salaming pinto? Nakapamulsa at expressionless ang mukha ng binata pero ang gwapo pa rin tingnan.
Heh! Gwapo. Tumigil ka nga, Charity!
"By doing great in my job," taas-noong sagot ko. Hindi ako papayag na maliitin ng isang 'to.
"In a small food factory?" sabi ni Ien na ngumisi ng nang-uuyam. "Fat chance."
"Talaga! Bakit?" Humalukipkip ako. "Minamaliit mo 'ko porke't sa factory ako nagta-trabaho? Hoy, kung walang factory, wala kang kakaining canned goods!"
"I don't eat 'canned goods.'"
"Wala akong paki." Inirapan ko siya sabay baling kay papa sa tabi ko. "Nakikita mo ba 'to, pa? Ang yabang—"
Pero wala ang papa ko sa tabi ko. Saan nagpunta 'yun?
"Kanina pa siya nakaalis. Kausap niya si mama sa sala," pag-iimporma ni Ien sa akin. Inirapan ko siya lalo tapos ay humakbang na papasok sa penthouse pero pinigilan ni Ien ang braso ko. "Why are you doing this?"
"Ang alin?" asik ko sabay piksi sa braso ko pero hinigpitan lang ni Ien ang pagkakahawak doon.
"This. Giving me, your father, and yourself a hard time. Kapag nagpakasal ka sa akin magiging maayos na ang lahat, magiging madali na para sa 'yo ang umangat sa buhay. Bakit? Bakit ayaw mo? Bakit nagmamatigas ka pa?" Nakikita ko sa mukha ni Ien ang sobrang pagtataka at frustration dahil hindi niya ako maintindihan.
"Kung ikaw rin lang," buong tapang na sabi ko, sinalubong ng titig ang nakatutunaw niyang mga mata. "Hindi bale na lang. Psycho."
Pumiksi akong muli pero hindi niya pa rin ako binitiwan. Nanlaki ang mga mata ni Ien halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, nanlaki din ang mga butas ng ilong niya. Ilang beses siyang bumuntong hininga na parang pinipilit pakalmahin ang sarili habang nakapikit nang mariin. Mayamaya ay dumilat siyang muli at puno ng galit ang mga mata na tumingin sa akin. "You're going to marry me... I'll make sure you will."
"Ah, talaga? Paano naman mangyayari 'yun?" Hamon ko sa kanya at sa buong pagkamangha ko ay ngumiti siya nang nakakaloko na para bang panalo na siya.
"I'll make your life miserable. I'll do anything in my power to strike you down. Sisiguraduhin ko na gagapang ka pabalik sa akin. Ikaw ang magmamakaawang makasal tayong dalawa."
Ako naman ang ngumisi. "Wow. Nanginginig ako sa takot."
Pumiksi ako ulit at sa wakas ay nabawi ko rin ang braso ko. Nilagpasan ko siya nang taas-noo.
Hah! Kasal? Asa siya. Hindi ako basta-basta napapayuko.
Iniwan ko nga siyang nakatulala.
Mwahahahaha.
________
“Talaga, mars? Grabe naman `yun!” nanlalaki ang mga mata sa gulat na sabi ni Mai. Tuluyan na niyang nakalimutan ang kinakain niyang pancake dahil absorbed na absorbed siya sa kinukwento ko. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa cellphone. Sinearch niya kanina ang lalaking kidnapper ko, at kahit ‘Ien’ lang ang alam ko sa pangalan nito ay lumabas ang mukha ng demonyo. Paano kasi ay bukod sa unique ang pangalan nito, isa pala ito sa most searched sa Pilipinas dahil sa angking kagwapuhan at kayamanan. “Juan Ireneo Carreon… this Ien kidnapped you?”Kasalukuyan kaming nasa sa isang fastfood restaurant, masyado pang maaga para pumasok kami sa kanya-kanya naming trabaho kaya matapos ang katakut-takot na paghingi ng tawad ay ikinuwento ko na sa kanya ang nangyari sa akin noong araw ng convention, tatlong araw na ang nakalilipas.Tatlong araw…Tatlong araw akong hindi kinausap ni Mai dahil sa hinayupak na lalaki na iyon. Kung hindi ako nito kinidnap, eh `di sana hindi nagtampo sa akin si
