"Mr. Chua!" Bati ni Kathy sa business tycoon na nakasunod sa kanila ni Gerald. Napapalibutan ito ng mga bodyguard nito.Nakilala naman siya agad ni Mr. Chua. "Miss Reyes!""Tamang tama lang ang dating niyo, kararating lang din namin. How's your weekend sir?""It's good, it's good. Kagagaling ko lang sa Palawan with my grandchildren.""Ay mabuti po kung ganoon, nakapag relax kayo.""Oo. Ikaw, ano ginawa mo?""Nasa bahay lang po. Di na ako naka gala. Tambak ang trabaho eh. Oo nga pala, siya po si Mr. De Guzman. Siya po ang bago kong project manager.""Ha? Saan si Mr. Valderama?" Tanong ni Mr. Chua. Inignore nito si Gerald."May visa na po kasi. Gusto pala niyang mag migrate sa Canada.""Ganoon ba? Paano ang proyekto natin?""Tuloy pa rin po Sir. Walang magbabago. Kung anong plano, yun pa rin po ang susundin."Tumahimik saglit si Mr. Chua bago muling nagsalita."Maupo muna tayo bago tayo mag-usap." Sabi nito."Sige po sir." Sagot ni Kathy.Binati sila ng mga staffs ng class na restaurant
Mag-asawang sampal ang inabot ni Gerald mula kay Kathy."How dare you!" Madiing sabi ng dalaga habang tinititigan ng matalim si Gerald. Nagulat naman si Gerald. Alam naman niyang ginusto nila pareho ang nangyari."I'm sorry." Tanging nasabi na lang ni Gerald.Inirapan siya ni Kathy. "I expect you to finish the draft today!" Madiing sabi ni Kathy pagkatapos ay lumabas ito sa opisina ni Gerald.Pumasok si Kathy sa office niya, nakita siya ni Cynthia."Hello ma'am. Nakabalik ka na pala. Oh bat ganyan ang mukha mo?""Wala to. Wag mo akong pansinin."Napatakip sa bunganga si Cynthia nang mapansin na messed up ang lipstick ng boss niya. May hinala na siya kung ano ang nangyari."Si Mr. De Guzman po ba ang may gawa niyan?" Di mapigilan ni Cynthia ang bunganga. Napakunot-noo naman si Kathy. "Ng alin?" Kilig na inginuso ni Cynthia ang mga labi nito. "Ganito oh!."Biglang namula ang mukha ni Kathy. Napaharap siya sa salamin at nakita niya ang ibig sabihin ni Cynthia. Dali daling niyang pinun
Naabutan ni Cynthia si Gerald sa opisina ni Kathy. Gusto sana niyang umatras pero nakita na siya ng dalawa. "Tamang-tama, bumili si Cynthia ng meryenda." Saad ni Kathy. Napakamot ng ulo si Gerald. "Ha? Katatapos lang nating kumain."Napataas kilay si Kathy sabay ngiti. "Nagutom ako bigla.""Ito na po ang meryenda. Ilapag ko dito. Kunin ko na po yung pina dry cleaning mong damit ma'am bago pa mag sara ang shop."Napaisip si Kathy. May pina dry cleaning ba akong damit? Nagkibit balikat na lang siya. Dinampot niya ang isang stick ng banana que at inalok si Gerald pero tumanggi ito.Isinubo ni Kathy ang nakatuhog na buong saging habang nakatitig kay Gerald. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Gerald. Napatigil naman si Kathy, walang malisya niyang kakagatin sana ang saging na saba nang bigla siyang napaisip. Iba yata ang pumasok sa isip ng loko!Bibitawan sana ni Kathy ang saging nang makita niya ang coating ng saging na
