Home / YA / TEEN / STEEL, MY LOVE... / Chapter 1 - Chapter 7

All Chapters of STEEL, MY LOVE...: Chapter 1 - Chapter 7

7 Chapters

Kabanata 01 - Unang Pagtatagpo

HINDI NA ALAM NI KENNARY KUNG SAAN HAHANAPIN ANG MGA KAIBIGAN. Kanina pa siya paikut-ikot sa paligid ng plaza at kanina pa rin siya pabalik-balik sa rebulto ni Jose Rizal kung saan usapan nilang magkikita pagdating ng ala-tres ng hapon, subalit wala ang mga ito roon. Nasa plaza sila ng bayan upang manood ng basketball game sa paanyaya ng isa sa mga kaibigan niyang si Divina. Kasama nito ang nakatatandang kapatid na si Cherry at ang kasintahan nitong si Paul na pareho rin niyang mga kaibigan. Hindi siya mahilig manood ng mga sports games, pero na-kombinsi siya ng mga ito na pumunta. Actually, si Divina lang ang nagpumilit sa kaniyang sumama dahil ayaw raw nitong maging third-wheel kina Cherry at Paul. At dahil wala naman din siyang gagawin sa bahay nila, plus nangako si Divina na sagot nito ang meryenda niya sa bagong tayong pancake house sa bayan, ay um-oo na rin siya. Aba, hindi pa siya nakatitikim ng ‘matinong’ pancake buong buhay niya, kaya hindi
Read more

Kabanata 02 - Player Number 07

“MISS, AYOS KA LANG BA?” Napalingon si Kennary nang marinig ang tanong ng isa sa mga lalaking sumalo sa kaniya kanina. Pino siyang ngumiti saka nagpasalamat dito. “Hindi ba at naroon ang area ninyo? Bakit ka kasi narito sa ilalim ng ring?” “Area namin?” Sumunod ang kaniyang tingin sa direksyong ini-nguso ng lalaki. Doon sa kaliwang gilid ng court kung saan may malaking poster na nakasabit sa magkabilang poste ng bleachers ay may mga mahabang bench kung saan nakaupo ang ilan sa mga players na may suot ng kaparehong uniporme ng lalaking nakabangga niya. Sa tabi ng bench ay may nagtitipon-tipon na mga teenagers at may suot na T-shirt na katulad ng suot niya. Pinanlakihan siya ng mga mata. Ang damit na suot nila ay ang damit na ipinamigay kahapon sa barangay nila! Iyong may tatak ng mukha ng kasalukuyan nilang mayor! Kung hindi siya nagkakamali ay ini-isponsoran ng mayor nila ang laro ngayon kaya may mga nagkalat na volu
Read more

Kabanata 03 - Kennary's First Love

Fast Forward to 30 years.Present-day... “BUTI AT PINAYAGAN KA NI TITA KEN na gamitin ang attic para gawing art studio mo?” tanong ng katorse anyos na si Genevi, habang tinutulungan ang kaibigang si Freya sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa attic room ng bahay ng mga ito. They were moving out some boxes and furniture to tidy up the room. Ang mga boxes ay puno ng alikabok sa tagal na hindi nagalaw, at ang mga sirang furniture ay magagaan lang naman kaya sila na rin ang naglabas. “Tatlong buwan ko ring nilambing si Mommy para payagan ako. Ayaw niya sanang ipagalaw ang kwartong ito at marami raw siyang mga sentimental na gamit na iniwan dito. Eh tingnan mo naman, napuno na lang ng alikabok ang mga sentimental niyang gamit,” sabi naman ni Freya bitbit ang may kalakihang corrugated box palabas ng silid. “Iwan mo na lang ang mabibigat na furniture at kay Kuya Jayce ko na lang ilalambing mamaya.” Napalingon si Geneviv sa kaibigan. “Ano’ng plano niyo sa mga fu
Read more

Kabanata 04 - Who is Jayce's Father?