“Sir?” Parang alam ko na ang ibig sabihin nito, pero ayaw kong maniwala. Hindi pwede!“May bago nang nagmamay-ari sa XYZ Foods, in-absorb nila lahat ng dating empleyado...” Bumuntong hininga si Boss tapos ay tumingin sa labas ng bintana. “Maliban sa `yo.”“Ano?!” buong diin na anas ko. “Unfair! Bakit ako lang? Ako lang talaga?”“I’m sorry. Separation pay mo `yan. Sorry talaga.”“Pero, sir, wait lang—”“Kung kailangan mo ng COE, alam mo na kung saan ka pupunta.”Ang pangit n'yo ka-bonding!Mangiyak-ngiyak ako sa sobrang galit at panghihinayang habang palabas ng factory dala ang box na kinalalagyan ng mga gamit ko. Nang hindi ko na nakayanan ay umupo ako sa ilalim ng isang puno malapit sa factory namin at doon tuluyan nang umiyak sa harap ng picture ni Park Seo Hyun.“Matteo Do!” atungal ko na panay ang agos ng luha sa mga mata. “Wala na `kong trabaho...”Ten thousand din ang perang nakalagay sa cheke dagdag pa ang walong libong sahod ko para sa kinsenas na iyon. Sa mahal ng bilihin nga
“Where have you been?” At siya pa ang may ganang mainis! “I’ve been waiting here for fifteen minutes—”“Wow, ha,” asar na putol ko sa kanya sabay balibag ng bag ko sa mesa kaya nagtinginan ang mga tao sa amin. Wala akong pakels. Padabog din na umupo ako. “Hindi makatulog sa fifteen minutes? Ako nga kanina pa antay nang antay sa `yo rito, nagreklamo ba ako? Kapal ng mukha nito.”“Watch your tongue, woman.” Parang diring diri ang lalaki na hindi mawari. “God! You’re so loud. I can’t imagine living with you at all.”“H’wag mo nga akong ini-english.” Humalukipkip ako sabay irap sa kanya.“Bakit, hindi mo ba naiintindihan?” nang-uuyam na sabi ni Ien, nakakaloko ang ngisi.Nakuyom ko ang mga kamao ko para pigilin ang galit. Ito ang gusto ng lalaking ito, ang magwala at ipahiya ako. Pwes, hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon.“Wala ka ba talagang magawang matino?” mahina pero buong diin na sabi ko.“Whatever do you mean?” patay-malisya naman na sabi nito. “I took the liberty of placing your
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang matabang babae sa harap ko.“Ano na, Charity?” mataray na sabi nito nang makahuma sa pagkagulat. “Nasaan na bayad n’yo ng upa? Hindi pwedeng palagi ko na lang kayo iintindihin. Nangangailangan din ako.”Nakuyom ko ang mga kamao ko. Sa isang iglap ay tuluyang nagbago ang tingin ko sa babae. Biglang bigla, hindi na siya ang dating kasera namin na mapagbigay at mabait. Dahil kay Ien, sa impluwensya at pera niya kaya kami ginaganito ni Manang.Napilig ko ang ulo ko. Hindi rin. Kung talagang mabait itong babaeng ito, hindi ito magpapasilaw sa pera, hindi ito aasta nang ganito sa amin ngayon.Gusto kong maawa sa amin ng papa ko, sa kalagayan namin. Napatingin ako sa paligid. Ang daming tao sa labas—mga kapwa namin nangungupahan kay Manang, mga kapit-bahay, mga bagong salta, mga delivery drivers… lahat sila ay nakatingin sa amin, may napapailing na lang, nagbubulungan, may nagtatawanan. Nakaramdam ako ng pagkapahiya at panibagong ngitngit.