Humahalimuyak ang pabango ni Kathy habang naglalakad papasok sa opisina niya. Lahat ay napapatingin tuloy sa kanya. Kakaiba kasi ang aura niya ngayon. Hinayaan lang niya ang buhok niyang naka lugay na dati ay nakapusod parati. Naka mini dress siya na kulay green. Naka contact lense din siya ngayon ng green na ibinagay niya sa kulay ng damit niya. Sa bawat hakbang niya ay bumabakat pa lalo ang suot niya kaya kitang kita lalo ang mala gitara nitong katawan.Nagkasalubong sina Kathy si Gerald at napatigil ang huli. Hindi siya makapaniwala sa transformation ni Kathy. Sino bang mag-aakala na head turner pala itong si palengke girl dati? Napa awang ang mga labi ni Gerald habang papalapit si Kathy sa kanya. Papalapit pa lang ito ay naamoy na ni Gerald ang humahalimuyak na pabango nito. Nakakahumaling! Gustong ipikit ni Gerald ang mga mata pero di niya kayang mawaglit sa paningin niya si Kathy. Para siyang nahipnotismo na naman habang nakatitig dito."Good morning Mr. De Guzman!" Bati ni Kath
Tumawag si Mr. Chua. Sinagot ni Cynthia ang tawag, hinahanap ni Mr. Chua si Kathy kaya kailangan niya itong puntahan sa opisina ni Mr. De Guzman. Kakatok sana siya sa loob nang bigla siyang may marinig sa loob ng opisina ni Mr. Dr Guzman. Napatakip siya ng bunganga sabay atras.Oh my goodness! Bulong ni Cynthia. Tahimik siyang bumalik sa opisina ni Kathy. Inangat niya ang telepono at sinabihan si Mr. Chua na mag call back na lang si Kathy dahil nasa kubeta ito, may diarrhea kaya natagalan sa kubeta. Bawat minutong lumilipas ay parang napakatagal para kay Cynthia. Inoorasan niya kasi kung pwede na niyang balikan ang boss niya. "Tatlong minuto pa lang ang lumilipas.. Pwede ko na kayang katukin yun? Hmp baka di pa tapos! Baka ibaling sa akin ang sakit ng ulo!" Bubulong bulong na wika ni Cynthia. Maya maya lang ang tinignan na naman niya ang wall clock.Napabuntong hininga na lang siya."Sana all na lang." Bulong uli ni Cynthia at humigop n
What? Di makapaniwala si Kathy. Of all the people, ito pa?"Nagulat ka yata." Sabi ni Arvin.Natawa si Kathy."Yes. This is unexpected. But me too, I did not expect na ikaw ang may-ari ng KK21. I'm so proud of you, ikaw ang tunay na self made kung tawagin. Mahaba haba rin ang iyong nilakbay. I hope you have forgiven me sa aking pang-aasar sa iyo noon." Sabi pa ni Arvin. "Oo naman. No hard feelings. Everything was part of growing up." Sagot ni Kathy. "Mabuti naman kung ganoon. So should we start to discuss ang plano?" "Yes please." Nakangiting sagot ni Kathy.Binuklat naman ni Gerald ang hawak niyang plano. Ipinakita niya ito kay Arvin. Tinignan ni Arvin ang kabuuan ng papel pero mukhang di ito na impress."Pwedeng paki paliwanag ito in words?" Sabi ni Arvin. Nagsalita naman si Gerald. Inulit niya ang mga nasabi niya sa ama ni Arvin. Tahimik lang itong nakikinig, ni walang inter aksiyon.Kinakabahan si Kathy nang hindi nagsasalita si Arvin after magpaliwanag ni Gerald.Maya maya la
"Thank you Gerald, It helped." Nakangiting sabi ni Kathy."You're welcome!" Sagot ni Gerald. Nakangiti itong humarap kay Kathy. "Can we start now?""Yeah. All my engineers and Architects are on field now so there's only you and me in this one! As you know, we are not like the big companies so we have to maximise our manpower and resources." Tumango si Gerald. "Let me see what you got." Sabi ni Gerald sabay buklat sa dalang papel ni Kathy.Tumango lang si Kathy, hinayaan niyang pag-aralan ni Gerald ang gawa niya."Arvin have confidence sa iyo. Ni reject niya yung proposal ko. So maybe if sa gawa mo tayo mag base at mag dagdag na lang tayo ng structures para sa gustong mangyari ni Mr. Chua na para sa mga bata then makukuha na siguro natin ang gusto ni Arvin at ng ama niya.""Sa totoo lang, Di na gumagana ang utak ko. I'm so used in dealing with his father. Magkaiba sila ng gustong mangyari. The thing is we have to please them both.""Not to mention the directors.""Nah, the directors w