“I—I CAN’T BELIEVE THIS!” Palipat-lipat ang tingin ni Geneviv sa larawan at sa kaibigan. Hindi makapaniwala sa narinig. “It’s true, Gen. At hindi rin ako makapaniwala noong una.” Nagpakawala ng buntonghininga si Freya saka muling sinulyapan ang larawang binitiwan nito sa sahig. Ang tingin nito’y nasa larawan kung saan kasama ng ina ang isang matangkad na lalaki na bagaman payat ay may kaunting muscle na bumubukol sa magkabilang mga braso. He also had a brown skin, na kuhang-kuha ng Kuya Jayce niya. “P-Paano mo nalaman?” tanong pa ni Geneviv. “Three months ago, pasado alas once ng gabi nang bumaba ako para kumuha ng snacks; I heard Mom talking on the phone in the master's bedroom. Remember those nights when we were studying so hard para sa third grading exam? Isang linggo akong nagsunog ng kilay at halos ala-una nang nakatutulog para lang mag-review. It was one of those nights when I heard mom. She was whispering… and she was talking to the
Read more

CHAPTER 05 – Captain and Yawa

Nanatili sina Freya at Geneviv sa cellphone shop habang hinihintay na pumatong ng 50% ang battery ng cellphone. Iyon ang pang-apat na cellphone shop sa bayan na tinungo nila dahil ang tatlong naunang shop ay hindi na nagbebenta ng charger para sa lumang cellphone. Nagtaka pa nga ang mga staff sa mga shop na iyon—saan daw nila nakuha ang Nokia 3210 na dala nila at bakit naghahanap pa sila ng charger para roon? One of the staff even joked that the phone should be in a museum and not in the hands of a teenager. Ang isa namang staff sa kasunod na shop ay nagbiro na kung may mangho-hold-up daw sa kanila at makitang ang cellphone na iyon ang bitbit nila’y baka maawa pa raw ang hold-up-er at bigyan pa sila ng pamasahe pauwi. Those jokes were supposed to be funny, pero hindi natawa si Freya dahil kinakabahan ito sa maaaring nilalaman ng lumang cellphone ng ina. Sigurado ang dalagang sa mommy niya iyon—if not, why would that phone be in her mom’s stuff?
Read more

CHAPTER 06 – Just A Game

Back to the past; 30 years ago. “TULALA NA NAMAN SI KEN-KEN,” ani Cherry nang maupo sa harapan nina Ken-Ken at Divina nang tanghaling iyon sa cafeteria ng school. Katatapos lang ng klase nito habang ang dalawa’y kanina pa roon at gutom na sa paghihintay. “Ilang araw na ‘yang ganiyan, ayaw namang magsabi kung bakit,” sagot ni Divina, ang isang sulok ng labi nito’y nakataas habang nakatitig kay Ken-Ken na blangkong nakatingin sa lunch box nitong nakapatong sa mesa. “Bakit, anong nangyari?” tanong naman ni Cherry habang inilalabas sa bag ang baon. “Aba, malay ko. Simula nang mag-umpisa ang klase dalawang araw na ang nakararaan ay laging ganiyan ‘yan. Akala ko nga’y nagtatampo dahil sa nangyari noong araw na iyon sa plaza, pero mukhang hindi naman iyon ang dahilan.” Salubong ang mga kilay na ibinalik ni Cherry ang tingin sa kaniya. “May problema ka ba, Ken?” Lihim siyang napangiti; ang tingin ay hindi p
Read more

CHAPTER 07 - Steel Reynandez

“Miamiranda University player number 7?” ulit ni Paul, ang syota ni Cherry, nang tanungin niya ito nang magkita sila nang hapong iyon. Sadya siyang sumabay kay Cherry sa pag-uwi upang makausap nang personal si Paul at makapag-imbestiga siya tungkol sa player na iyon. “Alam mo ba ang pangalan niya?” muli niyang tanong. “Bakit? Gusto mo ba?” nakangising tanong pa ni Paul na ikina-ikot ng mga mata niya. “Magtatanong ba ako kung hindi? Ano sa tingin mo ang dahilan kaya naghintay ako para itanong sa’yo? Wala lang, trip-trip lang?” Hindi iyon ang unang beses na nakita niya si Paul; minsan na sila nitong ipinakilala ni Cherry sa isa’t isa kaya hindi na sila nagkakahiyaan. Komportable siyang buskahin ito, at ganoon din ito sa kaniya. Bahaw na natawa si Paul. “Ang init ng ulo mo lagi, kaya hindi ka ligawin, eh.” “Hoy, Paul, sadyang hindi ako nagpapaligaw kaya ganoon!” Nanulis ang nguso niya. “Grabe ka sa akin,
Read more
DMCA.com Protection Status