“Naku, tito, ako na po d’yan!” narinig kong malakas at gulat na sabi ni Mai mula sa kusina kaya kahit inaantok pa ay mabilis akong nagpunta roon para tingnan kung ano ang nangyayari. “Magpahinga na lang kayo sa kwarto n’yo, tito.” “Nahihiya na kasi ako sa iyo, Mai.” Natigilan ako nang marinig kong sinabi iyon ni papa. Hindi ako pumasok sa kusina at nanatili na lang na nakasandal sa pader. “Mag-iisang linggo na mula nang patuluyin mo kami rito, pero hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho si Cha. Kung totoo na pina-blocklist siya ni Ien, baka maging malabo pa na magkaroon siya nu’n.” Natahimik si Mai. Sa totoo lang, iyon din ang inaalala ko. Paubos na ang sampung libong compensation sa amin dahil sa pagkaka-demolish ng bahay namin. Buti na nga lang ay nahukay ko pa iyong box ko ng gamit kaya naisalba ko ang natira sa separation pay ko. “Nahihiya ako dahil wala man lang akong magawa para sa inyo ni Charity,” sabi na naman ni papa. “Ako na ang bahala sa pagluluto at paglilinis mula
"Aray!"Magkahalong galit at takot ang namayani sa sistema ko habang nagpupumiglas sa hawak ng lalaking kanina ay kausap ko lang. Halos kaladkarin niya ako habang pababa sa emergency stairs ng mall. Hawak niya sa iisang kamay ang dalawang pulsuhan ko kaya hindi ako makawala, patuloy akong nagsisigaw, nagbabaka-sakali na may dumadaan doon o may makarinig."Nasasaktan ako, ano ba? Bitiwan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin? Hindi ako mayaman, okay? Wala kayong mapipiga sa akin o sa pamilya ko!""Eh `di katawan mo na lang ang ibayad mo," nakangising sabi ng lalaki na hindi ako nilingon, patuloy lang ang paghakbang niya na para bang napakagaan ko at hindi man lang nahihirapan sa pagpupumiglas ko. "Siguradong maraming matatandang lalaki ang kukuha sa 'yo."Lalo akong natakot sa sinabi niya. `Di yata't totoong kidnapper ang lalaki? At dahil wala akong pambayad sa ransom, ibebenta na lang ako sa sex den?!"Drugs will make you compliant. You won’t know what you're doing with them nor what th
Thirty minutes ago...Bago pa ako nakidnap, nasa isang convention ako na ginanap sa pinakamalaking shopping mall sa bansa, kasama ko ang kaibigan ko na si Mai. Inupahan niya ako at mga kaibigan niya na sila Chuck at Maggie para maging model nila sa convention na iyon. Isasali nila ako sa competition bilang si Ruby ng Mobile Legends. Pumayag ako since day off ko naman at raket din iyon.Sobrang dami ng tao at nagkalat ang mga cosplayers na naghihintay ng pagsisimula ng programa. May mga booths din kung saan pwede kang bumili ng iba’t ibang merch ng mga anime at comics na dinudumog ng mga fans. “Ruby, pwede pa-picture?” sabi ng isang lalaki at pinagbigyan ko naman. Marami pang tulad nito ang lumapit sa akin. Tuwang tuwa naman sila Mai dahil positibo ang lahat ng feedback ng mga tao sa costume na ginawa nila.“Ang daming magaganda,” sabi ni Maggie habang pino-polish ang scythe na prop ko. Halatang kinakabahan ito dahil kanina pa nito iyon ginagawa at sa tingin ko ay wala nang ikikintab
NowKung alam ko lang na kidnapper ang lalaking iyon, hindi ko na sana kinausap!Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at saka tinandaan ang bawat lugar na tinatahak namin... Pero dahil mahina ako sa direksyon, balewala iyon.Nang huminto na sa wakas ang kotse sa basement parking ng isang five-star hotel inihanda ko na ang sarili ko para makatakas, kaya nang buksan ng kidnapper ang pinto sa gilid ko ay tinadyakan ko siya. Pero handa rin pala ang lalaki dahil nasalo niya ang binti ko at hinila iyon kaya napahiga ako sa passenger's seat. Mabilis kong hinila pababa ang palda at petticoat ko dahil nalilis iyon pataas nang hilahin niya ako—wala akong shorts!"Wala ka talagang modo—!" magkahalong pagkapahiya at galit na sigaw ko sa lalaki."Nauubusan na ako ng pasensya sa 'yo!" inis na inis na sabi ng lalaki, hinila lalo ang binti ko hanggang sa lumabas ng kotse ang kalahati ng katawan ko tapos ay hinablot niya ang isang braso ko para makatayo na ako, kung tumangkad pa ako ng isang inch

"Ha?" parang tanga na sabi ko. Napanganga na lang ako sa sobrang kabiglaan. Nabitiwan ako ang papa saka tiningnan ang mga mukha ng tatlo. Seryoso silang lahat. Lumipas ang ilang segundo pero wala pa ring sumisigaw sa kanila ng 'April Fools!' Kungsabagay ay hindi rin naman April ngayon. "S-seryoso kayo?" Awkward akong natawa. Walang tumawa. Hindi sinasadya na napatingin ako kay Ien at lumaban naman ito ng titigan. Nang hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig nito kaya si Estrella naman ang napasadahan ko ng tingin. Napansin ko na parehas sila ng ilong ni Ien, pati na mga mata, mag-ina nga talaga sila. "Napag-usapan na namin ito ng iyong ama," sabi na naman ng matandang babae. "Marriage for convenience lang ang mamamagitan sa inyo ng aking anak. Think of it as a job—a very high paying job. Kapag na-accomplish na ang nakasulat sa last will and testament byenan ko, pwede na kayong maghiwalay and you can have what is due to you. Aw, don't look so shocked, alam kong deep inside ay gustong