"Good morning po!" Bati ni Gerald sa babaeng naabutan niya sa kusina. Napangiti ito. "Ako po si Gerald." Pagpapakilala ni Gerald sa sarili. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman po." Sagot ng babaeng halos kasing edad lang din ni Gerald. "Ako naman po si Maribel. Katulong ako sa bahay ni ma'am Kathy at asawa ko naman ang driver niya.""Ah, si Manong. Ano nga palang pangalan ni manong? Manong lang kasi ang dinig kong tawag ni Kathy eh.""Ben po, sir. Gusto mo na bang kumain. Ipaghain na kita ng almusal.""Antayin ko na lang po so Kathy.""Ayaw niyo po ba kahit kape man lang?" "Uhm.. O sige po. San po kape niyo dito?" "Maupo ka na lang po sir sa lamesa, dadalhan kita ng kape dun." Sabi ni Maribel. "Salamat Maribel. ""Walang anuman. Alam mo bang ikaw pa lang ang tanging nadala ni ma'am na lalaki dito?" Sabi ni Maribel at bigla niyang natakpan ang bunganga niya na para bang may nasabi siyang hindi dapat. Napansin ni Gerald yun. "Wag kang mag-akala. Sa atin lang ang usapan nating to." Sab
"Nay, ano na?" Tanong agad ni Kathy kay Aling Dolor pagbalik nito.Abot hanggang tainga ang mga ngiti ni Aling Dolor pagkakita nito kay Kathy. "Sabi ko naman sa inyo na wag natin silang e judge nang basta-basta. Mababait sila, pinapasok pa nga ako sa loob ng bahay at inalok na mag tsaa pero humindi ako. Inaya ko sila na magsalo salo bukas. Kaya ngayon pa lang ay ihanda natin ang ating iluluto."Tumango na lang si Kathy."Anak baka gusto mong mamitas ng mga gulay sa labas. Para bukas ay magluto na lang tayo.""Sige po nay." Sagot ni Kathy at lumabas na ito ng bahay."Aling Dolor, samahan ko po si ma'am.""Bahala ka."Sumabad naman si Alan sa usapan. "Manghuli na po ba ako ng manok? Mamaya na lang pala, kapag natutulog na sila.""Oo bahala ka. Sabihan mo silang mamitas sila ng papaya at dahon ng sili para sa ating tinola bukas.""Opo Aling Dolor."Dali dali ngang pinuntahan ni Alan sina Kathy at Elena."O akala ko namimitas kayo ng mga gulay." Puna ni Alan.Napatingin sina Kathy at Ele
Pagbalik sa bahay nina Aling Dolor at Kathy ay agad silang sinalubong ni Elena. Nagtataka si Kathy kung bakit tila aligaga ang huli."Ayos ka lang ba Elena?" Tanong ni Kathy.Hindi agad sumagot si Elena.Binitbit naman ni Alan ang mga pinamili nila at ipanasok ang mga yun sa kusina. Walang sabi sabi na tumulong sa pag bitbit si Elena sa mga gamit at agad itong sumunod sa kanyang asawa.Nagtataka man ay hindi na uli nagtanong pa si Kathy. Sumunod na lang din siya sa bahay bitbit ang mga pinamili niyang personal. Agad niyang dinala yun sa kuwarto niya bago siya bumaba sa kusina.Pagbaba ni Kathy sa kusina ay agad niyang nakita ang basket na may laman na mga sweets."Ano to?" Tanong niyang kay Elena nakatingin."Galing sa kapitbahay." Sagot ni Elena na di tumitingin kay Kathy."Sinong kapitbahay?" Sabad ni Aling Dolor."Bagong salta daw po.""Alin diyan sa mga kapitbahay? Marami tayong kapitbahay a?" Tanong uli ni Aling Dolor.Tumingin uli si Elena kay Kathy na wari bay may pangamba sa p
