"Mr. De Guzman, are you okay?" Tanong ni Kathy kay Gerald na parang na engkanto sa pag titig sa kanya. Di na niya ito masisisi pa dahil magaling na siyang manamit ngayon. Nakasuot siya ng suit na fitted at kuminis ang kanyang balat. Di na rin siya amoy isda, mabango siya at di pinagpapawisan dahil di aircon ang opisina niya."Kumusta ka na?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin si Gerald.Napangiti si Kathy. "Mabuti, ikaw?""Ito, naghahanap ng trabaho. Mukhang asensado ka na ah.""Oo nga eh. Swerte lang at sipag din.""Napaka humble mo pa rin. Nahihiya tuloy ako sa iyo.""Bakit ka naman nahihiya? Anuman ang nangyari sa nakaraan, kalimutan na natin yun. Nagpapasalamat pa nga ako na nangyari ang lahat dahil nagkaroon ako ng motivation para marating ang lahat ng ito. No hard feelings na ngayon." Taos sa pusong sabi ni Kathy."Lalo tuloy akong nahiya sa iyo dahil ang bait mo pa rin. Pero di ko na itutuloy ang pag-apply dito, sa
Last Updated : 2022-04-20 Read more