"Ahh, so siya na pala ’yung lalaki mo ngayon, nililigawan ka ba?" tanong niya bigla sa akin. "Ha? o-oo, nililigawa niya nga ako. At saka ano naman ngayon kung liligawan niya ako? Saka ano ulit? lalaki ko? hindi ano!" inis kong sigaw sa kanya pero tinaasan lang ako ng kilay nito. "Hoy Hazel Marcheossa, tandaan mo kasal ka! Pero sabagay, ganoon din naman kasi si Cael sa’yo e, hay ewan ko sa’yo teh, naiistress ako sa lovelife mo," sumbat niya sa akin at kumain ng butter cookies. "Kasalanan ko bang na sstress ka sa lovelife mo? Palibhasa natrato ka na ng tama," bulong kong sumbat sabay irap sa kanya at kumain na rin ng butter cookies sa harap namin. Nakakainggit din naman kasi minsan, ’yung mga kaibigan ko natrato ng tama paano naman ako Lord? Hindi ko ba deserve ang ganoon? hays, si Jeno naandiyan naman. Tina trato niya rin ako ng tama, napapangiti niya ako sa tuwing kasama ko siya pero lagi ring kulang minsan sa akin kahit siya ’yung kasama ko. Napasampal nalang ako sa sarili ko. "
Read more