May isang babae na kumatok sa Gate ng farm ni Kathy. Naka sombrero ito at naka bandana with matching shades. May bitbit itong ilang goodies. Pinindot nito ang door bell, agad naman itong sinilip ni Elena. "Sino po ang hanap nila?" Tanong ni Elena sa babae. Ngumiti ang babae kay Elena. "Gusto ko lang pong magbigay ng goodies. Bago niyo akong kapitbahay."Tinitigan ni Elena ang matangkad at maputing babae na nasa labas. Mukhang mabait naman ito kaya ngumiti rin siya dito. "Saan po kayo dito?" Tanong ni Elena. Itinuro ng babae ang katabing bahay na matagal na nilang minamanmanan. Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ni Elena na di nakaligtas sa babae. "Kayo po ba ang may-ari ng lupang katabi ng lupa ko?" Tanong ng babae. "Hindi po. Katiwala lang ako at ang asawa ko dito." Sagot ni Elena na nagsimulang manginig ang mga kamay. "Okay ka lang ba?" Tanong ng babae. "Mainit ang panahon, kailangan ko lang pong uminom ng tubig. Balik na lang po kayo kapag nandito na ang amo ko.""Saan b
**Ganap sa opisina ni Arvin Chua**Modernang babae, yun si Michelle Savar. Sexy na maganda pa kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Pero may kakaiba sa lahat ng mga lalaking nakilala niya, ito ay ang pakipot niyang boss na si Arvin Chua. Halos ipakita na niya ang kaluluwa niya dito pero hindi siya nito pinapansin. Nakakababa ito sa kanyang self confidence pero welcome na welcome siya sa challenge - ang maka one night stand ang kanyang boss na walang iba kundi ang bilyonaryong si Arvin Chua!Balita ni Michelle na si Arvin Chua daw ay bilyonaryong virgin sa edad nitong tatlompo't anim! Kaya naman ang challenge ni Michelle ay ma dis virgin itong si Arvin, baka sakaling sa kanya mabaling ang pansin nito pag nangyari yun. Sa ngayon kasi ay alam ng lahat na may gusto ito sa disgraced business woman na si Kathy Reyes. Ang gaga lang ng bruha dahil pumayag itong maging kireda, ayun tuloy pabagsak na ang kabuhayan nito dahil sira ang pangalan nito. Napabuntong-hininga si Michelle. It's jus
"Arvin, balitaan mo ako kung may balita ka uli kay Gerald ha? Actually, is there a way to find out kung nakalipad na nga ito.. I mean, kung sumakay ba talaga ito.""Oo naman pwede kong gawin yan. Teka lang Kat, pinagdududahan mo ba ang sinabi ko na umalis na sa bansa si Gerald?""I trust you Arvin. Ang sources mo lang ang hindi ko masabi na accurate. But don't ever think na pinagdududahan kita. I just want to know if there is a way to find out kung nakalabas nga ba ng bansa si Gerald o hindi." Paliwanag ni Kathy.Napabuntong-hininga si Arvin." Don't worry, I will check for you.. Kat there is nothing that I would not do for you.""Thank-you Arvin. Isa pa pala Arvin, gusto kong malaman kung kailan lumabas ng decision ng korte na approved na ang divorce ni Gerald... Sorry for asking you to do this pero ikaw lang kasi ang may maraming connection na kakilala ko."Dinig ni Kathy ang malakas na pagbuntong hininga ni Arvin bago ito nagsalita."Okay Kathy. I will do it kung ikakasaya mo.""Gus
Pagkatapos mag-almusal ay pinuntahan ni Kathy ang mag asawang Alan at Elena. Tuwang tuwa ang dalawa nang makita si Kathy."Ma'am Kathy pasensiya na hindi ka namin nasalubong kahapon. Pumunta kasi kami sa bayan para bumili ng mga supply." Kaagad na sabi ni Alan kay Kathy."Okay lang yun Alan. Kumusta kayo dito? Hindi ba kayo na boboring dito?""Naku po ma'am, masaya kaming manirahan dito sa bukid." Sagot naman ni Elena."Mabuti kung ganoon. Oo nga pala, pasalubong ko sa inyong mag-asawa." Sabi ni Kathy sabay abot sa paper bag na bitbit niya."Nakakahiya naman sa inyo ma'am, nag-abala pa kayo.""Maliit na bagay lang po yan kung ikukumpara sa kasipagan niyo. Kita nga niyo kung gaano kaganda ang mga pananim niyo dito."Napangiti ang mag - asawa at sabay na nagpasalamat."Oo nga pala, matanong ko lang. Kilala ba ninyo ang kapitbahay natin?" Tanong ni Kathy at kita niya ang biglang paglaho ng mga ngiti ng mag-asawa."Ah ma'am, sa loob po tayo mag-usap." Tila aligagang sagot ni Alan.Inaya n
Maaliwalas na kapaligiran ang tumambad kay Kathy pagdating niya sa kanyang farm sa Batangas. Masaya siyang sinalubong ng kanyang ina na dito na nanirahan kasama ng ilang katiwala sa kanyang farm magmula nang mabili niya ito. "Mano po nay." Magalang na sabi ni Kathy sabay mano sa kanyang ina. "Kaawaan ka ng Diyos anak." Sabi ni Aling Dolor, ina ni Kathy, pagkatapos niyang abutin ang kamay ng kanyang anak. "Siguradong gutom ka sa biyahe. Nakapagluto na ako ng tanghalian mo. Halika na anak, sabay na tayong mananghalian." Sabi agad ni Aling Dolor na walang mapagsadlan ng katuwaan sa muli nilang pagkikita ng kanyang anak.Habang kumakain ay di mapigil ang kuwentuhan ng dalawa hangang sa tanungin ni Aling Dolor ang tunay na dahilan kung bakit nagpasya si Kathy na sa Batangas na lang ito manirahan. "Nay, kailangan kong mag pahinga." Yun lang ang sagot ni Kathy at hindi na uli inungkat pa ni Aling Dolor ang tungkol sa bagay na yun. "Mabuti naman baka dito pala sa Batangas ka makatagpo n
For few days, someone has been vandalising Kathy's car, may nag susulat ng kabit o Di kaya ay may nangbabato ng itlog sa sasakyan niya. Pero kalaunan ay tumigil din yun. Kilala naman niya kung sino ang may gawa nun, walang iba kundi si Mia. But life goes on hanggang sa... Months later. Kathy Reyes is on the verge of bankruptcy. Para siyang pinarusahan ng langit, lahat ng contracts niya nagsi back out kaya she have no option but to fire some of her staffs na hindi na niya talaga kailangan.Kathy looks haggard, hindi na niya na ayos ang sarili niya sa dami ng problema na kinakaharap ng kumpanya niya. "Ma'am Kathy, you have a call.." "From who?" Tanong ni Kathy kay Cynthia na nangayayat na. Di ito makakain after everything that happened. Sinisisi nito ang sarili niya sa pagkalat ng pictures ng boss niya na may kayakap na pamilyadong lalaki."It's from Arvin." Sagot ni Cynthia. "Tell him I'm not interested to talk to him.""Pero ma'am, kailangan mo siyang kausapin. Kailangan mo si si
"Sir, Magpapakulong na po ako. Hindi ako babalik sa kanya." Sabi ni Gerald sa mga police bago ito bumaling kay Mia. "Antayin mo na lang ang annulment natin." Pinal ang desisyon na pahayag ni Gerald."Gerald, but why?" Gulat na tanong ni Mia. "You know the answer to your question Mia. Once I'm out, let's talk about the custody of our daughter." Malumanay pa rin na sagot ni Gerald. "What are you talking about? Gerald.." Halos magmakaawang sabi ni Mia subalit iniwasan ito ni Gerald kaya muli itong humarap kay Kathy. Sinugod nito ang huli subalit namagitan ang mga police. "Kasalanan mo tong babae ka! Mang aagaw ka!" "Hmm.. Speak for yourself!" Matapang na sagot ni Kathy. Iwinaksi ni Mia ang kamay ng police at tinitigan niya ito ng masama. "Don't you dare touch me! And since wala kayong silbi, umalis na lang kayo. Expect to hear from my General god father!" Pananakot ni Mia sa mga ito. Walang masabi ang mga police. Nag decide ang mga ito to step back. Humarap naman si Mia kay Kathy ul